A/N
[Warning! Ang chapter na ito ay puro kalokohan lamang hahah! Hope you will enjoy it! Thanks for all the support]
**************
ALEXANDER'S POV
Nagmamadali kong hinila si Scarlette patayo ng upuan pero lasing na lasing siya, imposibleng makapaglakad siya sa lagay niya. I have no choice para buhatin siya palabas ng bar nang hindi napapansin ng mga pulis. But the problem is, nandoon sila sa may exit ng bar.
Tamang tama nakatalikod si manong pulis sa exit door, pwede akong dumaan sa likod niya. Bulong ko sa sarili ko habang karga ko si Scarlette. Dahil crowded sa bar, kailangan ko pa talagang makipagsiksikan. At dahil sa bigat ni Scarlette, muntik na kaming matumba nung may bumangga sa'ming customer din. Hindi ko nalang pinansin, ang misyon ko ay makaalis kami sa bar na yun.
Nasa may bandang likod na kami ni manong pulis nung narinig ko yung usapan nila nung bouncer ng bar. "Nakita mo ba kung sino yung nagda-drive ng luxury car na nakapark sa labas?" Tanong ni manong police.
"Bakit boss?" Hindi sinagot ni bouncer yung tanong.
"Na-report kasi sa'min ng may ari na may kumuha ng kotse niya. Nung pina-describe namin sa kanya kung anong itsura, sumakto sa description ng hinahabol naming run away groom." Mahabang paliwanag ni manong pulis. At ako pala talaga ang pakay nila! Anak ng pating naman!! Wala parin talaga akong takas!! Naku wag sanang mabanggit ni bouncer na nakita niya ako dito!
"Ahhhhhhhhhhhhhhhh..." si bouncer. Yun lang yung reaction niya.
"So, nakita niyo ba yung driver?"
"Hindi! Nandito ako sa loob eh. Ikaw pag nandito ka sa loob makikita mo? Makikita mo?" Hala! Nagmadali ako'ng lumabas sa sa bar patakbo kong pinuntahan yung kotse habang nasa loob pa yung dalawang pulis kamote.
Takbo. Lingon. Takbo. Lingon. "Hoy! Saan ka pupunta!! Wag mo nang dagdagan ang kaso mo!!!" Nandiyan na yung dalawang kamote!! Binilisan ko na yung takbo ko hanggang makarating na'ko sa kotse.Hinihingal ako sa bigat ni Scarlette. Para akong bumuhat ng weights habang nagja-jogging! Whew! Watta work out!
Mabilis kong binuksan yung front seat at tinapon lang si Scarlette sa loob. Kahit ako nabigla sa lakas ng pagkakatapon ko sa kanya. Tinitigan ko siya hinihintay ko kung magrereklamo siya pero wala siyang react! Sleeping beauty parin!
"Wag mo nang tangkaing tumakas!" Naku po! Papalapit na yung dalawang kamote! Umikot ako papunta sa driver's seat, sumakay agad ako pagkabukas ko ng pinto saka pinaandar yung kotse. Binaba ko yung bintana saka ko sila kinausap. "Manong Nasaan yung kotse niyo?" Tanong ko sa kanila, nagkatinginan sila nung ma-realize nila na sa kabilang part pa sila ng parking area nakaparada.
"Kunin mo yung kotse tanga!" Sigaw ni manong police kamote 1.
"Ikaw na yung kumuha nasa'yo yung susi tarantado!" Natawa ako sa kanila habang nagtuturuan. Mabilis kong pinaharurot yung kotse habang nagtatalo sila.
"Hoy!!!! Bumalik ka dito!!!!!" sigaw ni Manong pulis kamote 2. Mabilis kong pinatakbo yung kotse kasi alam ko anytime tatawag na ng back up sila Manong pulis kamote.
Hindi ko alam kung saan ako papunta at hindi ko din naman talaga alam kung saan ako pupunta (ano daw??). Basta na-realize ko nalang na nasa Tandang Sora fly over na kami. Tulog na tulog parin si Scarlette. Kung hindi ko lang sana tinago sa'yo yung pagpunta ko sa bahay nila Ysa, hindi sana ganito yung mangyayari sa'tin.
BINABASA MO ANG
Until You're Next to Me
RomanceAdmit it! You once had a perfect fairy tale. You fell in love, and that's the most wonderful feeling that you ever had knowing that he/she feels the same way. Stars are aligned. Everything was perfect and you only know forever. You found your differ...