Chapter 6

19 3 2
                                    

Hanny's POV

"Okay ka lang ba talaga, Hanny?"

Napatingin ako sa gilid ko. "Ha?" Nag-aalala ang mga mata ni Rose. "Oo." Sagot ko nalang.

Ilang minuto na rin ang lumipas magmula nang galing ako kanina sa backstage at ang first encounter ko kay Aris. Nababagabag pa rin ako ng presensya niya dito sa bar. Nakainom ako ng light lang na alak kahit na pinagbawalan ako ni Kuya na uminom, baka daw malasing ako't baka kung ano pa ang magawa ko, nag-aalala siya sa akin. Hindi ko naman siya masisi, mahina ako sa mga malalakas na alcohol, sa light medyo kaya ko pa.

"Anong bumabagabag sayo sissy?" Tanong ni Sab pagkaupo niya sa stool sa kaliwa ko. Nasa harap kami ng bar counter at nasa kanan ko naman ang dalawa.

"Just... Just some things." Ayaw kong sabihin sa kanila. Ano nalang ang isipin nila? At baka ay tanungin nila ako kung ano ba ang ginawa ni Aris sa akin at ganito ako ngayon, ay wala naman talaga.

"May masakit ba sayo? Should I call Jeddy for you?" Maging si Joice ay hindi na rin mapigilan na magtanong sa akin.

Wala silang dapat na ipag-alala. Wala naman talaga akong problema. Marami lang akong iniisip. Gusto kong tanungin si Aris kung paano naging si Lucas ang nagsundo sa akin na dapat ay siya na sinabihan ni Kuya na kukuha sa akin noong gabing iyon. Ngunit hindi ko siya matanong dahil nakakatakot ang aura niya. Hindi ko rin naman matanong Lucas dahil sa hindi ko kaya, ewan ko ba kung bakit. Pareho sila Lucas at Aris, ang pinagkaiba lang, intimidating si Lucas habang si Aris ay iba, nakakatakot ang aura niya.

Medyo lumayo sa akin sina Rose. Kanina pa pala ako tulala at hindi napansin ang pagdating ni Kuya sa harap ko. Nasa likod niya si Joice na nilalaro ang daliri niya.

"Ann."

"Kuya..."

"You okay? Are you hurt?" Pinakiramdaman niya ang temperatura ko sa paghawak sa noo ko at sa noo niya.

He's really sweet and caring brother and I'm lucky that I'm his sister.

Inilayo at binitawan ko ang basong hawak ko saka ko tinignan si Kuya. Ngumiti ako. "I'm okay, Kuya."

Napahinga siya ng malalim. "This will be fast then let's go home, okay?"

Ngumiti ako saka tumango. He patted my head. Then he left when Kiel called him.

Sigh.

Tahimik na lamang sila Joice hanggang sa mag-umpisa ang pagtugtog ng banda nila Kuya. Tinanong pa nila ang ng dalawang beses kung okay lang ako bago sila nakontento at tumigil na rin nang sinabi kong okay lang talaga ako. I appreciate their care for me.

Hindi ko naman maiwasan ang mapatingin, makinig at  ang pagmasdan ang bawat miyembro ng banda nila Kuya Jed.

Si Justine ay may hawak na guitar. Si Kiel ang sa piano. Si Kuya Jed, violin ang hawak niya ngayon instead na sa guitar din talaga siya. Maaaring dahil sa siguro concept  ng tutugtugin nila ngayon kaya sa violin muna siya. At ang vocalist nila... si Aris.

Nagsimula na ang solem na music.

"Didn't mean to take you for granted..."

Napatingin ako kay Aris. Malamig ang boses niya. Ang kaninang maingay na mga tao sa bar ay tahimik na na nakikinig sa banda.

May feelings ang bawat pagtugtog ng bawat miyembro ng banda. Nakapikit si Kuya na nagtumututog ng violin. Hindi rin mapigilan ni Kiel ang damhim ang bawat tunog ng keyboard ng piano. Si Justine na tinitignan ang mga kasamahan niya saka sa guitar na tinutugtog niya. Maging si Aris ay pinapakiramdaman din ang kanta at nakapikit.

Owning Lucas Ferrer (#Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon