Chapter 14

18 3 0
                                    


Pagkababa namin ni Sabrina ay naabutan naming nagsi-cellphone si Aris, napatayo rin ito agad nan makita niya kami. Tumagal ang tingin niya sa akin bago siya naunang lumabas ng bahay namin

Kumunot ang noo ko sa ginawa niya. Inosenteng napatingin naman ako sa sumiko sa akin sa gilid ko, si Sabrina na may mapanuksong tingin na.

"Type ka yata ni Aris. Ikaw sissy ha, hindi ka loyal kay fafa Luke." birong pahayag niya at nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

H-Hindi loyal? Oh, sht. Boyfriend ko nga pala si Lucas sa alam nila! "H-Hindi ah! W-Wala naman akong ginagawang masama. At saka, siya ang tumitingin sa akin." depensa ko kunwari. Parang hindi pa siya naniniwala kaya iniba ko na ang usapan. "T-Tara na! Bago pa tayo gabihin ng uwi."

Nakarating kami ng ilang minuto sa mall na malapit lang rin sa school namin. Iba ang pinuntahan namin noon nila Joice. Mas malawak ang isang 'yun kumpara dito, pero mas marami naman ang floors ng isang ito. Nagulat pa ako ng mag-bow ang guard sa amin at ang ibang mga nagtatrabaho dito sa mall. Hindi naman nila iyon ginagawa sa iba, sa amin lang talaga.

Tinignan ko ang dalawang kasama ko. Si Sab, nakangiting tumitingin sa paligid habang si Aris naman ay walang ekpresyon at nakabulsa lang ang dalawang kamay sa pantalon na suot niya. Hindi ko rin napansin na nagpalit rin pala siya ng damit niya. Siguro ay nagpalit rin siya sa bahay kanina.

Naka-black V-neck shirt siya at maong pants na fit sa mahaba niyang paa. Naka-rubber shoes din siya ng vans. Well, he looks neat and nice.

Pumasok kami ni Sab sa accessory section.

"Good afternoon, Sir Rafael." rinig kong bati ng mga sales lady sa taong nasa likod namin.

Kanina ko pa naririnig ang bating ganyan kaya naman napalingon ako at pinauna na si Sab sa loob. Walang ibang tao doon kundi si Aris na walang pakiaalam sa paligid niya kundi ang ipinunta lamang talaga dito ay ang samahan ako, kami.

"Are you bored? Pwede mo naman kaming iwan nalang." suhestyon ko.

"And? So you can meet him? No." matigas ang banggit niya sa huli at may halong pagbabanta.

"Meet who? I was just asking you to rest at baka ay napapagod ka na sa pagsunod sa amin." inis na sabi ko. Concern na nga ako, parang galit pa siya at pinaghihinalaan ako. Nakakainis.

Yes, I want to meet Lucas, but that's not my intentiom kaya pinapaalis ko na siya.

"Nah. I'm not bored. Besides, I'm enjoying this." aniya. "Go ahead. I'll be waiting here. I'll watch you." at itinuro pa ako sa direksyon ni Sab na namimili na ng mga accessories niya.

Wala naman na akong nagawa at hinayaan siya sa pinto ng botique na ito sa loob ng mall. Nahean nalang rin ako ng ilang accessories na pwedeng isabit sa bag ko, hair-pins at sticker sa cover ng phone ko.

May nakita akong panlalaking bracelet na kulay ito at bagay sa isang taong kilala ko, saka biglang pumasok sa isip ko si Lucas. "Nice." komento ko ng damputim ko ito.

"Uuuy! Para ba kay Luke yan o kay Aris?" pinaningkitan ko siya ng mata kaya na tawa siya. "Hahaha! I was just kidding sissy! Ofcourse para kay Luke yan! Siya ang boyfriend e." kinikilig niyang wika at lumayo na sa akin.

Muli akong nagpalinga sa mga panglalaking accessories at dumampot ng isa pa saka sumunod ako kay Sab sa counter. Pina-seal ko ang paper bag at nilagay lahat doon ang pinamili ko para walang makasilip doon.

Pumunta pa kami sa isang game zone at nakabuntot lang sa amin si Aris. Naiilang man ay niyaya ko siya. "Wanna play?" aya ko sa kaniya habang hawak ang baril na nakatutok sa isang flat screen TV na nagloloading for next level ang nilalaro kong barilan ng zombies.

"No, thanks." simpleng sabi niya at wala talagang interes. Nagkibit-balikat nalang ako at inenjoy ang laro ko lalo na at maraming zombies ang papalapit sa akin sa character ko sa game.

"Ah! Woah!... Hahaha! Buti nga! Ayan!" napapatalon ako bawat baril ko sa mga malapit sa akin na zombies. Nakakapressure but masaya.

"Sissy ubos na ang token ko. Kain naman tayo!" hila ni Sab sa braso ko.

"Teka, Sab. Papatumbahin ko lang ang mga ito... oh sht! Ahh! I'm dead!"

Nakabusangot na lumingon ako sa bumungisngis sa likod ko. Hindi si Sabrina iyon dahil nasa harap ko siya. It's Aris.

Did he just chuckled? Ang gwapo niya kapag tumawa siya.

Nganga akong napatitig sakanya. Napansin niya naman iyon kaya bigla siyang tumikhim at sumeryoso ulit ang mukha. Now he's back with his usual expression.

"What?" inosenteng aniya sabay iwas ng tingin.

"Ngumiti ka nga ulit?" binaba ko na iyung toy gun at lumapit sakanya.

"A-Again? I...I didn't smiled!" taranta niyang sagot. Namumula pa ang tainga niya at nagsalubong ang kilay niyang kunwa'y naiinis.

"Yes, you did! And you look different when you accidentally showed it. It's as if, ibang tao ang nakita ko." Sincere na wika ko na mas nagpamula pa sa mukha niyang nakaiwas sa akin.

Tutuksuhin ko pa sana siya pero hindi ko naituloy dahil sa nakita kong tao na dumaan sa likuran niya. Sinundan ko ng tingin ang taong yun habang nakakunot ang noo ko.

Parang may iba akong naramdaman sa loob ko. Napansin ni Aris ang pagkabalisa ko kaya napatingin rin siya sa tinitignan ko.

Si Lucas... may kasamang babae.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Owning Lucas Ferrer (#Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon