Chapter 11.0

4K 138 3
                                    

CRAVEN was clenching his teeth as he watched a not so good scene. Kinailangan niyang magparaya ng ilang buwan dahil na din sa kondisyon ng ama ni Hannah pero ano ang nakikita niya ngayon? Ipinakikilala lang naman nito ang isang matangkad pero payat na lalaki sa ama nito bilang boyfriend. At ganoon din ang ginawa ng lalaki sa kararating lang na mga magulang. Isang mesa lang ang pagitan niya sa mga iyon kaya dinig na dinig niya ang usapan.

Kanina pa siyang nagtitimpi sa mga ito. Kaninang papasok siya ng hotel ay nasulyapan niya si Hannah sa may side garden. Lalapitan sana niya ito. At kahit ma-spoil pa ang sorpresa ng ginoo ay wala na siyang pakialam. Pero naunahan siya ng lalaking iyon. They looked so intimate at nakakabwisit iyon. Ilang hakbang pa sana ang gagawin ng binata nang mapansing seryoso ang usapan ng mga ito. At bigla nalang nagyakapan. Tumalikod na si Craven para lumayo sa nakakabwisit na eksena. Pero hindi niya rin naman naisalya ang sarili palayo.

He keeps on watching them kahit nakakainit na ng ulo. Hanggang sa pagbaba ng mga ito sa underground restaurant ay nakasunod siya. Pero hindi naman ipinapahalata ang existence.

“Is this the price of waiting?” asar na sambit niya sa sarili.

Kaya pala buong limang buwan siyang hindi mapakali sa rancho. Parating wala sa ginagawa ang isip niya at lumilipad sa kung ano ba ang pinagkakaabalahan ng dalaga. May pagkakataon pa na gusto na niyang lumuwas ng Maynila para puntahan si Hannah. Pero kapag naiisip niya na magiging distraction lang siya sa pag-aaral nito ay nakukontento nalang siya sa pagtanaw sa bakod kung saan sila unang nagkaharap. Sa talampas kung saan nila pinanood ang pagsikat ng araw. Sa tapat ng villa ng mga Gallegos. Remembering what he made that day inside the house, kissing her.

Ah! Gabi-gabi siyang halos mabaliw sa kakaisip sa alaala ng halik at yakap na iyon. Bagay na kailanman ay hindi niya naranasan kay Kai.

And speaking of Kai. Ginulat siya ng dating kasintahan nang bigla iyong magpakita sa rancho. But knowing that she was happy in her life now, alam niyang tama ito sa naging desisyon na iwan siya.

Hindi nakatiis si Craven at tumayo saka lumapit sa mesa nina Hannah.  Nasa kalagitnaan o siguro ay patapos na ang mga itong kumain dahil inihahain na ang desserts. Kitang-kita niyang nakakangiti na ulit si Hannah. Hindi katulad noong huli nilang paghaharap na parang ang sakit-sakit nitong tingnan. But even if she smiles, there was no real happiness. Noon umatake ang kagustuhan niyang makita ang totoong ngiti ng dalaga. He wanted to make her happy just like how she was when they were together, in Palawan.

He will going to do it no matter what. If he'll be coward today to approached them, then he'll end up losing the woman he loved, for the second time. At sigurado siya, kung nahirapan siyang mag-let go kay Kai noon, hindi niya magagawang mag-let go kay Hannah, ngayon.

“Hi!” walang emosyon na bati niya sa mga nasa mesa.
Kitang-kita ni Craven kung paanong nandilat ang mga mata ni Hannah habang nakatingala sa kanya. Gulat na gulat ito na tila hindi inaasahang makikita siya roon.

Ang ama nito ang bumasag sa pananahimik ng lahat.

“Oh, hi, Craven. Mabuti naman at nakahabol ka.” sabi ni Alex sa kanya. “Please sit down.”

Naupo nga siya. Sa mismong tabi ni Hannah na hanggang ngayon ay gulat na gulat pa din. Lumapit pa siya rito at ibinulong ang kanyang pagbati.

“Congratulations. Ang tagal ng limang buwan ha?”

Nakaawang ang bibig na bumaling ito sa kanya. Tila may itatanong pero naunahan ng ama.

“I invited him, anak. Hindi mo man lang ba ipapakilala si Craven sa mga bisita natin sa mesa?” Bumaling ito kay Vixon na tumango naman.

“Right, Hannah. Ipakilala mo naman siya sa amin.”

