JETHRO'S POV
Hindi ko alam kung bakit minsan hindi natin kayang bitiwan yung mga bagay na dapat nating pakawalan. It's like we're scared of losing something na hindi naman talaga naging sa'tin, at hindi para sa'tin. Sabi naman ng iba na mas mabuti pang ipaglaban natin yung isang bagay kesa naman hindi natin yun makuha. Pero para sa'kin, mas ok pa yung hindi mo nalang nakuha yung gusto mo, kesa naman nasa'yo nga, pero hindi mo naman pag-aari ng buong-buo. Mahirap nga naman talagang lumagay sa buhay ng isang tao na bibigyan ka nga ng puwang, pero hindi mo naman alam kung saan.
Ako si Jethro Torralba, at mahal na mahal ko si Ysabelle. Nandito lang ako para sa kanya, eventhough she loves Alex very much. That name! Nasasaktan ako tuwing bukang bibig siya ni Ysa. Sana ako nalang ang mahalin niya, pero mukang malabong mangyari yun! Anung laban ni Jethro, na isang low profile lang sa lipunan, isang ordinaryong empleyado sa isang ordinaryong kumpanya. Kailangan ko pang magtrabaho dati para lang may pambayad ng tuition ko. Kung si Alex eh astig na rakista sa isang sikat na bar sa Manila, ako naman eto, isang gangster lang na pakalat kalat sa kalye.
I met Ysa when we were in college. Sumali siya sa fraternity namin at bilang isang neophyte, kailangan niyang sumailalim sa isang initiation rites. Matagal na'kong kasali sa frat na yun kaya naman halos lahat ng members eh kilala ako, ka-close ko din kasi yung founder namin.
Unang kita ko palang kay Ysa, nagkagusto na'ko sa kanya. Gusto ko siyang ligawan, pero wala akong magawa kasi kursunada siya ni Alfred, founder ng frat namin. Siyempre founder yun! Lahat kami takot sa kanya. But I risk it all when Ysa was in danger because of him. Pumunta ako sa bahay nila Alfred nung gabi na 'yun, I heared someone was screaming, boses ng babae. Pumasok ako ng bahay nila even without permission.
"Let me go! Please master maawa ka na sa'kin!!" Narinig kong sabi ng babae. Hindi ako nagkakamali, galing yung boses niya sa kwarto ni Alfred.
"Hubarin mo na yang panty mo kung ayaw mong kumalat yang utak mo dito!" Nakita ko si Alfred na may hawak na baril, hindi ko alam kung kanino yun nakatutok. Lumapit pa'ko sa pinto para malaman kung sino yung babae na kasama niya sa loob.
"Hubad naaa!!!" Sabay pinutok ni Alfred yung baril, sa cabinet niya yun pinatama. Lalong umiyak yung babae. Binuksan ko ng konti yung pinto at, nagulat ako sa nakita ko. Si Ysabelle!
Panty nalang yung nag-iisang suot ni Ysa at nakatali yung isang paa niya sa poste ng kama, iyak siya ng iyak. Kailangan makatakas kami dito sa bahay na'to. Nakaisip ako ng paraan. Kinuha ko yung baseball bat na nakasandal sa may pader, dahan-dahan kong binuksan yung pinto ng kwarto at lumakad papunta sa likod ni Alfred, pero may nasaging bote yung paa ko.
Napalingon si Alfred at nagulat nung nakita niya ako. Babarilin sana niya ako pero huli na siya, hinampas ko ng baseball bat yung ulo niya at nawalan na siya ng malay. Mabilis kong tinanggal yung tali sa paa ni Ysa gamit yung pocket knife na dala ko. Dinampot nalang namin yung mga damit niya, yung kumot nalang ni Alfred yung pinangtakip ko sa katawan niya.
"Bilisan mo takbo na!" Hindi na nakapagsalita si Ysa, hinila ko siya agad at sabay kaming tumakbo palabas. Sakto naman na may dumaang tricycle, agad ko yung pinara at nagpahatid kami sa presinto. Mabilis naman umaksiyon yung mga pulis at nahuli si Alfred.
"Thank you nga pala. What's your name?" Nanginginig na sabi sa'kin ni Ysa. Halatang shock parin sa nangyari.
"Jethro." sabi ko lang.
"Jethro. Kung hindi ka dumating baka kung ano nang nangyari sa'kin."
"Wala 'yon!" Nakangiti kong sabi sa kanya.

BINABASA MO ANG
Until You're Next to Me
Любовные романыAdmit it! You once had a perfect fairy tale. You fell in love, and that's the most wonderful feeling that you ever had knowing that he/she feels the same way. Stars are aligned. Everything was perfect and you only know forever. You found your differ...