Prologue

71 9 4
                                    

Second semester, new school.

"Ann! Hurry up!" Sigaw ni Kuya Jed sa salas.

"I'm done, wait!" Mabilis akong lumabas ng kwarto ko at dali-daling tumakbo pababa.

Nakakunot na ang noo ni Kuya sa inis dahil malelate siya ng dahil sa akin. Ayaw na ayaw pa naman niya ang nalelate.

"Too slow, Ann."

"Sorry." Ngumiwi ako sakanya that made him hissed. Sinundan ko siya palabas ng bahay pagkapaalam ko kila Mom na aalis na kami.

First day ko dito sa new school ko while si Kuya Jed, dati na siya dito. Naisipan nila Mom na dito nalang din ako mag-aral para kasama ko si Kuya, at may magbantay sakin. Why? Pasaway daw kasi ako.

Tss.

"What time is it?" Tanong ni Kuya pagkapasok sa kotse niya. Nauna akong nakapasok sakanya dahil umikot pa siya.

Nginiwian ko muna siya dahil alam kong magagalit siya dahil late na talaga kami. "8:40."

With that, pinaharurot niya na ang sasakyan ng mabilis. Shit!

Mabilis akong lumabas ng kotse pagka-park niya ng sasakyan. "Wait me later. 5:00."

"Okay!" Tumakbo na ako para hanapin ang room ko.

"So you'll going to emphasize this word to..."

"Hah!" Napakapit ako sa ambahan ng pinto ng first class ko. I'm totally late! "Sorry I'm late."

Tumaas ang kilay ng teacher sakin na nasasalita kanina. "New student? Name."

"Hanny Ann Silva."

Pinaupo na rin ako sa bandang likuran at nagpatuloy ang teacher namin sa pagdiscuss hanggang sa natapos ito.

"Hey."

Napatingin ako sa tumawag sakin sa isang table dito sa canteen. "Ako?"

"Yah, you. Come here, join us." Aya niya sa akin at ngumiti kaya lumabas ang dimples niya na lalong nagpaganda sakanya bukod sa maputi niyang balat at itim na mahabang buhok.

Pinaupo ako ng dalawa niyang kasama sa tabi niya.

"Thanks." I smiled. Inayos ko ang tray ng pagkain ko. "I'm Hanny." Pagpapakilala ko.

"Joice." Pagpapakilala rin ng tumawag sakin.

"Rose." she smiled.

"Sabrina." she giggled.

Nag-usap kami habang kumakain na rin. They are friendly at mukhang mababait. I think I finally gain friends. Hope they are true.

"So, may boyfriend ka?"

Namilog ang mata ko sa tanong ni Joice. "Uhm."

Tinaasan niya ako ng kilay, waiting for my answer.

"Ako meron. He's Larry, basketball player dito. 6 months na kami." Pabida ni Rose.

Napa-oh naman ako.

"Mine is Mark. Soccer player din dito. 4 months." Kinikilig namang wika ni Sabrina.

Hinintay ko namang magsalita rin si Joyce tungkol sa boyfriend niya.

"Me?" Pinunasan niya ang gilid ng labi niya. "Just a random guy."

"Random guy?" Tanong ko. Does she mean kahit sino lang?

"Yes. Infact hindi ko pa kasi nahahanap ang magpapatino sa akin. I'm trying to find him, you see, I test guys." Tumawa kami sa sinabi niya.

She's finding he's man. She can't wait. Natawa ako sa naisip ko.

"You?"

Bumalik ako sa sarili ko ng muli nila akong tanungin.

Lahat sila may boyfriend. Ako lang ang wala? They are my friends now. Iiwan nila ako kapag andyan na ang mga boyfriend nila. Magpapakasaya sila kasama ang mga boyfriend nila. Ako lang ang maiiwan. Magmumukha akong kawawa!

"Meron."

Oh shoot, Hanny. Reason out!

"Who's the lucky guy!" Nakangiting tanong ni Rose.

"Can we see him?" Ani naman ni Sabrina.

Nginiwian ko si Joice na nakatingin lang sa akin. "Uhm..." Lagot ako nito. "Papakilala ko kayo kapag may time siya."

Magtatanong pa sana sila ngunit nahadlangan iyon ng bell hudyat na time na.

Mabilis na lumipas ang oras at naghihintay na ako kay Kuya dito sa parking lot. Ang tagal niya. 5:15 na kaya.

"Luke, sandali!"

"What!?"

"Tapos na ba talaga tayo?"

Napasilip ako sa likod ng kotseng katabi ko lang at tinignan ang isang babae kasama ang isang matangkad na lalaking nakatalikod sa banda ko. Studyante rin sila ng school na ito.

"Yes, we're done. I'm done with you." Akmang hahawakan siya ng babae ngunit lumayo siya dito. "Damn, get away from me!"

Mukha namang natakot iyong babae kaya hinyaan niya nalang na makaalis iyong lalaki.

Humarap siya sa banda ko at nakitang nakikinig ako sakanila kaya tinaasan niya ako ng kilay. I let out an apolegetic smile, ngunit kumunot lang ang noo niya at sumakay na sa kotseng katabi ko na katabi ng kotse ni Kuya.

Tinignan ko iyong babae kanina pagkaalis ng kotse ng lalaki kanina, tinaasan niya ako ng kilay at inisnob ako saka siya tuluyang umalis na parang naiirita pa.

Wow. Taray, psh.

Napatingin ako sa malapit sa paanan ko nang may nakita akong ID. Pinulot ko ito.

"Lucas Ferrer?" Basa ko sa pangalang nasa ID.

Yung lalaki kanina. Mukha niya ang nasa picture sa ID. Sersoyo ang mukha ng lalaki sa picture. Walang bakas ng emosyon sa muka niya. Malalim ang mata niya at parang mahirap na mabasa. Black na black rin ang buhok niya na bumabagay naman sakanya. In short, gwapo siya. Pero parang may kulang.

"Kanina ka pa dito?" Napalingon ako sa likod ko.

"Oh. Yes, kanina pa."

Tumango si Kuya. "Let's go?" Aya niya.

Tumango ako at nilagay muna sa bag ko iyong ID na napulot ko kanina saka ako sumakay sa kotse.

>>>

AN: Nag-uumpisa palang tayo. Sana subaybayan niyo rin ito. Keep in touch! :)

Owning Lucas Ferrer (#Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon