Chapter 1

70 6 1
                                    

"Sam tara na umuwi na tayo. Anong oras na oh? Papagalitan na tayo"

"Pwede mo naman akong iwan dito. Ayos lang ako. Wala namang mangyayaring masama sakin e. Okay lang ako. Umalis kana."

Iritang irita na sakin si Kai dahil kanina niya pa ako pinipilit na umuwi. Sa ayaw ko ngang umuwi. Pwede naman mauna na siya sakin e.

"Summer hindi nako natutuwa sa ugali mong ganiyan! Kelan ka ba magbabago?"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Bahala ka na sa buhay mo Summer. Ayoko nang mapagalitan nanaman ng dahil lang sayo. Hindi ko na alam kung bakit ba kita pinagtitiisan hindi naman kita tunay na kadugo. Sana mawala ka na lang sa buhay namin."

Unti unting nawawasak yung puso ko habang sinasambit niya ang mga salitang yan.

"Aalis nako Summer. Bahala ka na sa buhay mo."

Bawat hakbang niya palayo sunod sunod na tumulo ang mga luha ko. Bawat hakbang niya papalayo naaalala ko lahat ng pinagsamahan namin. Lahat ng memories.

Pero unti unti nanamang nabubuo sa utak ko ang tanong na "Lahat ba ng pinakita niya sakin puro kasinungaligan? O katulad lamang siya ng iba na pinagkait sakin ang katotohanan?

Hindi ko na alam kung saan na ako pupunta ngayon. Gabi na rin at wala na masyadong mga tao sa paligid.

Masyado nang masakit ang mga paa ko. Dahil kanina pa ako naglalakad. Hindi ko na rin alam kung saan na ako napadpad.

Bagsak ang balikat ko habang naglalakad patuloy pa rin sa pagtulo ang aking mga luha.

Tumitig ako sa mga ilaw ng mga sasakyan. Gusto ko nalang matapos lahat ng ito.

Naghintay ako ng ilang segundo. Naghintay ng sasakyan na dadaan. Unti unti kong hinakbang ang mga paa ko. Para bang bumagal ang takbo ng mundo ko.

At unti unting bumagsak ang katawan ko sa malamig na kalsada.

"Miss! Gising!"

Unti unti kong dinilat ang mga mata ko. Masakit ang ulo ko at pakiramdam ko ay lumulutang ako. Nasa langit na ba ako?

"Miss okay kana ba? Teka tatawag ako ng Doctor."

Doctor? Anong nangyari? Bakit nga ba ako nandito?

Hinawakan ko ang ulo ko at nakapa ko na may telang nakabalot dito. Anong nangyari sa akin? Sino ang babaeng yon? Sino yung tumawag ng Doctor?

Gusto ko sanang tumayo mula sa pagkakahiga pero biglang may pumasok sa pinto na nakasuot ng puti. Eto siguro yung doctor.

"Kamusta ka hija? Wag ka muna masyadong gumalaw. Humiga kalang."

Sinunod ko naman siya at tinanong niya ako.

"Alam mo ba ang pangalan mo?"

Napaisip naman ako kaagad. Pangalan? Anong pangalan ko? Napakaunot naman ang noo ko dahil kahit anong pagiisip ko ay hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa doctor.

"E kung ilang taon kana? At kung saan ka nakatira?"

Katulad kanina ay napaisip nanaman ako. Pero kahit anong pilit ko ay wala talaga akong maalala.

Tumingin naman ang doctor sa babaeng tumawag sa kaniya kanina at sinenyasan niya ito na siguro ay lumabas muna sila.

Masyadong sumasakit ang ulo ko. Hindi ko na alam kung anong nangyayari. Kaya naman ay pinikit ko ang mga mata ko at hindi ko namalayan ay nakatulog ako.

"David may amnesia siya."

"Alam ko narinig kong sabi ng doctor kanina. Pero paano yan? Hindi natin macontact ang pamilya niya. Anong gagawin natin?"

"Can we just keep her David? Alagaan natin siya. Please."

"Shane alam mong hindi pwede yang gusto mo. May pamilya siya at ang dapat nating gawin ay ibalik siya sa tunay niyang pamilya. Kailangan natin mahanap ang pamilya niya."

"Kahit sandali lang David. Kahit konting panahon lang. Para lang maranasan ko ang mag-alaga ng anak."

"Hindi mo siya anak Shane. Matagal nang wala ang mga anak natin."

Naalimpungatan ako dahil sa naririnig kong nagtatalo. Hindi ko marinig ng mabuti ang pinaguusapan nila. Dahil masyado iyong mahina. Sino si Shane? Sino si David? Anak? Sila ba ang mga magulang ko?

"Okay kana ba? May masakit ba sayo?" Puno ng pagaalalang tanong ng babae sa akin.

"Ayos lang ho ako."

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Bakit pakiramdam ko ay nakita ko na siya noon. Pero hindi ko lang maalala.

Amnesia? May amnesia ako? Siguro nga dahil doon kaya hindi ko siya maalala kahit pakiramdam ko ay nakita ko na siya noon.

"Ahhh. Pwede ho ba akong magtanong?"

"Oo naman. Ano yon?"

"Gaano na po ako katagal dito?"

Napaisip naman siya sa tanong ko. "Mag dadalawang buwan ka na dito."

"Dalawang buwan?" gulat kong tanong sa kaniya. "Ano po bang nangyari sakin bakit po ako nandito?"

Ngumiti siya sa akin ng matipid.

"Nakita ka nalang namin sa kalsada nakahandusay at walang malay. Tinakasanan ka ng taong nakabangga sa iyo. Buti nalang at nakita ka namin kaagad at dinala ka namin rito sa ospital."

"Kayo ho ba ang magulang ko?"

Nagulat ata siya sa tanong ko.

"Shane kailangan tayo makausap ng doctor."

Hindi niya nasagot ang tanong ko dahil tinawag siya ng lalaking pumasok sa pintuan.

"Baka hindi sila ang mga magulang ko?"

Stolen MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon