ON THEIR way pauwi, hindi dumidistansya si Craven sa kanila ng kabayo na para bang natatakot itong maulit ang nangyari kanina. Sinabayan siya nito hanggang sa makauwi siya sa bahay ng mga pinsan kahit pa tigas siya sa pagtanggi. Wala din naman siyang nagawa dahil bukod sa mapilit ito, may kung ano sa tunog ng boses ng binata na tila sinasabing hindi siya makakatanggi maski pa anong gawin niya.
“Anong oras ka pupunta sa kabayanan?” tanong ni Craven nang halos ilang metro nalang ang layo nila sa back gate sa lupain ng mga pinsan.
“Maybe, 9 or 10? Why?” nagtatakang-tanong niya.
“Sinong kasama mo? At anong sasakyan mo?”
“Ako lang mag-isa. May lakad sina Aren at Nhile mamaya eh.”
“At 'yong motorbike mo ang dadalhin mo?” Nagdidilim ang gwapong mukha na tanong nito.
“Nasa pagawaan pa daw ang pick-up kaya wala akong choice.” Nangunot ang noong sagot niya.
Ano bang problema nito?
“No. You won't be riding that motorbike. Nakita ko kung paano mo paliparin sa kalsada ang bike na iyon. You really are up to danger, goodness!”
Matigas na tutol ni Craven at hindi niya ito maintindihan. Bakit ba wala na yata itong ginawa kundi makialam?God! Walang ipinagkaiba ang paraan nito sa mga pinsan niya!
“Wala akong ibang masasakyan. Ayoko namang mag-commute.”
“Then I'll fetch you.”
Sandaling bumagsak ang mga panga ni Hannah sa pagkabigla sa narinig. Pero biglang dumaan sa isip niya ang kumikinang na sasakyang kamuntik makasagasa sa kanya noong nakaraan. Galing iyon sa private road papuntang rancho. So, the owner of that car was no other than Craven. Sa pagkaalala sa pagkainis niya nang araw na iyon ay nadagdagan ang kanyang iritasyon.
“With your shinning and glimmering four-wheel drive? No, thanks. Baka masira agad ang gulong ng sasakyan mong mukhang bagong bili pa.”
Naiinis na siya kay Craven. Una, dahil ito pala ang lalaking ni hindi man lang nag-abalang humingi ng dispensa sa kamuntik na pagkabundol sa kanya. Pero kasalanan ba nito iyon? Siya itong nakalimutang mag-menor ganoong crossing ang daraanan. Nasanay kasi siyang solo ang kalsada dahil wala namang masyadong dumadaan sa parteng iyon.
Ah! 'Yong pangalawa nalang. Bakit ba parang wala itong tiwala sa riding skills niya? Dahil lang ba sa nangyari kanina? It was an accident! And accidents happened all the time.
“Hayaan mong masira. Kaya kong bumili kahit sampong ganoon! Basta hindi ka sasakay sa motorbike mo!” yamot nitong sabi at pinahinto ang kabayo sa tapat ng back gate papunta sa kwadra ng kabayo.
And now, he was acting like a domineering brute! She wants to hate it. Pero hindi niya magawa. Oh, goodness! Why she can't hate that domineering attitude of him samantalang iyon ang pinakaayaw niya sa lahat? Ang kinokontrol siya. Ang sinasabi sa kanya ang dapat at hindi niya dapat gawin.
She sighed. “Bahala ka nga!” pagsuko ni Hannah at pinapasok na ang kabayo.
“Huwag kang basta aalis, ha? Dadating ako.” pahabol nitong sigaw.
Naipaikot nalang niya ang mga mata sa ere. Pero natigilan siya ng mahagip ng pandinig ang mahina na nitong sinabi.
“I just want you to have a safe ride. You are really up to danger and it makes me worried.”
Tama ba iyong narinig niya? O dahil sa distansya at mahina na boses nito ay iba ang natahi ng isip at pandinig niya?
But it brings something inside her. A good feeling that made her heart melt. Hindi niya tuloy napigilan ang mapangiti. Gustong-gusto niyang lingunin si Craven pero pinigilan niya ang sarili. Baka kapag ginawa niya iyon ay hindi niya mapigilan ang sarili na tumalon pababa sa kabayo at dambahin ng yakap ang binata.
NASA LABAS ng pet shop si Craven at pinapanood ang aliw na aliw na dalaga sa mga aquarium fish. Good thing walang salt water aquarium fish sa pet shop. Kung hindi ay siguradong hindi niya mapipigilan si Hannah na pakyawin ang mga isda at dalhin na naman iyon sa dagat.
Hindi niya maintindihan ang trip nito sa buhay. Nang malaman niya mula sa bibig mismo ni Hannah ang dahilan ng kamuntik nitong pagkapahamak sa laot ay gusto niya itong bulyawan. Pero dahil nakikita niyang hindi siya sineseryoso sa paninita rito ay agad na din siyang huminto sa balak. Wala rin namang mangyayari. Kilala niya ang mga tulad ni Hannah. Ang tipo nito ang hindi mapapasunod sa anumang gustuhin. Wala itong pakialam basta magawa lang ang goal sa buhay. And he admired that.
He knew someone like her. It was Kai. At naiwala niya ito dahil hindi niya nagawang ipaalam roon kung gaano niya ito kamahal. It was just his nature of being so reserve. But he knew he loves her so much. Only, it's not enough that he loves her dahil hindi niya naipaalam kung gaano kalalim iyon. Hindi niya rin alam kung bakit.Ah! Ano'ng dami naman ng bakit sa buhay niya?
But atleast he learned his lesson through his past relationship with Kai. He didn't want to do the same mistake again. Kung anuman ang nag-trigger sa kanya na huwag nang maging restricted sa pagpapakita ng sarili at saloobin, hindi niya alam. Ang sigurado niya lang, he can free himself whenever he was with Hannah.
Ito din ang gumigising sa may pagkapilantropong bahagi niya.
Paanong hindi? Sa nakikita niyang parang parating hinahabol ni Hannah ang sakuna ay nati-trigger nito ang protective instinct niya. At hindi niya mapigilan ang sariling mag-alala sa dalaga. He didn't even knew why. He just felt it that he wants to protect her and never allow to put herself into danger.
In an instant ay itinalaga niya ang sariling maging tagapagligtas nito. How crazy is that?Habang natatawa sa sarili si Craven ay nakasimangot namang lumabas ng pet shop si Hannah. Ikinakunot iyon ng noo ni Craven. Kanina lang ay tuwang-tuwa pa nitong kinukulit ang mga isda. Bakit ngayon ay ganito na ito kalungkot? And he didn't wanted to see her sad. Not anymore.
“Come on, what's with the face?” untag niya rito.
Pero isang mahinang suntok sa tiyan lang ang isinagot nito sa kanya. Saka dumeretso na sa sasakyan. Isang buntong-hininga na naman.
“Wala silang salt water fish.” Walang siglang sabi nito.
Gusto ring mapabuntong-hininga ni Craven. Kanina pa naman niyang narinig na wala daw available na salt water fish ang pet shop. Pero bakit nagtagal pa ng ganoon sa loob ng pet shop si Hannah? At parang hindi naman nito ininda ang bagay na iyon kanina.Aish! Ang bilis talagang magbago ng mood nito.
“Wala na akong mailalagay. Sa aquarium ko.” dagdag pa ng dalaga na parang gusto nang humikbi.
Napahagod tuloy siya sa batok at inilayo ang mga mata rito. He hates the sight of a woman, crying.
“Salt water fish lang ba ang pwede mong ilagay sa aquarium mo? Bumili ka din ng betta at coi, palitan mo ng tubig, saka mo ilagay. Tapos ang problema mo.”
Sa pagkagulat ng binata ay malakas na tinapik siya ni Hannah sa balikat. “Ang henyo mo talaga, Craven!” Saka ito halos matalisod sa pagbalik sa loob ng pet shop.
Seriously? Hindi nito naisip iyon? O nakapokus na naman ito sa ideya na dadalhin sa dagat ang mga isda na bibilhin nito?
Naiiling na natatawang sinundan niya si Hannah sa loob. Siya na din ang pumili ng isdang para dito.
BINABASA MO ANG
Craven: Sunshine In The Rain (COMPLETED)
RomansaCover credits to ate Mj Pampilo Alap-ap Batal Republished; Written by Gazchela Aerienne Katahimikan ang hanap ni Craven nang umuwi sa rancho. Pero sa unang araw palang niya roon ay sinalubong na siya ng umaarangkadang pangarerang motorsiklo. At ang...