"GUSTO kong mag-enroll ulit, Papa. This time, I promised, aayusin ko na."
Kinakabahan si Hannah habang hinihintay ang sagot ng ama. Nasa loob siya ng study ng ama dahil hindi ito pumasok sa opisina at doon ginagawa ang trabaho. Si Hunter muna ang acting CEO sa Line Tour Company nila sa loob ng isang buwan. Training iyon para sa kakambal. Sinusubukan nito ang kakayahan ni Hunter at siguro ay inihahanda na din para sa posisyon.
Mag-iisang linggo na magmula nang makauwi sila galing Palawan. Mag-iisang linggo na din siyang nagmumukmok at umiiyak. Pero hindi siya maaaring ganoon nalang palagi. Kailangan niyang bumangon at ayusin ang buhay. Siguradong kung nakikita siya ni Craven, mas lalo na siyang hindi nito nagustuhan.
Ah! Damn it!
Bakit ba iniisip pa niya iyon samantalang si Craven ay nakalaan para sa iba? She should stand for herself and not for anyone else.
"Kailan ka mag-e-enroll?"
Matapos ang mahabang pananahimik ay narinig niyang tanong ng ama. Tumikhim muna si Hannah bago nagsalita. Hindi iyon ang inaasahan niyang maririnig mula rito. Akala niya ay igigisa muna siya nito bago payagan. Since mula second year ay wala na siyang ginawa kundi ang magpabaya sa pag-aaral.
"Ngayon sana. Gusto kong makakuha ng magandang slots." Pilit kinakalma ang sarili na sagot niya. At totoo naman iyon.
Kinuha nito ang check book. Naglagay ng amount at pinirmahan saka iniabot sa kanya. Tinanggap niya iyon ng may maliit at nahihiyang ngiti. Iyon ba ang paraan ng ama para ma-guilty siya? Matapos ang lahat ng katarantaduhan niya, ngayong gusto na niyang gawin ang tama ay wala itong tanong-tanong na binigyan na naman siya ng chance.
Kung ganoon nga, well, it really works. Tinatablan na talaga siya ng hiya. Mag-isa nitong itinaguyod silang magkapatid. Kahit gaano kahirap at kasakit na bumangon mag-isa matapos mamatay ng asawa ay ginawa nito. Kinaya nito. Pero hayun siya at dinagdagan pa ang konsumisyon ng ginoo.
Nakakapanliit at talagang nakakahiya ang mga inasal niya. Dahil lang sa kulang siya sa atensyon at pagmamahal ay umabot siya sa ganoong punto. At mas gugustuhin pa niyang sumbatan siya ng ama kaysa ganitong agad siyang binigyan ng isa pang pagkakataon. Mas nakakakonsensiya kasi.
Hawak ang tseke ay hinarap ni Hannah ang ama.
"Hindi mo ba ako papagalitan bago ko bitbitin palayo ang perang ito? O pagdududahan kung saan ko na naman ito dadalhin?"
Binigyan siya ng matipid na ngiti ng ginoo. Matagal na nakatitig sa kanya. Hindi niya alam kung ano ba ang iniisip nito. Lately ay napapansin niyang palagi nalang siya nitong tinitignan ng ganoon.
"Palagi ba akong galit sayo, Hannah? Did I always accused you of something?"
Nagulat ang dalaga sa tanong ng ama. Bakit ito nagtatanong ng ganoon? At dapat pa ba niyang sagutin iyon? For sure, he knew the answer.
"I can read the answer from your face." Malalim na nagbuntong-hininga ang ginoo saka ikinumpas sa ere ang isang kamay. "Go ahead and fix yourself now. Baka ma-traffic ka pa." pagtataboy nito sa kanya.
Nakakailang hakbang palang si Hannah palapit sa pinto nang marinig ulit ang ama.
"I maybe everything but manipulative, Hannah. But I wanted you to know that you are my princess. And Hunter is my prince. You, both were so dear to me. You both are my dearest child. The best ever gifts your mother gave me."
Hindi alam ni Hannah kung ano ang pinakatamang sabihin. She clenched the middle of her chest with her right hand. Parang sumakit bigla ang puso niya sa narinig. And suddenly, her mouth became dry. Her tears starts to form again.
Bakit ganito?
Gusto niya itong takbuhin at yakapin. Ilang dipa lang ang layo niya mula rito pero bakit parang napakahirap noong gawin? At muli, sa napakaraming beses na, mas pinili niyang gawin ang pinakamadali.
Tumango lang siya sa ama at dumeretso sa paglabas ng study.
But she regretted doing so. Dapat ay niyakap niya ang ama at sinabing mahal niya ito sa kabila ng pagiging malamig nito sa kanya. Kaya lang ay tapos na ang oras para doon. Pinalagpas na niya. Huli na at nakahiyaan na rin niyang gawin. She missed her chance again. Ilang beses pa ba niyang palalagpasin ang mga pagkakataon niyang mayakap ng mahigpit ang ama?
She was not sure but maybe, there was a thing happened back in Palawan. Bago sila umalis ay alam niyang masinsinang nag-usap sina Tito Gab at ang kanyang Papa pero hindi niya alam kung tungkol saan. Siguro ay tungkol rin sa kanya.
Dahil nang makabalik sila sa lungsod, kahit paano ay nag-loosen up ang pagiging iritable ng ama sa kanya. Hindi siya gaanong kinikibo nito tulad ng dati pero hindi na din siya gaanong pinagagalitan. Muntik na nga niyang isipin na tuluyan siyang naging invisible sa mga paningin ng ama kung hindi lang may mga pagkakataon na nahuhuli niyang nakatitig ito sa kanya. He seems sad and regretful, that he wanted to hugged her. That he longed to hugged her. But he can't do it. It was hard to do it because he hated her.
At bigla din niyang naiisip na baka naman sa sobrang kagustuhan niyang magkaroon ito ng pakialam sa kanya, sa kagustuhan niyang mahalin siya nito, nakikita na niya ang gusto niyang makita kahit hindi naman totoo.
Baka naman ang pagbibigay nito sa kanya sa kanyang gusto ay tanda na sinusukuan na siya nito. Ngayon pa na gustong-gusto na niyang ayusin ang kanyang buhay para makapagsimula ng bago. Gusto na ulit niyang maging mabuting anak.
A/N:
Para mabasa ang mga naka-private na mga parts, paki-follow po ako. Thanks po. :)
PHR LINKS:
FB Fan page/FBGroup:
https://www.facebook.com/OfficialGazchelaAerienne/
https://www.facebook.com/groups/354433525010560?refid=27
Precious Online Store:
https://www.preciousshop.com.ph/home/
https://preciouspagesebookstore.com.ph/)
Precious Hearts Pocketbook Page:
https://www.facebook.com/Precious-Pages-229654370425644/Booklat Page:
(https://www.facebook.com/BooklatOfficialPage/)
BINABASA MO ANG
Craven: Sunshine In The Rain (COMPLETED)
RomanceCover credits to ate Mj Pampilo Alap-ap Batal Republished; Written by Gazchela Aerienne Katahimikan ang hanap ni Craven nang umuwi sa rancho. Pero sa unang araw palang niya roon ay sinalubong na siya ng umaarangkadang pangarerang motorsiklo. At ang...