Chapter 10.2

3.5K 103 3
                                    


NAKATALUNGKO si Hannah sa harap ng maliit na fish pond, sa labas ng hotel. They were celebrating her graduation. Yes, finally she finished her studies. Naka-graduate din siya at kahit nanghihinayang na nalaglag siya sa dean's lister dahil sa pagpapabaya noon, at least she worked hard to compensate it. She did well in school. Her father came also. At katulad ng dati ay distant ito sa kanya. Pero nagimbal siya nang matapos ang graduation ceremony ay narinig niya ang salitang, ni minsan, kahit noong lagi siyang top sa klase ay hindi niya narinig mula rito.

"Congratulations. You did well," he said with a faint smile in his lips. "I am proud of you."

Ni minsan ay hindi niya ito narinig na sambitin ang mga salitang iyon maski noong madalas siyang mag-uwi ng medalya. He just gave a glance when she showed him her achievements. Pero ngayon na wala naman siyang nakuhang award, ngayon pa niya iyon narinig sa ama.

And right from that very moment, muli na naman siyang umiyak sa harap ng ginoo.

When was the last time she cried in his knowing? Maybe, twelve or thirteen years ago? The very last time and she promised herself she'll never cry again, in front of her old man. She'll be tough.

Pero ang sandaling pagpapakita nito ng emosyon sa kanya ang muling nagpalusaw ng katatagan ni Hannah. At tuluyang nagiba ang napakalaking pader ng sama ng loob niya sa ama nang yakapin siya nito. Bagay na hindi niya magawa kahit gustong-gusto niyang gawin.

Pinahid ni Hannah ang mga luhang dumulas sa kanyang pisngi saka muling minasdan ang mga isda sa fish pond. May mga coi roon na tahimik na naglalangoy. Naalala niya tuloy ang betta niya na iniwan sa villa ng mga Gallego sa Palawan. Madalas siyang tumawag sa mga pinsan para kamustahin ang isda. At napakatinding pagpipigil sa sarili ang ginawa niya para hindi mailabas ang mga gustong itanong sa mga ito.

Just like asking how was Craven doing.

She sighed again. Kapag naiisip niya ang binata, sinasalakay rin siya ng takot. Takot na malamang masaya naman ito sa piling ni Kai. It will hurt her damn much. Iyon ngang isipin palang na masaya naman ito sa babaeng mahal nito ay para na siyang pinapatay sa sakit. Then confirming the thing will probably slaughtered her into pieces.

So, she opted not to know. Ayaw na niya ng panibagong sakit sa dibdib.

"There you are, Hannah."

Nilingon ni Hannah ang nagsalitang si Vixon. Her long time and a good friend. Graduate na ito last last year habang siya naman ay heto at ngayon palang naka-graduate. At ngayon ay gagawan niya ito ng napakalaking pabor sa harap ng dalawang pamilya. Her's and his.

She smiled at him sweetly. "Why? Are you afraid na tatakbuhan kita?"

Ilang buwan na silang madalas na lumalabas ni Vixon na magkasama at sadyang ipinapakita iyon sa lahat. Hindi rin naman nagtatanong ang kanyang ama kung mag-ano na sila ni Vixon. At mas lalong hindi siya sinisita katulad ng dati. Ipinagtataka man ay ipinagpasalamat na din niya. Hindi na siguro ito magtataka kapag narinig ang announcement nila sa dalawang pamilya.

Nagbuntong-hininga si Vixon at saka namulsa. Pagkuway apologetic na humarap.

"I am sorry if I had to dragged you in this situation. I--"

"It's just fine..." maingat na pagputol niya sa sasabihin ni Vixon. Saka nagpakawala ng buntong-hininga. "Besides, kailangan ko din naman ng distraction."

Ngumiti siya rito pagkatapos.

"Yeah. I think so." Hinaplos ni Vixon ang pisngi niya habang ang isang kamay ay inabot rin ang kamay niya at magaang pinisil. "Since you came back from your vacation, hindi na kita nakitang ngumiti. 'Yong totoong ngiti, ha?" Pinakatitigan siya nito. "Tell me what happened." udyok pa ni Vixon sa kanya.

Craven: Sunshine In The Rain (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon