YEAR 1996
"Buddy!!!!" sigaw ko sa batang lalaki na naglalaro sa seesaw dun sa park. Tumatakbo ako papunta sa kanya. May gusto kasi akong ibigay sa kanya bago man lang kami magkalayo. Pupunta na daw kasi kami sa America sabi ni mommy at daddy. Magulo daw kasi dito sa lugar namin.
Hindi ko alam kung bakit magulo eh! Masaya akong naglalaro lagi dito sa park kasama yung best friend kong si Buddy. Ngayon malungkot ako kasi magkakalayo na kaming dalawa.
"Uy bambi kanina pa kaya kita hinihintay! Halika dito upo ka sa swing itutulak kita." Ang saya-saya ni Buddy. Parang ayokong makita siyang malingkot pag sinabi kong aalis na ako.
"Ahm Buddy ano kasi.. May pupuntahan kasi kami nila mommy eh.. Nga pala Buddy may ibibigay ako sa'yo. Ito oh! Iingatan mo yan ah! Sign of friendship natin yan." Inabot ko sa kanya yung kwintas na may peace sign. Kay mommy at daddy yung kwintas na yun. Nakita ko kasi habang nagliligpit sila ng mga gamit eh. Kinuha ko nalang para tig isa kami ni Buddy.
"Wow ang ganda naman nito Bambi! Thank you ha! Iingatan ko 'to hanggang sa pagtanda natin promise cross my heart." sabi ni Buddy habang tinaas niya yung kanang kamay niya. "Buddy mag-iingat ka palagi ah? Mami-miss kita." naiiyak na ako tapos niyakap ko siya kahit amoy pawis na siya. "Bakit parang ang lungkot mo Bambi?"
"Wala Buddy hindi ako malungkot noh!" Tapos pinakita ko sa kanya yung brightest smile ko.
"Sige na nga! Oo mag-iingat ako Bambi. Ingat ka din ah! Wait kita bukas dito. Pasalubong ko ah? Heheh! Joke lang!"
"Sige na Buddy uuwi na'ko baka aalis na kami." Sabay niyakap ko siya nang mahigpit. Tumakbo na ako ng palayo, hindi na'ko lumingon kay Buddy kasi malulungkot lang ako. Maiiwan ko na yung best friend ko. Yung best friend ko na laging nagpapasaya sa'kin.
Pagdating ko sa bahay tamang tama pasakay na sila mommy sa car. "Lexy where have you been? Mahuhuli na tayo sa flight. Sakay ka na sa kotse tabi kayo ni mommy." sabi sa'kin ni daddy. Yumakap lang ako sa kanya.
"Why baby? You're sad?" Napaiyak nalang ako. "Shhhhhh don't cry it's ok. Makakahanap ka din doon ng ago mong friends." Kinarga ako ni daddy sabay sinakay sa loob ng kotse. Palabas na kami ng subdivision napadaan kami sa park, nakita ko si Buddy nakaupo lang sa swing mag-isa suot yung kwintas na bigay ko sa kanya. Napayakap nalang ako sa teddy ko at tiningnan yung kwintas ko na pair ng kwintas ni Buddy.
Promise Buddy magkikita ulit tayo... Hahanapin kita pag big girl na ako....
*********
Watch out for my upcoming story AGAINST THY ODDS sequel po ng UNTIL YOU'RE NEXT TO ME
-IMsoJADED-
BINABASA MO ANG
Until You're Next to Me
RomanceAdmit it! You once had a perfect fairy tale. You fell in love, and that's the most wonderful feeling that you ever had knowing that he/she feels the same way. Stars are aligned. Everything was perfect and you only know forever. You found your differ...