INILATAG ni Hannah ang katawan sa kama, pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng silid na ginagamit. Sa side table ay napansin niyang gising pa ang alaga niyang si Scarlet, ang peppermint angelfish na iniregalo sa kanya ng kakambal na si Hunter noong 22nd birthday nila. Nasa listahan iyon ng pinakamahal na isda sa mundo at hindi nawawala sa aquarium ng mga private collectors. Na ewan niya kung paanong nakabili ang kakambal. Habang siya ay walang naibigay na regalo.
Binaon niya iyon hanggang Palawan dahil inaasahan niyang magtatagal siyang titikisin ng ama. At nakikipagmatigasan din naman si Hannah. Hindi siya magmamakaawa sa ama na pauwiin na. Uuwi lang siya kung ito ang makikiusap na umuwi na siya.
Hah!
At alam niyang magtatagal iyon. Baka nga mas gusto pa ng ginoo na hindi siya nakikita nito.
Mapait na ngumiti si Hannah saka tinitigan ang makintab na stripped red and white na isda. Doon na rin niya kinuha ang pangalan nito. Napakaganda nitong panoorin kahit nag-iisa lang ito sa loob ng mini aquarium.
"Angelfish ang niregalo ko sayo because I just wanted to remind you that I believe you are an angel... hiding in horns." naalala niyang sabi ni Hunter habang ginugulo ang kanyang buhok.
It's his way to tell her that he loves her. At siguro, para din pawiin ang tampo niya. Binati ito ng kanilang ama sa birthday nila pero siya ay hindi. Lumipas na ang tatlo at kalahating oras na pagitan nila ni Hunter ay hindi siya binati ng ama. At siyempre, kahit totoong nasaktan at nagtampo siya sa ama ay hindi niya ipinahalata kahit kanino.
"Hi, Scarlet! Gising ka pa din?"
Nangingiting ini-extend niya ang kamay at dinutdot niya ang mini aquarium sa tapat ng isda habang nakahiga sa kama. Mabilis iyong naglangoy palayo, paikot. Ang cute lang ng isda. Dati, iniisip niya kung paano natutulog ang mga isda, pero nang isang gabi na nakita niyang parang patay na si Scarlet, binuhat niya ang mini aquarium papunta sa kwarto ni Hunter, dahil sa panic. Para lang pagdating doon ay mapansing mabilis na ulit na lumalangoy ang isda. Natutulog lang pala iyon. Akala niya ay namatay dahil hindi niya napakain noong umaga.
"May nakilala akong gwapo ngayong gabi. As in sobrang gwapo!"
Malapad ang ngiting gumulong sa kama si Hannah palapit sa side table. Nakadapa siya, salo ng mga kamay ang mukha habang nakatitig sa alaga.
"Mukhang mabubura ko na ang buong listahan ko ng mga crushes at si Craven nalang ang magiging crush ko." Patuloy na pagkausap niya kay Scarlet. "But you know, his voice seems to be sad and broken. Ewan ko, ha? Baka ako lang ang nag-iisip noon. Baka nasanay lang ako sa pagiging masiyahin ni Dmitri. They seems to be miles away different."
Biglang napapitik sa hangin si Hannah pagkaalala kay Dmitri.
"You know what, Scarlet, hindi ko na crush si Dmitri. Tutal mukhang hindi ang mga tipo ko ang gusto niya. At okay lang. May bago naman na akong point of interest."
Malapad na ngumiti sa kawalan si Hannah habang sa imahinasyon ay paulit-ulit na nagfa-flash ang gwapong imahe ng binata. The way he smiles, the way he looks at her, things like that seems new and exciting. Para bang sa tuwing ngingiti ito at tititig sa kanya, may malaking sorpresa siyang makikita.
"His name is Craven, Scarlet. At super gwapo niya! Nalaglag yata ang puso ko nang ngitian niya ako."
Tatawa-tawang gumulong ulit si Hannah sa kama at nahiga. Inabot niya ang isang malambot na unan at niyakap. Bakit nang pumikit siya at suminghot sa unan, ang gwapong mukha at ang nakakabaliw na bango nito ang kanyang nakita at naamoy? O baka psychological lang iyon.
Dahil kanina pa, habang pauwi at maging hanggang ngayon, si Craven ang laman ng utak niya.
"Hayst! Scarlet, ang gwapo-gwapo niya talaga."
Isinubsob niya ang mukha sa unan at saka nagpakawala ng tili. Para na siyang baliw ng mga sandaling iyon.
Nakatulugan na ni Hannah ang mga isipin patungkol kay Craven. Kaya hindi na kataka-takang ang ganda ng gising niya kinabukasan.
BINABASA MO ANG
Craven: Sunshine In The Rain (COMPLETED)
RomanceCover credits to ate Mj Pampilo Alap-ap Batal Republished; Written by Gazchela Aerienne Katahimikan ang hanap ni Craven nang umuwi sa rancho. Pero sa unang araw palang niya roon ay sinalubong na siya ng umaarangkadang pangarerang motorsiklo. At ang...