Nakangiti ang tinawag na Vixon, ang ipinakilalang boyfriend ni Hannah. At hindi alam ni Craven kung maiinis o ano sa lalaki. He was good-looking indeed. Pero sigurado siyang hindi nito mapapaligaya ang dalaga. Kung nakita niya lang na totoo ang mga ngiti ni Hannah, magpaparaya siya. But he knew she was not really happy.

At matagal na itong nagpapanggap na masaya at okay. It's about time to end her pretensions. Her misery.

“Ah, yes.” Pilit na ngumiti sa lahat si Hannah. Ito ang pinakaayaw niya rito. Ang magkunwaring okay kahit na hindi naman. “Everyone, this is Craven.” Tumikhim ito. “He is a vet and... Ahm, a... friend.” Parang hirap na hirap pang sambitin ang salitang iyon.

Isa-isa niyang kinamayan sina Vixon at ang mga magulang nito. 

“It was nice to finally meet a man from the Bachelor family.” Malapad ang ngiting saad ng ama ni Vixon at nagpasimula ng usapan patungkol sa mga negosyo ng pami-pamilya nila.

And because he had lack of interest about business matters ay maiigsi lang ang sagot niya. Alam naman ni Craven kung bakit biglang sobrang friendly at pa-close agad ang mga ito sa kanya. Dahil nabibilang siya sa pamilya na may pinakamatatatag at pinakamalaking business empire.

Si Hannah ay nanatili lang tahimik sa buong durasyon ng pagkain. Pasulyap-sulyap sa kanya at sa ama nitong si Alex.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Craven. Para matapos na ang lahat...

“May gusto pala akong sabihin sa inyo, Mr. and Mrs. Santillan.” Baling niya sa mga magulang ni Vixon.

Tila ba na-excite naman ang mga itong bumaling sa kanya. Isang tikhim at nginitian niya ang mga ito.

“Ang girlfriend ng anak ninyo ang babaeng mahal ko. At alam kong mahal din ako.” Walang prenong sambit niya saka binalingan ang nagulat na namang si Hannah.

Aabutin sana niya ang kamay nito na nasa ibabaw ng mesa nang iiwas nito iyon. Nagbuntong-hininga na naman si Craven habang tigagal ang mga Santillan. Si Alex ay parang nagpipigil lang ngumiti. Kung hindi lang siya kanina pang dinadaga sa paghihintay ng ibang reaksyon ni Hannah ay baka nagtatawa na siya ngayon sa reaksyon ng lahat.

“I was just waiting for the right time to tell her.” dagdag pa ni Craven na hindi hinihiwalayan ng tingin ang dalaga. “I was just waiting... I patiently waits for her. Hindi ko inaasahan na ganito ang madadatnan ko. And even so, I am willing to fight for my love. I wanted to tell now to everyone how much I love her. How much I wanted to protect her and make her happy.”

Nakita niya ang pag-agos ng luha sa pisngi ni Hannah. At iyon ang pinakaayaw niya. Ang makita itong umiiyak. Magaang pinahid niya ang luha nito at hinarap ang mga Santillan. “At hindi ang anak ninyo ang makapagpapaligaya sa kanya.”

“What is this, really?” Magkakahalong galit at pagtataka na ang makikita sa mukha ni Mr. Santillan. Hinarap nito si Alex. “Ano ito? Namamangka sa dalawang ilog ang anak mo? Niloloko niya ang anak ko?”

“Papa...”

“Magtigil ka Vixon!” Galit na singhal nito sa anak.

“Kumpadre,” mahinang sambit ni Alex. Tila nagpipigil lang sa sarili na humulagpos rin ang galit. “Si Craven ang mahal ng anak ko. And this show,” Inilahad nito ang kamay na parang itinuturo ang buong eksena. “I knew Vixon had a better explanation.”

“What show?” Nalilitong tanong ni Mr. Santillan.

“Magpapaliwanag po kami.” Noon lang ulit narinig ni Craven na nagsalita si Hannah. At parang natataranta pa.

“No! You better shut up, young woman!” galit na sikmat ni Mr. Santillan at dinuro pa si Hannah.

Napatayo tuloy si Craven. Ganoon din si Alex na tinampal ang daliri ng ginoo.

“You better stop pointing finger on my daughter. Maghanap ka ng maduduro mo. Or better yet. Start interrogating your son, now.”

Madilim ang mukhang bumaling ito sa kanilang lahat. “Let's go, Vixon. This is a waste of time!”

Craven: Sunshine In The Rain (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon