Chapter 3.2

3.3K 147 1
                                    


NAGULANTANG si Hannah nang mula sa tahimik na pagsisid ay may humablot sa kanyang batwang at ilangoy siya papunta sa kung saan. Nagpumiglas siya pero hindi naman siya makawala. Masyadong malakas ang brasong nakapaikot sa kanyang baywang. Wala tuloy siyang nagawa kundi ang magpatianod. Pero pinaalalahanan niya ang sarili na sasapakin niya sa sandaling makaahon sila sa tubig, ang kung sinong nanggugulo sa kanyang enjoy na pagsisid.

"What the hell!" bulyaw ni Hannah sa kung sino pagkasagap na pagkasagap niya ng hangin. Pero natigilan siya nang mamukhaan ang lalaki. Nandilat ang mga mata ng dalaga sa pagkabigla at pagtataka.

"What are you doing here, Craven?" Sa kabila ng pagkagulat ay naitanong niya.

"Saving you, isn't it obvious?" sarkastikong sabi nito saka itinihaya ang tumaob na bangka. "Anong naisip mo at lumaot kang mag-isa? Hindi ka talaga nag-iisip eh 'no?"

"Saving me?"

Bigla siyang natawa nang tuluyang maintindihan ang biglaang appearance ng lalaki. Hindi na niya inintindi ang insulto sa huli nitong sinabi dahil kahit paano ay maganda naman ang intensyon nito.

Inisip pa yata ng lalaki na nalulunod siya. But hey! Paano nitong nalaman na nasa laot siya? Nang lumitaw siya sa dalampasigan, sinigurado niyang walang tao nang hiramin niya sa hangin ang bangka na ewan kung saan nanggaling. Siguro, pag-aari iyon ng kung sinong mandaragat sa komunidad nila.

"What is really funny, you little menace!?" galit na sikmat nito sa kanya.

Sa pagkagulat niya ay madali siyang naisampa ni Craven sa bangka. Saka ito umahon din at madilim ang gwapong mukha na hinarap siya. Hindi niya napigilang mapasinghap sa kakisigang nakalatag sa kanyang harapan.

The man was utterly sexy in his wet shirt na nakahapit na sa magandang katawan nito. He even looks delicious with his hair that was dripping wet. Parang kumikinang na brilyante sa tama ng liwanag ang butil-butil ng tubig sa mukha at katawan nito. He looks brilliantly shining. So handsome, she couldn't utter a word, she just wanted to smile at him.

What kind of God is he?

"Paano ka pang nakakangiti ng ganyan when you were almost dead a while ago?" galit na singhal sa kanya ni Craven.

"Dead? Am I dead?" She asked stupidly.

Patay na ba siya at ang kaharap ngayon ay ang kanyang sundo? Pero bakit kamukha ni Craven ang angel of death na ito?

At ang bangka ba na ito ang maghahatid sa kanila sa kabilang buhay? Gaano kaya katagal silang maglalakbay ng gwapong nilalang na ito?

Pumitik sa harap niya si Craven at noon din ay parang nagising siya mula sa isang napakagandang panaginip.

"Are you still in shock or something? You're not dead!"

"Oh..."

Binawi niya ang tingin. Kung magtatagal pa siyang nakatitig dito, baka nga tuluyan na siyang mawala sa sarili dahil nakaka-shock naman nga ang kagwapuhan nito. Bakit parang lalo itong gumwapo kaysa kagabing una niya itong makita?

"Anong naisip mo at lumaot ka sa dagat na walang kasama? Dito mo pa talaga na-trip-an huminto sa malalim na parte?" Matigas na sermon nito. Pero sa kabila ng matigas na tono, nababakas pa din ang deep concern at relief.

"Pinakawalan ko kasi si Scarlet. Kung doon lang sa pampang ko siya papakawalan, baka hindi niya agad makita ang Daddy niya." Matapat na sagot ni Hannah pero lalo lang namang nagsalubong ang mga kilay ni Craven. Sa paningin niya ay nag-isang linya na ang mga iyon. Senyales na hindi siya nito naiintindihan.

Kanina, matagal niyang pinanood si Scarlet na lumalangoy sa mini aquarium. At parang bigla siyang naawa sa isda. Baka bored na si Scarlet at mamatay sa boredom kapag patuloy na mag-isang naglalangoy sa kulungan nito.

Binitbit niya ang alagang isda papunta sa Jacuzzi at doon pinakawalan. Mukhang sayang-saya ang isda kapag malawak ang nalalanguyan. Pero alam niyang may kulang. Alam niyang hindi pa din masaya ang alaga dahil nag-iisa ito. Kaya dali-dali niyang hinuli si Scarlet at dinala sa dagat na malapit lang naman. Sa likod ng rancho ng mga Bachelor, mas tago at di agad siya mapapansin na pupunta sa laot.

Sinigurado ni Hannah na nasa praktis ng motocross ang mga pinsan para siguradong hindi siya makikita ng mga iyon na pupunta sa dagat. Dahil kapag malaman ng mga ito ay baka pigilan o samahan pa siya. E'di hindi sila nakapag-moment ni Scarlet?

Ang swerte pa ni Hannah, may naiwang maliit na bangka at sagwan sa dalampasigan. Talagang umaayon sa kanila ni Scarlet ang pagkakataon.

Namangka ang dalaga papunta sa malalim na parte bago pinakawalan ang isda. At kahit nanghihinayang, niyakap siya ng nakaka-proud na damdamin nang makitang pabulusok na lumangoy ang isda hanggang sa kailaliman ng dagat. Siguro, kung mayroong Finding Nemo at Finding Dory, ngayon, mayroong Finding Scarlet na.

Natawa nalang siya sa sarili at pinanood pa ang alagang papawala na sa kanyang mga paningin. Panay ang dukwang niya sa bangka nang mawala ang balanse noon at tumaob. Hindi naman siya natakot dahil swimmer naman siya. She was good in everything she did.

Sa halip sumisid pa si Hannah sa dagat. Sandali siyang umahon ang ulo para sumagap ng hangin saka muling sumisid. Napakaganda ng spot na napuntahan niya, kitang-kita ang mga maliliit na isda na nagkakagulo dahil sa intruder sa mundo ng mga ito. Sayang at wala siyang dalang snorkels at goggles. Mas masaya sanang sumisid kung may gamit.

Pero natapos din kaagad ang kaligayahan niya dahil iniahon na siya ni Craven.

"Scarlet who?" Bigla ang pagbaling ni Craven sa tubig.

Mula sa kinaroroonan nilang bangka ay kita pa ang mga coral reefs na nasa ilalim ng dagat pati ang mga isdang naglalangoy. Napakalinaw ng tubig.

Napakaganda! Gusto niyang tumalon na naman at sumisid.

"Iyong alaga kong isda. Hindi ko na nga makita." Natawa siya sa sarili habang nakatitig sa tubig. "Magagalit si Hunter kapag nalaman niyang pinakawalan ko na ang isdang niregalo niya sa akin."

��

Craven: Sunshine In The Rain (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon