Chapter 1.0

10.3K 242 0
                                    

Cover credits to Mj Pampilo Alap-ap Batal.

PAPATAWID ang motorbike ni Hannah nang isang itim na sasakyan mula sa private road ang bigla ring lumitaw sa daraanan niya. Maigi nalang at mabilis siyang nakapagpreno. Kundi ay malamang na pinaglalamayan na siya mamaya.

At sa pagkayamot niya ay ito pa ang may ganang bumusina sa kanya na para bang kasalanan niyang muntik itong makasagasa.

Lintik na 'yon! Ni hindi man lang nagbukas ng car window at humingi ng sorry. Porke ba private road papuntang Bachelor ranch ang dinaanan nito ay abswelto na ang sinumang nagmamaneho?

Mula sa suot na helmet ay pinakatitigan ni Hannah ang plate number at brand ng sasakyan. Mukhang latest model ng Toyota. Bagong-bago, kumikinang sa pagkabago. At hindi bagay sa rough road na iyon ng kanilang lugar. Pang hi-way lang iyon. Kumbaga, pamporma. Kung mga dalawang linggo iyong gagamitin sa kalsadang meron ang lugar nila roon, malamang sa malamang, mapudpod agad ang gulong ng sasakyan.

"Ang bastos rin no'n ah? Kamuntik ka na niyang mabunggo, Bubbles. Hindi man lang nagsorry." Nakasimangot na pagkausap niya sa sarili--este, sa kanyang motorbike.

Kung hindi ba naman siya may sapi at kalahati, lahat ng bagay na mahal ni Hannah ay binibigyan niya ng pangalan. Ang kanyang laptop, ang kanyang mga cute na cellphone cases, ang mga sneakers na naging collections na yata sa dami at halos punuin na ang kanyang wardrobe sa Maynila. At ngayon, ang kanyang Honda CRF 450 na iniorder niya online. Inaasahan na niyang susugod ang ama sa katapusan ng buwan dahil sa malaking bayarin ng credit card niya.

Hindi naman talaga siya mahilig sa pangkarerang motor. Pero nalaman niya kasing kinahihiligan ni Dmitri ang motocross, lately. At naiirita siyang makita ang mga sexy na babaeng marunong mangarera at parati nalang nakapulupot sa binata.

Oh, speaking of Dmitri. Napalingon siya sa private road na pinanggalingan ng 'hayup sa kinang' na sasakyan. Malamang na sa rancho galing iyon. Siguro ay bisita nina Dmitri. Naintriga tuloy si Kai. Ayon sa mga katulong, dumalaw-hindi roon ang magkakapatid na Bachelor. Abala kasi ang mga iyon sa pag-aasikaso ng kanya-kanyang nakatokang negosyo. Sa yaman ng mga Bachelor, na nababalitang nabibilang sa listahan ng pinakamayayamang pamilya sa buong mundo, ipinagtataka ni Hannah kung paanong napapagkasya ng mga iyon ang oras sa pagma-manage ng mga businesses at sa paggasta ng pera ng mga ito.

"Oh, well, whatever." Kibit-balikat ng dalaga.

Bakit ba kailangan pa niyang isipin iyon? Ang mahalaga, si Dmitri ang namamahala sa rancho ng pamilya ng mga ito at nagkaroon siya ng pagkakataon na makilala ang binata. Ipinagpapasalamat niyang itinapon siya ng ama roon sa probinsya nila. Doon sa Palawan, sa pangangalaga ng kanyang Tito Gab, kapatid ng ama, para makapag-isip at magsisi sa mga katarantaduhan niya sa buhay.

Lahat na yata ng kalokohan ay nagawa na niya. Skipping classes. Hang out with barkada. Party and drinks. Drag racing. Ang hindi lang ay paggamit ng droga. Na kahit naman nag-quit siyang maging mabuting anak ay hindi niya naisip na gumamit ng drugs para sirain ang buhay. Gusto niya lang talagang maging pasaway. Kung hindi siya kayang patawarin ng ama sa kasalanang hindi naman siya ang responsable, then she will push him to hate her more. Tutal ay kahit anong gawin niya, hindi naman ito magbabago ng pakikitungo sa kanya.

She better do what is easier.
But then, nitong bakasyon ay mukhang napuno na ang ama kay Hannah. Inakala kasi nito na gagraduate na siya sa kursong Tourism na personal choice, pero nadismaya na kulang pa pala siya ng isang semester. Dahil hindi na nga siya pumapasok nitong huling semester at bumabarkada nalang. Kaya nang malaman ay abot-langit ang galit nito sa kanya. Itinapon siya nito sa poder ng kapatid nito roon sa Palawan para daw makapag-isip at magtino siya.

Craven: Sunshine In The Rain (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon