Chapter 8

12 2 6
                                    

Hindi ako nakatulog sa kakaisip. Kaya nang sinilip ko ang bintana ay hindi na ako nagulat nang makita ko ang araw.

"Anak kain na tayo ng breakfast."

"Susunod na ho ako."

Bumaba ako sa hagdan at nakita ko si mommy at papa na naguusap sa may dining area.

Binati ko sila at binigyan ng halik sa pisngi.

Dahan dahan akong umupo sa bakanteng upuan at sinimulang kumain.

"Summer are you okay, anak? You look so pale."

"I'm fine papa. Medyo naiistress lang ho ako sa mga damit na idedesign ko." pagsisinungaling ko.

"Anak magpahinga ka muna. Huwag mo munang isipin iyang trabaho mo. Gusto mo bang ako nalang muna ang gumawa ng mga designs?" tanong sa akin ni mommy.

"Hindi na ho mommy. Okay lang po ako. Kaya ko po yon."

Pagtapos kumain ay pumasok sa work sila mommy. Sabi ko sa kanila ay baka bukas babalik na ako ng Zambales.

Para malaman kung sino ba talaga ako. Pero syempre hindi iyan ang sinabi ko sa kanila.

Ang sabi ko sa kanila ay babalik ako ng Zambales para sa trabaho ko.

Buong araw ay nagiisip lang ako ng pwede kong gawin para sa plano ko.

Kinabukasan ay maaga akong umalis ng bahay para bumalik ng Zambales. Hapon na ng makarating ako.

Dumiretso agad ako sa boutique at hinanap si Katie.

"Oh Sam? Akala ko ba magpapahinga ka muna?"

"Kailangan ko magtrabaho." seryoso kong sabi sa kaniya.

Nahalata naman ni Katie ang pagiging seryoso ko kaya hindi niya na ako kinausap ulit.

Hinanap ko ang contact number ng client ko na iyon at tinawagan iyon.

Pero laking gulat ko na lang nang makita kong ang number na iyon ay kapareho ng number na tumawag sakin noon.

Hello Summer? Buti naman napatawag ka.

Marinig ko palang ang boses niya ay nanginginig na ako. Paano pa kaya kung makita ko siya at makausap ng malapitan.

Pero inalis ko ang takot na nararamdaman ko. Kailangan ko harapin ito.

Hello pwede ba tayong magkita bukas?

Sure summer. Matagal ko nang gusto makipagkita sa iyo.

Binaba ko kaagad ang tawag at tinext sa kaniya kung saan kami magkikita bukas at kung anong oras.

Pagkauwi ko sa bahay ay hindi ako mapakali. Kinakabahan ako.

Natulog ako ng maaga.

Pagkagising ko ay naligo kaagad ako. Mamayang dinner pa naman ang usapan naming pagkikita pero kakaiba yung kabang nararamdaman ko ngayon.

Pumasok ako sa boutique at binati ko si Katie.

"Ayos na ba mood mo? Pwede ka nang kausapin?" sarcastic na tanong sa akin ni Katie.

"About yesterday, I'm sorry. I was just tired. Ano ba iyong sasabihin mo?"

"About sa Summer Collection. Naapprove na siya at idedeliver na daw siya next month. Inform lang kita about it."

Tumango na lang ako kay Katie at pumasok na sa opisina ko.

Mabilis na lumipas ang oras at nagpaalam na ako kay Katie na aalis na at siya na ang bahala sa shop.

Stolen MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon