PARANG pinupunit ang puso ni Craven sa nakikitang pagwawala ni Hannah sa malawak na kaparangan. Come to think of it. The woman who restrained her from cursing the world was now doing it, herself. Sinabi nito na may mga taong higit pa ang pinagdadaanan sa kanya pero hindi nagagalit sa mundo. Now, he understands. She had been through a lot of pain but she managed to smile and laugh all the time. What a tough woman. Pero ano ngayon at bumibigay na ang tatag nito?
Well, lahat ng tao ay may limitasyon. At may pakiramdam siyang dumating na si Hannah sa limitasyon nito.
"Sige lang, Hannah. Isigaw mo lang. You will feel better, after." mahinang saad niya sa kabila ng distansya. Alam niyang kailangan ni Hannah iyon.
Nakontento na siya sa pakikinig sa mga sintemyento nito sa buhay. She was wailing her heart out as if there was no tomorrow. As if it was the end of the world. At sa bawat palahaw nito, tila ba ramdam din niya ang sakit ng damdamin na dala-dala nito. Gusto niyang takbuhin ang dalaga at yakapin. Gusto niyang iparamdam rito ang damdaming alam niyang siyang kailangan nito.
Pero bigla din siyang naalerto sa huling narinig.
"Kunin mo na ako, ngayon na! Ayoko na!"
And he understands now why she didn't mind if her life always get into danger. Dahil wala naman itong pakialam. She was as if living because she had no choice but to live. Katulad ng kung ano ang nararamdaman niya noon. Pero hindi na ngayong nakilala niya ang dalaga. May purpose na ang buhay niya. He had a motivation why he should live.
To protect her.
To keep her safe.
To make her happy.
To see her smiles.
To... Kissed her up to senseless.
Tuluyan siyang napakahakbang nang makitang humakbang papunta sa dalisdis ang mga paa ng dalaga. Idinipa nito ang mga kamay na para bang gustong magpayakap sa hangin hanggang sa huling sandali. Mas napabilis ang mga hakbang ni Craven. Tumatakbo na siya nang hindi namamalayan.
God! What are you doing Hannah? Damn it!
Kulang nalang ay lumipad siya sa bilis. Ni hindi niya naisip sumakay sa kabayo dala ng matinding pag-aalala. Pakiramdam pa niya ay nasa lalamunan na niya ang puso at doon malakas na tumitibok. Paulit-ulit na nagmura si Craven. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung hindi siya makakarating sa tamang oras kay Hannah.
"Mahirap ba talaga akong mahalin?" Narinig niyang bulong ni Hannah sa hangin.
Napakalungkot ng boses nito. At pakiramdam ni Craven ay para siyang namatayan pagkarinig roon. He held her tight. Letting her feel his presence. He wanted to whispered her his beautiful words of love. Pero iba ang lumabas sa mga bibig niya.
"Don't do this, Hannah. I am not going to forgive you if you did something bad to yourself." Dala ng matinding pag-aalala ay nasikmatan niya ito.
Paulit-ulit niyang binura sa isip ang eksena kung saan tila namamaalam sa mundo si Hannah. Hindi na niya kayang alalahanin ang eksenang iyon. It was such a painful torture.
Kung naiwala niya si Kai dahil sa hindi niya nagawang ipakita sa babae kung gaano niya iyon kamahal, ngayon, sisiguraduhin niyang hindi niya maiwawala si Hannah. He will hold her tight, enough not to let her go, but also enough to breath air for her to live.
BINABASA MO ANG
Craven: Sunshine In The Rain (COMPLETED)
RomantizmCover credits to ate Mj Pampilo Alap-ap Batal Republished; Written by Gazchela Aerienne Katahimikan ang hanap ni Craven nang umuwi sa rancho. Pero sa unang araw palang niya roon ay sinalubong na siya ng umaarangkadang pangarerang motorsiklo. At ang...