Chapter 9.1

3.2K 120 3
                                    


"THREE HOURS and thirty minutes."

Malungkot na ngumiti si Hannah kay Craven. Ilang minuto na din ang dumaan matapos niyang kumalma. Nakaupo nalang sila ngayon sa damuhan.

"Iyon ang pagitan namin ni Hunter. Ganoon katagal naghirap si Mama para mailabas ako ng maayos sa mundo. At dahil mahina ang puso niya, pagkalabas na pagkalabas ko, noon binawian ng buhay ang Mama ko. Pagod na kasi siya kaya bumigay na ang puso niya. Hindi siya nagpa-CS kasi takot siya sa operation. Pero hindi siya natakot mamatay para lang mailabas ako ng buhay." Nagsimula na namang tumulo ang mga luha ni Hannah. "Kasalanan ko. I killed my own mother!"

"Husssh..." Mabilis na inabot siya ni Craven at niyakap ng mahigpit. "Hindi mo kasalanan. Sinabi mo nga na mahina ang puso niya. It is a heart failure, sweetheart." pang-aamo sa kanya ng binata.

Lalo tuloy lumakas ang mga hagulhol niya. Wala pang kahit sino ang yumakap at nagpadama sa kanya ng ganoong uri ng damdamin habang nasa state siya na gustong kwestiyunin ang existence niya.

"Pero pinagod ko siya Craven. Bakit kasi ang tagal-tagal kong lumabas? Bakit hindi nalang kagaya ni Hunter na saglit lang? At si Papa, dahil buong duration ng panganganak ni Mama ay nandoon siya, nakita niya kung paanong naghirap si Mama sa pagluluwal sa'kin. Kung paano ko pinahirapan ang sarili kong ina. Alam kong isinusumpa niya ako nang mga oras na iyon!"

"Bakit mo nasasabi iyan? Anak ka niya. Mahal ka niya." anito habang hinahagod ang kanyang likod.

"Anak niya ako na kumuha ng buhay ng babaeng mahal. Seeing me like a perfect image of my mother, alam kong mas masakit sa kanya iyon. Bakit ba ganito ang ibinigay sa aking buhay? I am living under my father's anger. Alam ko naman iyon e. Pinararamdam niya sa akin iyon araw-araw. Kibuin-hindi niya ako pero si Hunter ay buo ang atensyon niya. Yes, I am jealous. Pero hindi ako nagagalit sa kakambal ko. Kasi, siya lang naman ang nagmamahal sa akin sa bahay namin. Palagi niya pa akong ipinagtatanggol kay Papa kapag pumapalpak ako. Paano nalang ako kung wala si Hunter? Kung ganoon na walang oras na hindi galit si Papa sa akin? He never loved me. He despised me. Ganoon ba talaga ako kahirap mahalin? Sobrang hirap to the extent that he hated me."

"No." Magaang pinakawalan siya ni Craven. "No. Ikaw nga ang pinakamadaling mahalin na tao na nakilala ko. I'd like you the moment I saw you. And fell in love with you in every single moment we were together."

Biglang naalarma si Hannah. Pinahid niya ang mga luha saka nilingon ang binata. He can't love her. Imposible iyon dahil isang babae lang naman ang minamahal nito. At sinabi na nitong wala na itong balak magmahal ulit dahil hindi nito mai-let go si Kai.

Awa.

Iyon ang nararamdaman ni Craven sa kanya dahil nasaksihan nito kung paano siya nasasaktan dahil hindi siya makahanap ng taong magmamahal sa kanya. At hindi niya kailangan ang awa nito up to the point na sasabihin nitong mahal siya ng binata kahit hindi naman.

No. She didn't need that!

"Tama na ang awa na nararamdaman ko para sa sarili ko, Craven. H'wag mo nang dagdagan pa." mapait na sambit ng dalaga.

Sa sipag ng tear glands niya, hayun at gumagawa na naman ng panibagong batch ng luha. And it took her a lot of guts not to let those tears slip away from her eyes. Lalo niya lang ginagawang kaawa-awa ang sarili.

Tumayo na si Hannah nang makitang papalapit ang kabayo ng pinsan.

"What are you saying? Are you thinking na naaawa lang ako sa 'yo?" Napatayo din si Craven.

"Yes." Walang kagatul-gatol na tugon niya kahit pa nga ikinasusugat ng puso niya ang katotohanang iyon.

"Goodness! Hindi ka nakakaawa, Hannah! At hindi ako naaawa sa iyo!" halos isigaw iyon ni Craven sa pagmumukha niya.

Craven: Sunshine In The Rain (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon