“GAMITIN mo muna ito. May mga naiwan pala si Loridee na gamit dito. Sana magkasya.”
Iniabot ni Craven ang mga nakatuping bihisan kay Hannah. Habang kinukuskos ng tuwalya ng dalaga ang basang buhok. Kakatapos niya lang magshower nang pumasok ang isa sa mga kasambahay sa villa nina Craven para kunin ang kanyang mga basang damit at lalabhan. Pinagamit sa kanya ng binata ang isa sa mga guest room ng villa para makapag-ayos ng sarili. Doon sila sa likod ng rancho dumaan. At malamang, nandoon ang binata kanina kaya madali siyang nakita.
Gustong magtaas ng kilay ng dalaga pagkabanggit sa pangalan ng babae. Girlfriend ba nito ang tinutukoy at minsan nang nagbakasyon sa rancho?At dahil ang tipo niya ang hindi itinatago ang iniisip ay hinarap niya si Craven.
“Sino si Loridee? Girlfriend mo? Kailan siya nagbakasyon rito? Maganda ba siya?”
Sa pagkamangha pa ni Hannah ay tumawa si Craven.
“Anong nakakatawa?” Naiinis na tanong niya.
“Sorry.” Pinigilan nito ang sarili. “Pinahihiram lang kita ng maisusuot, ang dami mo nang tinanong.”
“Aba, siyempre. Gusto kong malaman kung kanino bang damit ang hinihiram ko.”
Pero ang totoo, gusto niya lang malaman kung may girlfriend ba itong pinagbakasyon roon.
“Nag-iisang kapatid na babae ko si Loridee. At oo, maganda siya. Magkasingganda kayo sa magkaibang paraan.”
Malapad na napangiti na si Hannah sa narinig. Hindi man direkta pero para na din siyang pinuri ni Craven. Bumaling siya sa binata para magpasalamat pero natigilan siya nang sundan kung saan nakadikit ang mga mata nito.
Bahagya palang lumuluwa ang isang dibdib niya dahil maluwag ang pagkakatali niya sa bathrobe. Pansin ni Hannah ang sunod-sunod na paglunok ni Craven at ang hindi maialis na mga mata sa pagtitig roon.His gazed were like thunders shooting her. At kay bilis ng pagkalat ng mainit na pakiramdam na iyon sa buo niyang katawan. Para siyang gasolinang nadilaan ng apoy at iglap na nag-alab.
Mabilis niyang kinabig ang roba para maitago ang sarili. Bigla rin ang pagbaling ni Craven sa kung saan saka tumikhim. Nag-init naman ang mukha ni Hannah dahil sa kahihiyan. Ano ang iniisip nito? Baka akalain nitong inaakit niya ang binata?
God!Nakakahiya!
“T-Thank you sa mga bihisan.”
Sa kauna-unahang pagkakataon ay hirap siyang mag-isip ng sasabihin. Samantalang kilala siyang napakakulit at napakadaldal. She can talk for hours. Ngayon, parang naging invisible ang mga letra sa kanyang utak.
“Yeah. Maiwan muna kita para makapagbihis ka.”
Tumalikod na si Craven para lumabas ng silid. Sumunod naman ang mga mata ni Hannah sa papaalis na binata. At ewan ba kung bakit sa pang-upo nito dumikit ang kanyang mga mata.
She sucked in her breath while watching him walked gracefully. He had a nice and plump butt. Na parang ang sarap tampalin. Kung hindi niya napigil ang sarili ay baka hinabol niya ito at pinanggigilan.
Aigoo!
Yamot na ipinilig niya ang ulo. Anong kalaswaan ba ang naiisip niya? Sa dami ng naging crush niya, kailanman ay hindi siya nag-imagine ng mabeberdeng bagay patungkol sa mga iyon.
But Craven was waking her green mind just by looking at him.
Darn! Umayos ka nga, Hannah!
“HMM... parang matabang pa.”
“Matabang? Natatamisan na nga ako.”
