Chapter 3

36 4 3
                                    

Hanny's POV

Saan kaya nagpunta si Kuya Jed at hindi niya ako nasundo? Anong ginawa niyang mas importante at hindi niya ako masundo kaya pinasundo niya ako dito sa lalaking ito? Kay Lucas Ferrer na hindi ko alam na kaibigan niya pala.

Nakakailang na kasama itong si Lucas dahil sa sobrang tahimik niya. Walang emosyon ang mukha niya kaya hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin para pagaanin ang mabigat na atmosphere na nandito sa loob ng kotse niya.

"Stop staring."

Napaiwas ako agad ng tingin at ibinalin sa bintana ang atensyon ko. "I'm not."

I'm not staring! I'm just... looking at him. Duh.

"Tss."

He seemed irritated.

Tahimik nanaman ulit. Wala talaga siyang balak na kausapin ako at magtanong man lang ng kahit na ano para hindi awkward. Seryoso lang siyang nagdadrive at hindi ako pinapansin kahit na nilalaro ko na ang bintana ng kotse niya.

"Saan nagpunta si Kuya?"

Saglit niya akong binalingan ng tingin saka sumagot. "No idea."

"Bakit mo ako sinundo?"

He shrugged.

"Bakit ka pumayag na sunduin mo ako?"

No answer.

"Ano ba ang sinabi niya sa iyo?"

Magkadikit ang kilay niya na binalingan ako ng tingin. "You're noisy." Bulong niyang may diin.

Binabalaan niya ba ako tumahimik? Maingay ba ako? Hindi naman a! Nagtatanong lang naman  ako. Saka hindi naman ako sumisigaw for pete's sake!

"Dito nalang ako."

Tumango lang siya at iginilid ang sasakyan. Bababa na sana ako nang bumaba rin siya. Bakit pa siya bababa?

"Salamat sa paghatid." Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti ngunit nag-iwas lang siya ng tingin.

Pumasok na ako ng bahay namin at hindi na ulit siya nilingon.

"I'm home!" Sigaw ko pero walang sumagot. "Bakit ang tahimik?"
Hinagis ko ang bag ko sa sofa at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Kumuha rin ako ng chichirya sa cabinet doon at bumalik sa sala.

Nasaan si Mom? Bakit ang tahimik? Wala bang tao dito?

"They're not here."

Bigla akong napalingon sa likod ko. "Lucas!?" Napahawak ako sa dibdib ko. "Ginulat mo ako!" Bulyaw ko sakanya na prenteng nakaupo sa sofa namin katabi ang bag ko.

Diretso lang ang tingin niya sa akin saka binigyan ng pansin ang hawak ko. "Give me that."

"Huh?"

"That." Turo niya sa chichiryang hawak ko.

Nalilitong binigay ko ito sa kanya.

"B-bakit ka pala nandito? Akala ko umalis ka na. Saka sinong nagpapasok sayo? I mean, paano ka nakapasok?" Nalilito talaga ako. Anong ginagawa niya dito sa loob ng bahay namin?

Tinignan niya ang pinto. "I used the door." Tumaas ang kilay niya sa akin. Nganga pa rin ako sa presensya niya. "You still haven't eat dinner, junkfoods is not healthy."

"Advice ba iyan?" Natawa ako.

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Okay, okay. Hindi na ako kakain ng ng ganito sa gabi." Umupo ako sa harapan niya. "Now, hindi mo pa ako sinasagot ng seryoso."

Owning Lucas Ferrer (#Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon