Chapter 5: Let Me Save Us

62 2 3
                                    

She wants me to act like we've never been kissed. She wants me to forget everything that we have and pretend that we've never met. I've tried and I tried but I haven't yet.. Then she walk by and I fall into pieces.

******

 ALEXANDER'S POV

Nakaka-ilang tawag na'ko kay Scarlette pero hindi nman niya sinasagot. I can't understand kung bakit bigla nalang siyang nagkaganoon eh kanina lang ok naman kami. Naiisip ko parin yung sinabi niya sa'kin kanina.

 I don't feel anything for you anymore

Pero sa mga nakita ko naman kanina, parang kabaliktaran naman lahat ng sinabi niya. I can sense that there's something wrong. Now I feel all of the pain that I caused to Scarlette nung iniwan ko siya six years ago. Six years yung nasayang dahil sa katangahan ko, I would not let another year na masayang kasi hindi ko siya kasama.

I will not let you go anymore, Scarlette. Lahat na kasi ng dahilan para mahalin kita, binigay mo na..

Gagawin ko lahat para bumalik siya sa'kin.

I finally gave up from calling her because this time, I find myself going towards her place.

*****

SCARLETTE'S POV

4:00 AM na pero hindi parin ako makatulog, ang dami kasing tumatakbo sa isip ko ngayon. Gusto kong sagutin yung tawag ni Alex at sabihin na mahal na mahal ko parin siya pero, what for? Ikakasal na siya. Ikakasal na aang pinakamamahal ko... Hindi sa'kin... Kundi sa iba...

Kung naging strong lang sana ako dati. Kung pinaglaban ko yung nararamdaman ko sa kanya six years ago.. Would everything become differen?? Lahat naman ng bagay pwede mong ipaglaban eh, pero hindi sa lahat ng pagkakataon pwede mong ipagpilitan.

I hope you will be happy my Alex...

*Doorbell ringing*

At sino naman yung naligaw ng 4:00AM dito sa bahay at grabe naman kung makapag doorbell. Pumunta ako sa pinto at sumilip sa peek hole ng pinto. "Alex?"

Binuksan ko naman yung pinto. "What are you doing here? Nakakabulabog ka!" masungit kong pagkasabi. Bigla niya akong niyakap.

"Scarlette, please don't leave me anymore." Bulong niya, hindi parin siya bumibitaw sa pagkakayakap sa'kin.

"W-what are you talking about?"

"I still love you Scarlette." Kumalas ako sa pagkakayakap niya at pinapasok. Alam ko may dapat pa akong malaman.

"Please Alex, wag mo na'kong guluhin. And don't make your life complicated either. May sarili na tayong mga buhay."

"Is that so much easy for you Scarlette?"

"Is that so much easy for you Alex?"

"What? Wala akong ibang minahal maliban sa'yo, at hinding-hindi ako magsasawang ipaintindi sa'yo ang bagay na yun."

"Alex, please don't make me stupid! Ikakasal ka na! You hurt me once and that's enough! I had enough!" Hindi ko na mapigil yung sarili kong umiyak. Parang sasabog na yung dibdib ko sa sobrang sama ng loob.

"Huh? I'm getting married? Kailan? Buti ikaw alam mong ikakasal ako. Kanino naman daw ako ikakasal?" Huh? Ano daw?

"Tumawag ako sa'yo kanina pero si Ysabelle, yung fiancee mo, yung nakasagot." Nakita kong biglang nagbago yung mukha ni Alex. Napalitan ng galit yung malungkot niyang mukha kanina.

"Inisip ko kaya ka pala nagmamadaling umalis kanina. Kasi pinag-uusapan niyo na yung tungkol sa engagement party niyo."

"What?? sinabi ni Ysabelle yun?" Nagulat ako sa reaction ni Alex sa sinabi ko. Halatang galit na galit siya.

"Yup! Sabi niya nag-uusap daw kayo ng mom niya."

"Damn her!!! Hindi ko siya girlfriend Scarlette! Ngayon naman ikaw ang ilalayo niya sa'kin. She's too much!"

 "Who's Trish?" nagtataka kong tanong kay Alexr.

"She's just my friend. I met her after you left for Canada. All of the time and care na para sa'yo sana eh sa kanya ko binigay. Then she fall in love with me, but I never fell in love with her at alam niyang ikaw lang yung minahal ko from the start." Tahimik kong pinakinggan si Alex. I think he has all the right to explain everything.

"Nung nalaman niyang bumalik ka na, natakot siya kasi baka hindi ko na siya bigyan ng time. Kaya nag attempt siya mag-suicide. Yung mommy niya yug tumawag nung magkasama tayo to inform me about her situation."

"I'm sorry Alex." sabi ko sa kanya. "I should have listen to you. Muntik ka nanaman mawala sa'kin. Please don't leave me anymore."

"You still love me Scarlette?"

Tumango ako bago sumagot. "I still love you. everything I told you earlier was a lie. Mahal na mahal parin kita."

"Mahal mo ko, Mahal kita, So anong balak. Ngitian nalang?" Nakangiting sabi ni Alex. Napatawa ako sabay niyakap ko siya nang mahigpit.

"Yes, let's start over again." bulong ko nalang sa kanya. Bigla kong naalala si Ysabelle.

"How about Ysa?" Tumingin ako kay Alex, naghihitay ako ng sagot.

"Don't worry about her. Ako ang bahala sa kanya." Nakita kong galit si Alex kay Ysabelle.

To Be Continued...

Hala ano kayang ggawin ni Alex kay Ysabelle?

Abangan sa susunod na kabanata

vote, comment, criticize!

Alex>>>>>

-IMsoJADED

Until You're Next to MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon