"GOOD THING, you are here now."
Pumapasok-pasok palang si Hannah sa villa ay bumungad na kaagad ang hindi maipintang pagmumukha ng kanyang ama. Hindi naman niya ito masisi. Nag-walk out siya kanina matapos niya itong sagut-sagutin.
Napabuntong-hininga siya saka tahimik na lumapit sa ama. Itotodo na niya ang galit nito. Gusto na niyang umuwi. Ngayon na. Habang kaya pa niyang lumayo. Ang isipin lang na magkasama na ulit sina Kai at Craven, pakiramdam niya ay sinasakal ng matindi ang puso niya.
"Papa---"
"Go, upstairs and packed your things. You are going back to Manila with me!" naniningkit ang mga mata nitong itinuturo ang itaas ng hagdan.
Sandaling natigilan si Hannah. Hindi na pala niya kailangang galitin ito. Dahil bukod sa galit na ito sa kanya ay iniuutos na rin nito ang isang bagay na gusto niyang gawin.
Muli siyang nagbuntong-hininga at tamango sa ama saka tahimik na umakyat ng hagdanan. Nakakailang hakbang palang siya nang marinig ang boses nito.
"Why are you so like that, Hannah?" mababa na ang boses nito.
Sandaling natigilan si Hannah. Tama ba ang nahimigan niya sa boses nito? He sounded surrendering. He seems sad and so regretful.
Ah, what's new? Dati pa itong malungkot na napalitan ng galit. Nakamulatan na niya ito ng ganoon. Regretful, maybe because he regrets raising her.
Ugh. No, he regretted having her as a child. That was the most appropriate. Nagmamadali na siyang umakyat bago pa muling makarinig ng mas makakasakit pang mga salita mula sa ama. Eksaktong pag-apak niya sa landing sa itaas ng hagdan ay siyang pagpasok naman ng kanyang Tito Gab. Narinig niya ang boses sa pagbukas palang ng main door. Kararating lang siguro ng mga ito mula sa kabilang isla.
"Iuuwi ko na si Hannah." matigas na sabi ng kanyang ama.
"Nakita na siya? Saan?"
Gustong mapahikbi ni Hannah sa punong-puno ng pag-aalalang boses ng kanyang Tito. Mabuti pa ito at nag-aalala sa kanya. Samantalang ang kanyang ama...
Natigilan din ang dalaga. Base sa mga palitan ng salita ay galing sa paghahanap sa kanya ang tiyuhin. Kung ganoon ay kanina pang nakarating ang mga ito mula sa kabilang isla.
At ang kanyang ama ay nandoon lang all the time sa villa?
Mapait na napangiti sa sarili si Hannah. Ang kanyang ama ay walang pakialam sa kanya. Katulad ng dating panuntunan nito sa buhay. Umalis siyang mag-isa, matuto siyang bumalik na mag-isa.
Of course.
Katulad ng dati na naglayas siya ay hindi siya hinanap ng ama. Habang ang sarap ng upo nito sa couch sa bahay nila o sa swivel chair nito sa opisina, siya naman ay dalawang araw na umiiyak sa kwarto ng isang kaibigan na nagpatuloy sa kanya. Hindi na siya nagtataka kung hindi nag-abala ang ama na hanapin siya kaninang mag-walk out.
At bakit ba uhaw na uhaw pa din siya sa pagmamahal ganitong may mga tao namang nag-aalala at nagmamahal sa kanya?
Pero kasi, iba ang pagmamahal ng magulang. At iyon ang wala siya. Buong buhay niya ay ipinagkait sa kanya iyon ng ama. Kung nabubuhay ba ang kanyang ina, ganoon din ang madarama niya?
Humakbang na siya papasok ng silid pero bago iyon ay narinig niya ang malakas na sinabi ng kanyang Tito Gab sa kapatid nito.
"Goodness, Alex! Ano bang akala mo sa anak mo? Bagahe na ipinahahabilin lang? At kukunin mo kapag gusto mo nang kunin? Kung kailan masaya na dito ang bata ay saka mo susunduin?"
Dumadagundong ang boses ni Tito Gab sa buong kabahayan. Tuluyan naman niyang isinara ang pinto ng silid. Ayaw na niyang marinig mula sa mismong bibig ng ama ang napakasakit na katotohanan. Na isa lang siyang bagahe para rito. Excess baggage na hindi nito gusto pero napipilitan itong dalhin. He maybe happy if she was not existing in his life.
Sa pinagsama-samang sakit at sama ng loob ay dumapa si Hannah sa kama at isinubsob ang mukha sa unan. Doon siya umiyak ng umiyak at inubos ang lahat ng nararamdaman. Bakit kasi hindi maubos-ubos ang mga iyon? Hindi na siya makabalik sa pag-arte niya na okay siya. Na masaya siya sa buhay niya, walang pinoproblema. Walang iniinda. Kailangan na niyang bumalik sa entablado pero hindi niya maikondisyon ang sarili sa perpektong pagpapanggap.
What the hell!?
BINABASA MO ANG
Craven: Sunshine In The Rain (COMPLETED)
RomanceCover credits to ate Mj Pampilo Alap-ap Batal Republished; Written by Gazchela Aerienne Katahimikan ang hanap ni Craven nang umuwi sa rancho. Pero sa unang araw palang niya roon ay sinalubong na siya ng umaarangkadang pangarerang motorsiklo. At ang...