Chapter 8

17 2 0
                                    

Hanny's POV

"Kuya bakit mo naman ginawa 'yon?" Kinagat ko ang labi ko.

Hindi ko parin maisip kung bakit ako pa ang pinili ni Kuya na maging manager ng band nila. At sinabi niya pa sa iba na papayag naman daw ako. Hindi naman ako makatanggi doon sa titig sa akin ni Aris kaya napatango nalang akong bigla.

"But I still asked you if you like it and you nod. What's wrong?"

"I don't think I can do it."

Kunot ang noo kong iniwas ang tingin sa kaniya. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Pumunta siya sa kusina at maya-maya rin ay inabutan niya ako ng tubig. Now he's comforting me. He's now acting as my brother. I like that about him.

"Water."

Kinuha ko naman iyon at uminom. Ngumiti ako sa kaniya nang kumalma na ako. Ayaw niyang napepressure ako kaya andyan siya at inalalayan ako. Binibigyan ako ng tubig para pakalmahin ako. Umupo siya sa tabi ko dito sa sofa at hinagod ang buhok ko.

"I'll try, then."

He pinched my nose. Tinapik ko naman ang kamay niya. "Thank you little sister."

Tumawa kami. "I'm not little." Pinalo ko siya ng unan na nasa tabi ko kanina.

"Yes you are, Ann." Wika niya habang paakyat sa hagdan.

"I'm not!" I pouted.

Tumawa parin siya. "Magpalit ka na. Kakain tayo sa labas."

Napatayo ako. "Why? Where's mom?"

"Work." Nasa harap na siya ng kwarto niya kaya sumunod na rin ako sa taas. "Hurry, Ann."

"Okay."

Ilang gabi nang hindi umuuwi si Mommy ng maaga. Hindi na rin namin siya nakakasabay sa hapunan na dati naman naming nagagawa noong nasa dating bahay pa kami. Nagiging workaholic na rin siya tulad ni Dad. Sana lang ay hindi niya rin kalimutang may mga anak siya. Si Mom kasi ang nag-aasikaso sa trabahong iniwan ni Dad dito while nasa ibang bansa siya.

"Libre mo, Kuya?" Ngumisi ako habang nakatingin sa menu. Magiging spoiled ako ngayon.

"Of course, Ann." Nangiting umiling nalang siya.

Binigay naman na namin ang order namin. Pagkaalis ng waiter ay may tumawag kay Kuya.

"What now, Justine?... Oh, yes, how did you know?"

"Nandito kami sa likod niyo!" At tumawa nang malakas ang papalapit na si Justine.

Ghad. Akala ko pa naman tahimik at maayos na matatapos ang araw na ito at walang gugulong tao na nagngangalang Justine! Umusog si Kuya sa gilid niya nang makitabi sakanya si Kiel. I threw him a glare nang umupo siya sa tabi ko, ngiti lang ang sinukli sa akin ni Justine. Ghad! Can't he see that I'm irrirated?

"Bakit kayo andito?"

"Masama bang meron kami dito, Hanny?"

"Nakita kayo ni Justine kanina nang papasok kayo dito. Hinila niya lang ako."

Nandamay pa talaga itong si Justine sa kakulitan niya. Buti at napagtitiisan ito ni Kiel? Sa gwapo ni Kiel, napakikisamahan niya ang makulit na nilalang na ito. Paano niya ito nahehandle?

Tinawag ni Kuya ang waiter at nagorder naman na sila Kiel ng kanila.

"My treat." Ani Kuya.

"Woah! Iyan ang gusto ko sayo Jed eh!"

"Bayaran mo ang sayo Justine. Kami lang ni Kiel ang ililibre ni Kuya." Nginitian ko siya ng malaki. Sinakyan naman ako ni Kiel.

Owning Lucas Ferrer (#Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon