ALEXANDER'S POV
After 2 months...
Nagpunta kami ni Scarlette sa mall after namin mag-invite ng mga bisita para sa engagement party namin, this time mga relatives and close friends lang yung invited. Hinihintay ako ni Scarlette sa labas habang nagbabayad ako ng strings ng gitara na binili ko from music shop. Papalapit na'ko sa kanya nung napansin kong meron siyang tinititigan sa loob ng shop opposite ng pinuntahan ko.
"Alex look at that shop, ang cute ng mga baby dress." Sabi niya sa'kin ng nakangiti habang tinuturo yung color pink na baby dress na naka display sa harap ng shop. Excited na siguro siya na magka baby kami, kahit ako din naman.
Inakbayan ko siya. "Excited ka na magka baby noh? Gusto mo gawa tayo mamaya?"
"Loko ka talaga!" Sabay kurot niya sa tagiliran ko.
"And what are you going to name our baby?" Tanong ko kay Scarlette.
"Kapag baby girl, I will name her Alexene para nakasunod sa'yo yung name."
"Eh paano pag baby boy?"
"Hmmm... Wala pa'kong maisip eh. Maybe I will name him Red. Para pareho kami ng meaning ng pangalan. Or Alec? Para nakasunod parin sa'yo yung name?"
"Ui! Excited na talagang magka-baby oh! Gawa na kasi tayo mamaya para malaman natin kung sino yung kamuka." Pangungulit ko sa kanya. Lalo naman siyang nag blush.
"Ewan ko sa'yo Alexander!" Naglakad na kami papunta sa exit ng mall. Naiimagine ko pag nagka baby na kmi ni Scarlette, mas masaya na kasi tatlo na kaming mamamasyal. May susunduin na kami sa school, may tutulungang gumawa ng assignment. Lalo naman akong na-excite.
Malapit na kami sa exit ng mall nang biglang nag vibrate yung phone ko, I turn it silent everytime na magkasama kami ni Scarlette ayoko kasi ng distorbo habang kasama ko siya. Kinuha ko sa bulsa ko yung phone para tingnan kung sino yung tumatawag.
Ysabelle calling... Ano nanaman bang gusto ni Ysa? why can't she just leave us alone.
"Scarlette, punta lang ako ng restroom. Just wait for me here mabilis lang ako." Paalam ko kay Scarlette. I want to end this once and for all. Nakakita ako ng rest room malapit sa exit, mabilis akong pumasok at sinagot yung phone ko.
"What do you want? Nasa ospital ka nanaman ba at nagsuicide or what? You tell me quickly, I don't want to waste my time on you," sabi ko kay Ysa.
"No Alex, don't worry. I'm ok. Kamusta ka na?"
"I'm happy, sana wag mo na kaming guguluhin."
"No Alex, I will not do that. I just want to fix everything between us para magkaroon na din tayo ng closure." Explain ni Ysa.
"Then? What do you want me to do?" Tanong ko in a cold manner. Ayokong isipin ni Ysa na interested pa ako na makipag communicate sa kanya.
"Birthday ni mommy mamaya, gusto ka sana niyang imbitahan." Napaisip ako. Oo nga birthday ng mommy ni Ysa ngayon, nahihiya naman ako kay tita Linda kung tatanggihan ko siya. She's been good to me. In fact, she's a good mother. Si Ysa lang 'tong pasaway.
"Ok tell her that I will come. But remember Ysa, I'm coming for her and not for you." Sinabi ko sabay baba sa phone ko tapos lumabas na'ko ng restroom.
"What took you so long?" Tanong sa'kin ni Scarlette nung sinubong niya ako.
"Ah ang dami kasing nasa loob ng rest room eh." Ayokong sabihin sa kanya yung totoong dahilan, tama na yung ako nalang ang mag-ayos ng sa'min ni Ysabelle. Labas na si Scarlette doon.
BINABASA MO ANG
Until You're Next to Me
RomanceAdmit it! You once had a perfect fairy tale. You fell in love, and that's the most wonderful feeling that you ever had knowing that he/she feels the same way. Stars are aligned. Everything was perfect and you only know forever. You found your differ...