UMAARANGKADA ang mga pangarerang motorbike. Kung si Craven ay hinay-hinay sa pagda-drive ng kanyang kotse, ang mga nangangarera naman ay parang mga hinahabol ng isang batalyong demonyo. Maingay ang mga tambutso. Dinig na dinig niya dahil binuksan niya ang windshield ng sasakyan at pinatay ang car aircon. He just missed the fresh air from the countryside and wanted to enjoy the breeze from this province. Pero mukhang hindi mangyayari dahil may dala-dalang ipu-ipo ng alikabok ang mga nangangarera. Dali-daling isinara ni Craven ang windshield sa driver side kasabay ng pagsimangot. Dahil sa mga nangangarera, masisira pa ang momentum niya. Napakatagal na noong huli siyang makadalaw sa rancho. Tuwing quarterly business meeting lang siya nakakauwi ng Palawan. At doon pa sa kabilang isla, sa Bachelor Hub. Doon kasi nila ginaganap ang mga meetings nila. At siyempre kasama na din ang pag-a-unwind.
The last time he had been in the ranch was when his grandfather died.
The ranch was so peaceful and so refreshing. Kaya hindi niya masisi na hindi na gustong umalis ng kapatid niyang si Dmitri sa rancho.
Mula pagkabata si Dmitri at siya ang malapit sa mga farm animals. Nakita siguro iyon ng kanilang mga magulang. Dangan at mas gusto niya ang mag-explore sa mundo kaya si Dmitri ang pinamahala ng mga magulang sa rancho. Kung saan-saang lugar siya nagpupunta para sa pagpapalago niya ng kaalaman patungkol sa mga hayop. Gusto kasi niyang maging magaling na doktor ng mga hayop. At kasabay ng pag-aaral ang panggagamot na rin.
Their father known to be domineering, arrogant, bossy and a control freak. Pero wala itong nagawa nang piliin niya ang maging beterinaryo. At siguro, ramdam na din ng ama nila na wala itong mapapala sa kanya kung pagdating sa larangan ng pagnenegosyo. Kaya ang ibang mga kapatid nalang nila ang binubuliglig nito.
Good for him. Hindi siya mabibilang sa mga nape-pressure ng ama dahil parati siyang hindi mahagilap. And because he was a private person, hindi din siya tulad ng ibang mga kapatid na laging laman ng mga balita at magazines. Na ipinagpapasalamat naman niya. All he wanted was a peaceful, private life.
Craven had been in different forests and caves in different countries and made himself familiarize in different species of wildlifes. Until...
Until he found love and lost himself. Ah, ayaw na niyang balikan ang bawat detalye. Gusto na niya ng katahimikan, matapos matuldukan ang lahat sa pagitan nila ni Kai.
At ngayong kailangan niya ng kapayapaan, ang rancho ang una niyang naisip. Bukod sa makukuha niya ang katahimikan ay hindi naman niya mabubulok ang kaalamang maraming taon niyang isinabuhay.
But where is peace in here, kung dalawang nangangarera na may dala-dalang ingay at alikabok ang makakasalubong niya sa araw-araw?
Jeez!
Di bale na nga. Hindi naman ito ang huling araw niya rito. Infact, it's just his first day. Babawiin nalang niya sa mga susunod na mga araw ang naudlot na pag-eenjoy sa sariwang hangin ng probinsya.
“Aish!”
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Craven at binagalan ang pagmamaneho. Baka pagparampahan pa siya ng mga motorcycle racers kapag natripan siya ng mga ito. If he hadn't known better, the dangerous it is, the funny and adventurous for them.
“'Yong Oakley nalang sana ang dinala kong sasakyan.” Nasabi ng binata sa sarili habang nasa isip ang off-road na sasakyan.
Ang buong akala naman kasi niya ay maayos na ang mga daan sa komunidad na iyon. Ano ang ginagawa ng limpak-limpak na salapi ng pamilya niya at hindi naipaayos ang mga kalsada ng komunidad?
Humanda na si Craven sa alikabok na isasaboy ng mga nangangarera pero sa pagkagulat niya ay huminto ang mga ito sa tapat ng isang villa na napipinturahan ng itim at puti. Nag-alis ng helmet ang isa, iyong nahuhuli. Naipreno tuloy niya ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
Craven: Sunshine In The Rain (COMPLETED)
RomantikCover credits to ate Mj Pampilo Alap-ap Batal Republished; Written by Gazchela Aerienne Katahimikan ang hanap ni Craven nang umuwi sa rancho. Pero sa unang araw palang niya roon ay sinalubong na siya ng umaarangkadang pangarerang motorsiklo. At ang...