Chapter 10.1

1K 40 1
                                    

PINANOOD ni Alex ang papalayong sasakyan ng anak mula sa floor to ceiling panel wall ng study room. He was glad, finally, his daughter decided to get to her senses. Hindi lang ito aware, pero alam naman niyang magmula nang iuwi niya ito ay wala na itong ginawa kundi umiyak. Minsan napapasukan pa niya ito sa silid na nakatulog at natuyuan ng luha ang mukha.

"God! If only you are here for our daughter, Tamara."

Madalas na hindi niya alam kung paano iapproach ang anak na babae. Since, mula pagkabata ay inilayo na niya ang loob mula rito. It is not easy to see the exact image of his wife pero naroroon ang katotohanan na wala na ang asawa niya. At oo, aaminin niyang may bahagi niya ang iniisip na si Hannah ang dahilan.

"Sa tingin mo ba, natutuwa si Tamara na sinisisi mo ang anak niya sa pagkawala niya? It is her destiny and not Hannah's fault!" galit na sikmat ng kapatid niyang si Gab.

Sa buong dalawampu't dalawang taon, wala sa pamilya niya ang nagsumbat sa kanya ng tungkol sa bagay na iyon. Hindi niya rin naisip na sinisisi niya si Hannah. Naging dahilan ng pagkamatay ni Tamara, oo. Pero hindi niya sinisisi ang anak. It was just hard to hold her.

Nabuhos ang atensyon niya kay Hunter dahil mas hawig ito sa kanya kaysa kay Tamara. Hindi siya masyadong nasasaktan kapag ito ang nakikita. At habang dumadaaan ang panahon, lumalayo na pala ang loob niya sa anak na babae. Napapansin niya lang ito kapag may mga pagkakamali.

Pero nang sumbatan siya ng kapatid, noon niya na-realize ang mga maling ginagawa niya. Ang maling pagpapatakbo niya sa buhay nilang mag-aama. Hindi na niya masisisi si Hannah kung bakit mas ginagawa nito ang mali. Napagod na itong mag-reach out sa kanya.

At hindi na din siya nagtataka kung bakit ramdam niyang mabigat ang loob ng kanyang dalaga nang umalis sa bahay ng mga pinsan nito. Maybe, there, she found the love and happiness she was seeking from their home. Bagay na ipinagdamot niya sa anak. Bagay na pinagsisisihan niyang hindi niya naiparamdam sa anak.

Kaya ngayong nakikita niyang gusto na ulit bumangon ni Hannah, mabilis na mabilis na pinagbigyan niya ang kanyang bunso. He decided to start taking back his child. Gusto niyang bumawi. Kaya lang ay hindi na niya alam kung paano at saan magsisimula. Lalo pa at nakikita niyang sobrang malungkot at nasasaktan ito. Iniwan nito ang puso sa Palawan.

Gusto niyang ipagtaka kung bakit ganoon nito kadaling iniwan ang kaligayahan roon. Ni hindi ito nakipagtalo sa kanya nang sabihin niyang iuuwi na niya ito. Mas pinili nitong bumalik sa bahay na wala naman itong napapala kundi ang kalamigan niya.

Nagbuntong-hininga si Alex.

"What should I do with our daughter, Tamara? Paano ako babawi? Paano ko maiaayos ang buhay ni Hannah na hindi siya nalulungkot at nasasaktan?"

Isang buntong-hininga na naman. Wala siyang hinangad na hindi maganda para sa anak. Maski pa nga sabihin na distant siya rito, kapakanan pa din nito ang priority niya. Kaya lang, kahit ano pang gawin niya, hindi naman nito nagugustuhan ang kanyang mga paraan.

Pabalik na sana si Alex sa swivel chair nang mapansin ang isang itim na sasakyang huminto sa tapat ng kanilang gate. Bumaba roon ang lalaking hindi niya inaasahang makikita sa araw na ito.

Napangiti si Alex sa sarili. Paanong hindi maaakit rito ang anak niyang si Hannah kung ganitong maski sa malayo ay napakakisig nito?

Oh, maybe it's not really about the looks. Actually, this man had charmed her daughter in unnoticeable way.

Agad na bumaba si Alex para salubungin ang bagong dating. Sa pagpasok palang nito sa main door ay kapansin-pansin na agad ang malaking inihulog ng katawan nito. Kung mugto ang mga mata ng anak niya sa kakaiyak, halos lumuwa naman ang mga mata nito dahil siguro sa hindi nakakatulog ng maayos.

Ah, these two.

"Sir." agad na bati nito.

"What took you so long?" Iyon naman agad ang bungad niya kay Craven. Mukhang hindi nito naintindihan ang gusto niyang sabihin. "I am waiting for you for a week. Isang linggo nang umiiyak ang anak ko."

"Umiiyak?" Halatang nagulat ito.

"Yes. She's miserably waiting for her happiness to come."

"Argh..." Napahawak ito sa sariling batok. "Maraming trabaho sa rancho, Sir. Hindi kaagad ako makaalis kahit gustuhin ko pa."

Isang tikhim. Gustuhin man niyang ibigay na ang makapagpapaligaya sa anak ay hindi niya magawa. He had to make it sure he deserved his daughter. Kailangan nitong mapatunayan iyon. Ano man ang nangyayari sa pagitan ng dalawa, kailangan pa din niyang makisawsaw. He wants the best for his daughter. Hindi na siya pwedeng magkamali ngayon.

"Since pinaghintay mo ang anak ko, ikaw naman ang maghintay ngayon."

Nag-iigkasan ang mga kilay ni Craven. Tila naiinip na ito sa kung ano pero nagpipigil lang sa sarili. Napangiti si Alex sa sarili. He likes him already. But he still needs to prove himself to him before he handed her daughter to this man.

A/N:

Para mabasa ang mga naka-private na mga parts, paki-follow po ako. Thanks po. :)

PHR LINKS:

FB Fan page/FBGroup:

https://www.facebook.com/OfficialGazchelaAerienne/

https://www.facebook.com/groups/354433525010560?refid=27

Precious Online Store:

https://www.preciousshop.com.ph/home/

https://preciouspagesebookstore.com.ph/)

Precious Hearts Pocketbook Page:
https://www.facebook.com/Precious-Pages-229654370425644/

Booklat Page:

(https://www.facebook.com/BooklatOfficialPage/)

Craven: Sunshine In The Rain (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon