Hanny's POV
Tinutulungan ko si Kuya sa pag-aayos ng gamit niya na dadalhin niya mamayang gabi. May gig sila sa isang bar. At last, mapapanood ko na rin sila. Hindi ko pa kasi sila napapanood na magpatugtog at hindi ko pa rin nakikita ang mga kabanda niya.
"Kuya, iyong bag ng guitar?"
"Nasa kabinet."
Kinuha ko na iyong bag sa kabinet ng ibang mga instrument niya. Nakita ko namang may mga papel siyang nilalagay sa lagayan ng bag ng laptop niya. Mga kanta siguro.
Umupo nalang ako sa gilid ng kama niya nang wala na akong ginagawa.
Nasa kwarto niya ako. Ngayon palang ako nakapasok dito simula ng lumipat kami dito. Si Kuya Jed lang ang nagstay dito noong hindi pa kami lumipat. Pinabili niya kay Dad ang bahay noong birthday niya, binigay naman ni Dad.
"Anong oras ang start niyo?"
Sinagot niya ako habang kumukuha siya ng leather jacket niya. "7:00 pm."
"I'll bring my friends."
"Who?" Kumunot ang noo niya. Nagulat siguro at may mga kaibigan na ako agad doon sa school.
"Sabrina, Rose, and Joice."
Biglang sumeryoso ang mukha niya at nakapameywang na hinarap ako. Tiningala ko siya.
"Joice Sy?"
Kilala niya si Joice? "Yes." Nagtatanong na ang mata kong nakatingin sa kaniya. "Why?"
Huminga siya ng malalim. "Nothing." Tumalikod na siya. "Come on."
Sabado ngayon at ilang araw na rin ang lumipas noong encounter namin ni Lucas. Hindi ko na siya ulit na nakita sa school.
Naalala ko iyong ID ni Lucas sa akin. Binuksan ko naman agad ang bag ko at hinanap ang ID niya. Patago ko itong inilabas baka kasi ay makita ni Kuya.
Nasa kotse kami at papunta ng school, para kunin iyong naiwan niyang gamit sa music room. Humingi siya ng tulong at tutal namang wala akong ginagawa sa bahay kaya pumayag nalang ako.
"What's that?"
Mabilis akong gumilid at hinarap ang bintana ng kotse. "W-wala. ID ko." Sinilip ko na iyong hawak ko.
"ID mo, but you're hiding it. What's in it?"
"Nothing."
"Okay."
Hindi niya naman na ako kinulit. Itinuon ko na ang pansin ko sa ID ni Lucas at tinandaan ang mga nandoon.
Lucas F. Ferrer
4th year4th year. Kabatch niya si Kuya. 3rd year palang ako, mas matanda pala siya sa akin. Siguro isang taon or ka-age niya lang si Kuya. Napatango ako ng makuntento ako.
"Kuya classmate mo ba si Lucas?" Nakatingin ako sakanya.
"Who's Lucas?"
"Ah, I mean Luke. Luke Ferrer."
"Why do you ask?" Kumunot na ang noo niya. Simula ng banggitin ko ang Lucas ay nagtaka na siya.
"Wala lang."
"Are you that interested in him?" Diretso ang tingin niya sa daan.
Nagulat ako sa tanong niya kasabay ng pagbilis ng pagpintig ng puso ko. "No? Why would I." Napaiwas ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
Owning Lucas Ferrer (#Wattys2017)
Dla nastolatkówHe's not just someone. He's Lucas Ferrer.