Dinutdot ng babae ang ginawang icing na nasa stainless basin saka tinikman. Nakidutdot din naman si Dmitri na nakatalungko sa countertop. Pero hindi sa bibig nito nag-landslide ang icing kundi sa mukha ng babae. Ang sama tuloy ng tingin rito ng huli. Dumutdot din ulit ang babae sa icing at ipinahid sa pisngi ni Dmitri. Sandali pa at nagkakagulo na ang dalawa sa kusina.
Pabuntong-hininga na tumalikod na si Hannah. Ang babaeng kasama ni Dmitri sa kusina ay ang chef na pinakilala sa kanila ng binata. Na hindi na din nito tinantanan kagabi. Wala naman sana siyang balak na magderetso sa kusina at manilip sa dalawa. Naagaw lang ang atensyon niya nang marinig ang boses ni Dmitri na parang may kausap. Nang sundan niya ang tinig ay sa kusina siya dinala.
At gusto niyang magtaka kung bakit nasa rancho pa din ang babae. Kung hired chef ito para sa party kagabi, di ba dapat wala na roon ang magandang babae? Dapat nakauwi na ito. Unless, personal na magkakilala ang dalawa at ganoon nalang kapalagay ang loob sa isa't-isa?
Hannah checked herself. Was she jealous? Definitely not. She was just curious. Iyon lang ang dahilan kung bakit siya napapaisip. Napag-isip-isip niyang kasing babaw ng pagtingin niya sa ibang crushes ang meron siya kay Dmitri. And because Dmitri was the only attractive man she saw in their community, aside from his cousins of course, kaya nagtagal ng ganoon ang paghanga niya sa binata.
Hindi nga ba at nang makakita siya ng mas gwapo ay nalusaw ang paghanga niya rito?
Isang buntong-hininga na naman ang pinakawalan ni Hannah. Gusto niyang mapagod sa sarili. Kailan kaya siya makakahanap ng lalaking may sparks? Hindi literal na sparks mula sa kuryente ng Meralco. Kundi iyong sparks na tinutukoy ng mga inlove.
Nah! Hindi mo nga maayos ang buhay mo, hahanap ka pa ng pag-ibig? Eh 'di ba pampagulo daw 'yon ng buhay?
Exactly.
Dapat makontento nalang siya sa crush. And speaking of crush, nasaan na ba ang pinakamagandang lalaki sa buong daigdig? Kanina pa siya pagala-gala, hindi niya mahanap si Craven.
Naglakad siya palayo ng kitchen para hanapin si Craven. Uuwi na siya at baka hinahanap na siya sa bahay ng mga pinsan.
SINILIP ni Craven ang kitchen nang makitang makailang buntong-hininga ang pinakawalan ni Hannah bago tuluyang umalis roon. Galing siya sa lanai ng villa.
Hinihintay na bumaba ang dalaga. Nang mainip ay balak niyang sa labas na ng silid hintayin ang dalaga. Pero naabutan niya itong nakasilip sa kusina.Hmm. It's Anika and Dmitri again. Mukhang walang balak ang kapatid niyang pakawalan pa ulit ang dalaga. And he has nothing against them. Only that...
Napalingon si Craven sa dinaanan ni Hannah. So, she was really into his brother? Nah! Poor pretty missy. Napapailing na sinundan nalang ni Craven ang papalayong dalaga. He should do something to cheer her up. He couldn't afford to see her upset or anything goes alike. At ayaw na din niyang intindihin ang napakadaming 'Bakit?' na tanong ng utak niya
BINABASA MO ANG
Craven: Sunshine In The Rain (COMPLETED)
Storie d'amoreCover credits to ate Mj Pampilo Alap-ap Batal Republished; Written by Gazchela Aerienne Katahimikan ang hanap ni Craven nang umuwi sa rancho. Pero sa unang araw palang niya roon ay sinalubong na siya ng umaarangkadang pangarerang motorsiklo. At ang...