KULANG ang salitang shock para ipaliwanag ang pakiramdam ni Hannah ng mga sandaling iyon. Ano ba itong kaguluhan na nangyayari? Bakit narito si Craven? At anong mga pinagsasasabi nito?
Oo, inaamin naman niyang miss na miss na niya ang binata. Gusto niya itong makita at parang isang hiling na nagkatotoo na heto ito sa kanyang tabi. Pero ang mga binitiwan nitong mga salita kanina ang nagpayanig sa kanya. Hindi iyon mai-digest ng utak niya. Nagre-refuse siyang intindihin dahil sa totoo lang ay... Medyo imposible.
Medyo lang. Kasi ang tanga niyang puso, gusto na namang umasa na hindi joke ang lahat.
"I think, you two should talk." ang boses ng ama ang nagpabalik sa naglalakbay na katinuan ni Hannah.
"What is this, Papa?" Gusto niyang magalit at matuwa sa ama ng sabay.
Nang sabihin nitong si Craven ang mahal niya, bahagyang nagtaka siya sa bagay na iyon. Paano nito nalaman? Pero gusto din niyang magalit rito. Bakit nito pinapunta roon si Craven?
Sa mismong graduation celebration pa nila. Hindi nakarating si Hunter sa graduation dahil ipinadala ng kanilang ama sa Europe para sa isang business etcetera, tatlong araw bago ang kanyang graduation.At ano na naman ang nilulutong plano ng ginoo? Kaya ba ito kakaiba nitong nakaraan? Dahil may plano na naman ito para sa kanya?
Pero nang sincere na ngumiti ito sa kanya at haplusin ang kanyang buhok, mas lalo nang nagtaka si Hannah.
"I just want to give you what makes you happy. I know I'd been so mean to you ever since. Gusto ko lang makabawi."
Natigilan si Hannah. Hindi lang dahil sa narinig kundi dahil sa napansing tila kumikinang sa nagbabantang luha ang mga mata ng ginoo. Parang sumasakit na naman ang dibdib niya nang mga sandaling iyon. Bakit niya naririnig at nakikita ang mga imposibleng bagay na ito? Nananaginip ba siya? O baka naman sa sobrang paghahangad ay bumigay ang utak at nabaliw na siya? Nakikita na niya ang hindi totoo Gumagawa na siya ng sariling eksena kung saan nangyayari ang mga gusto niya?
"Papa...."
"I also know what is really happening." dugsong pa ng ginoo.
Naghinala na din siya sa bagay na iyon kaninang halos hindi nagsasalita ang ama nang ipakilala niya si Vixon sa mga ito. At paano na si Vixon? Kapag na-corner ito ng mga magulang, siguradong katapusan na ng pagkakaibigan nila. Hindi niya gusto iyon. Pero hindi rin naman niya inaasahan na may ganitong mangyayari.
God! Ano nang gagawin niya?
Pero natigilan na naman si Hannah nang marinig muli ang boses ng ama."I'm sorry, sweetheart." sabi nitong tila pinipigilan lang ang sariling damdamin.
That was so like him. Ang kanyang ama ang tipo na kahit hanggang sa huling sandali yata ay hindi magpapakita ng emosyon sa kanya.
Pero ang marinig niya itong mag-sorry ang siyang pinakamalaki na yatang himala na masasaksihan niya sa buong buhay. Kinabig pa siya nito at niyakap. At habang tinatapik ang kanyang likod ay may ibinulong ito:
"I love you, my princess. Be happy now."
Nakaalis na at lahat ang kanyang ama ay tulala pa din si Hannah. Nananahimik naman sa tabi niya si Craven.
"Nananaginip ba ako?" mahinang tanong ni Hannah sa katabi.
Inabot ni Craven ang kamay niya at marahang pinisil. Pagkuway kumabig ang isa pa sa kanyang batok at mariin siyang hinalikan. Inulan siya ng masasarap na sensasyong hatid ng mga labi ng binata. At nang palalimin pa nito ang halik ay parang tinangay na naman siya papunta sa kung saan.
"Tell me now if that feels like a dream." hamon ni Craven sa kanya matapos siyang pakawalan.
"Hindi." Umiiling na tugon ng dalaga. "It feels real. Ibigsabihin, nababaliw na ako."
BINABASA MO ANG
Craven: Sunshine In The Rain (COMPLETED)
RomanceCover credits to ate Mj Pampilo Alap-ap Batal Republished; Written by Gazchela Aerienne Katahimikan ang hanap ni Craven nang umuwi sa rancho. Pero sa unang araw palang niya roon ay sinalubong na siya ng umaarangkadang pangarerang motorsiklo. At ang...