Chapter 6.0

3.1K 134 1
                                    

"I DIDN'T. Marunong naman akong lumangoy---"

"Hindi iyon ang nakita ko sa malayo." Nagtatagisan ang mga bagang na sikmat ng binata sa kanya.

At hindi ito maintindihan ni Hannah kung bakit kailangan nitong magalit sa kanya ng ganoon. Pero sa halip na magpaapekto ay ngumiti siya. Tumayo na at tinunghayan ang nakaupo pa ding binata. Thanks to the wind that blew her hair away. Napigilan noon ang buhok niyang hagupitin ang gwapong mukha ng binata habang nakayuko siya rito. Meeting his eyes that were so intense and full of mystery... And sadness.

Why are you so sad?

Gusto niyang itanong. Pero sa halip ay nginitian niya ito.

"Ang gwapo-gwapo mo lang, Craven." pabuntong-hininga na sambit niya. Pakiwari pa ng dalaga ay sasalya ang puso niya sa tindi at lakas ng kabog noon habang nakatungo sa binata. At kahit hindi na magkamayaw ang dibdib ay pinitik niya ang noo nitong nakakunot. "You should smile more often. Hindi bagay ang mga frown lines."

At mabilis na hinila niya ang sarili palayo sa harapan nito bago pa siya lamunin ng kahihiyan sa mga pinaggagagawa niya sa buhay. Hindi nga alam ni Hannah kung anong pumasok sa kukote niya at ginawa iyon. Basta may pakiramdam siya na ikamamatay niya kung hindi naisakatuparan ang naisip.

Dali-daling sumakay si Hannah sa kabayo ng pinsan para makaalis na roon. Pero napalakas yata ang hagupit niya sa kabayo. Nagulat iyon at kumaripas ng takbo. Hindi siya ganoon kagaling mangabayo. Kailan lang siya natuto dahil sa matiyagang pagtuturo ng mga pinsan. At hindi pa ganoon kagaling ang riding skills niya. Kaya ngayong nagwawala ang hayop ay inaalihan siya ng matinding takot na hindi niya mapigilan ang mapatili ng malakas. Ihuhulog siya ng kabayo, sigurado iyon!

Sa likod ay naririnig niya ang pagsigaw ni Craven sa pangalan niya at ang kung anong sinasabi nito. Pero hindi niya maintindihan. Ang tanging nauunawaan lang niya ng mga sandaling iyon ay ang takot niyang mahulog mula sa nagwawalang kabayo. Kapag nahulog siya, siguradong malalasog ang kanyang mga buto. At hindi niya gustong mangyari iyon. Bukod roon, siguradong hindi na siya pasasakayin ng mga pinsan sa kabayo.

Hindi naman niya gustong mawalan ng pagkakaabalahan doon sa probinsya.

Pinilit hilahin ni Hannah ang renda ng kabayo para patigilin ito pero lalo lang iyong nagwawala. Papasok ang kabayo sa kagubatang ni minsan, sa ilang buwang pagtigil niya roon ay hindi pa niya napapasok. Paano kung maligaw siya sa pagpasok roon? And who knows what lies inside that wilderness? Paano kung puno iyon ng mababangis na hayop? Nang makamandag na mga ahas? Hindi na siya makakalabas ng buhay!

Pero bago pasukin ng kabayo ang bungad ng kagubatan ay may humaltak sa kanyang baywang. Sa bilis ng pangyayari at dala na din ng kabiglaan, hindi na napansin ni Hannah kung paano siyang nailipat ni Craven sa kabayo nito.

Nanginginig ang katawan na napaiyak na ang dalaga ng mga sandaling maramdaman niya ang mga braso ng binata na nakapaikot sa katawan niya. Magkakahalong takot, kaba at relief ang sabay-sabay niyang nararamdaman ng mga sandaling iyon.

"Ssshhh... Don't cry... Don't cry. You're safe now." narinig niya ang malamyos at malambing na tinig ni Craven. At kung hindi pa siya nagha-hallucinate ng mga sandaling iyon ay totoong naramdaman niya ang mga labi nitong lumapat sa kanyang tuktok.

"God! You are a disaster area, Hannah George!" Magkakahalong galit at pag-aalala ang nahihimigan niya sa boses ng binata.

At sa pahikbing paraan ay nasabi niyang:
"A-Ang kabayo ni Aren... Baka maligaw siya."

"Damn it!" sigaw ni Craven na nagpapitlig sa dalaga.

Malalim na bumuntong-hininga ito.

"Sabihin mo sa pinsan mo na pumasok sa gubat ang kabayo. At malamang na mauunawaan niya kung bakit hindi mo sinundan papasok sa gubat. You won't risk your life para mahanap siya. Mas mahalaga pa din ang kaligtasan mo." Sa matigas na tinig ay suhestiyon nito.

Saka iminaniobra ang kabayo paalis ng lugar.

"Hindi ko pwedeng sabihin kay Aren ang nangyari!" mariing tanggi naman niya.

"Sasabihin mo o ako ang magsasabi?"

"Pero Craven!"

"Natatakot kang mapagalitan?" Nayayamot na baling sa kanya ng binata. "Well, you should face the consequences---"

"Hindi na ako makakasakay sa kabayo." mahinang putol niya sa sinasabi nito.

Sigurado siyang ire-restrict sa kanya ang pangangabayo kapag may isa sa mga pinsan ang makaalam ng nangyari. Napaka-OA pa naman ng mga pinsan niya pagdating sa pagprotekta sa kanya. Maski ang Tito at Tita niya ay ganoon din. Siguro, dahil sa generation nila sa side ng ama, siya ang pinakabata at babae pa.

"And they will get disappointed about me. Ayokong ma-disappoint sila sa akin. I don't want another person in the family who hated me."

"What are you saying? I know for sure, mas mahalaga ang kaligtasan mo para sa pamilya mo kaysa sa kabayo." Parang nalilitong sabi ni Craven.

"I don't know. My existence isn't that important."

"What?"

"Just please help me, Craven. Help me find the horse." Disoriented nang pakiusap niya sa binata. "Help me! Hindi ako makakauwi na hindi kasama ang kabayo."

Nagbuntong-hininga ang binata. And maybe, it's her sullen voice that rendered him speechless. Dahil ilang sandali itong nanahimik lang sa likuran niya. Pero maya-maya'y narinig niya na naman ang nagagalit na tinig nito.

"Pagkatapos ng nangyari ay gusto mo pa ding sumakay sa kabayo?" yamot na tanong ni Craven sa kanya. "I don't know what to think about you anymore, Hannah."

Hindi na niya pinansin ang frustration nito at tiningala ang binata.

"Bumalik tayo, please. 'Yong kabayo ni Aren. Baka ano'ng mangyari sa kanya."

Matagal na nakatitig lang si Craven sa kanya. Pagkuway nagbuntong-hininga.

"Aish!" tiim-bagang nito. "I'll ask my men to find your horse. For now--"

"Hindi! Gusto kong ngayon na! Hanapin na natin ang kabayo! Ngayon na. As in now na!" matigas na giit naman ng dalaga.

Nagmura sa kung anu-anong lenggwahe si Craven pero minaniobra din naman pabalik si Volt. Eksaktong papasok sila sa gubat ay papalabas naman ang kabayo ni Aren.

Dali-daling bumaba si Hannah mula sa kabayo ni Craven at sinalubong ang kabayo ng pinsan. Niyakap niya rin iyon ng mahigpit dahil sa labis na relief.

"I'm sorry... I'm so sorry..." bulong niya sa kabayo habang hinahaplos iyon. Mukha namang kalma na ang kabayo. Pero si Hannah ay hindi pa. She forced herself to calm her nerves.

Ano nalang ang posibleng nangyari sa kanya kung wala si Craven nang mangyari ang lahat ng iyon? Ah! Kasalanan din naman nito kung bakit napalakas ang hagupit niya sa kabayo. Sa pagmamadali niyang makalayo sa binata, hindi na siya nakapag-isip ng tama.

Goodness, Hannah! Kung sinu-sino ang sinisisi mo sa katangahan mo! Ikaw itong gustong makalayo matapos ang kalokohan mo pagkatapos ay sisihin mo ang gwapong nilalang na iyan?

Ngayon ay gusto nang lumubog ni Hannah sa kahihiyan sa kanyang sarili. Ano ba kasi itong nangyayari sa kanya?

Craven: Sunshine In The Rain (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon