Mahal na mahal kita Ysa, at handa akong ipaglaban ka.
Sabi ko sa isip ko habang hawak ang picture ni Ysa. Ikakasal na siya sa taong mahal niya. Alam kong may mali sa kasalan na yun, pero hindi ko na yun napigilan bago pa yun mangyari. At kung hindi ko yun napigilan noon, pipilitan kong pigilan ngayon, sa ayaw ni Ysa at sa gusto.
Hinding hindi ako papayag na maagaw kayo sa'kin ng iba.
Stalker ako ni Ysa kaya alam ko ang bawat galaw niya, kung anong ginagawa niya, kung nasaan siya. Handa man akong protektahan siya pero hindi ako ang gusto niyang gumawa nun kundi si Alex lang.
Si Alex na papakasalan niya ngayon.
Ang saya-saya niya habang naglalakad sa isle ng simbahan habang naghihintay ang malungkot niyang groom sa altar.
Bakit ba hindi niya kayang intindihin na hindi ka kayang mahalin ni Alex?
Ilang hakbang ang natapos, at inabot ni Alex ang kamay niya. Lumuhod sila, pinapakinggan si Father.
"Alexander Rodriguez, do you take Isabelle Montes to be your lawful wedded wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish, till death do you part?"
May nakita akong babae na nasa gilid ng pinto ng simbahan, halatang nakikiusyoso sa nangyayari sa loob. Hindi ako pwedeng magkamali, siya si Scarlette, ang babaeng pinakamamahal ni Alex. Nagulat nalang ako nang bigla siyang tumakbo palayo.
I know what you feel Scarlette, it hurts to see the man you love getting married to other woman. At yun ang nararamdaman ko kay Ysa.
Nakita kong lumingon si Alex sa may pinto, and I'm sure na nakita niya si Scarlette. At kasunod nun ang pagtakbo niya palabas ng simbahan para habulin ang babaeng mahal niya. Nagkagulo ang mga tao sa simbahan. Nakita ko si Ysabelle na nakaluhod at umiiyak. I can't stand it anymore! Ayokong nakikita kang nasasaktan.
Mabilis akong tumakbo papunta sa kotse ko para habulin si Alex, hindi para hulihin siya, kundi para sabihin na sa kanya ang totoo. Nasundan ko siya sa bar kung saan nandoon din si Scarlette, nakita ko kung paano sila tumakas sa mga pulis. At wala akong idea kung saan sila pupunta. Basta ako susunod lang sa kanila para malaman na nila ang totoo. Kailangan nilang malaman ang totoo, para maipaglaban ko kung ano yung dapat na sa'kin. Habang sinusundan ko sila sa Commonwealth avenue, naisip ko yung tanging katotohanan na nagpapasaya sa'kin.
It was months ago nang makita ko si Alex at Ysa na palabas sa building kung nasaan ang condo ni Scarlette. Halatang gali na galit si Alex dahil halos kaladkarin niya si Ysa papuntang kotse. Sinakay niya si Ysa saka mabilis na pinaandar yung kotse. Sinundan ko sila. Maya-maya pa nagulat nalang ako kung saan hininto ni Alex yung kotse.
Sa tapat ng OB Gyne Clinic!
Kinabahan ako. Parang alam ko na yung mangyayari. After almost 1 hour na paghihintay, lumabas na silang dalawa. Nakangiti si Ysa habang si Alex eh galit na galit parin. Umalis sila at sumunod ako. Hinatid lang niya si Ysa sa bahay saka umalis agad. Right after na umalis si Alex tumawag agad ako kay Ysa.
"Hello Ysa?"
"What do you want Jethro?" Inis niyang sagot sa'kin.
"I know walang nangyari sa inyo ni Alex that night." sagot ko sa kanya.
"What are you talking about?!"
"At alam ko din na buntis ka. At ako lang ang naka una sa'yo!" Hindi nakaimik si Ysa. Alam kong tama yung sinabi ko.
"Am i right Ysa?" pang-aasar ko sa'kanya.
BINABASA MO ANG
Until You're Next to Me
RomanceAdmit it! You once had a perfect fairy tale. You fell in love, and that's the most wonderful feeling that you ever had knowing that he/she feels the same way. Stars are aligned. Everything was perfect and you only know forever. You found your differ...