Chapter 14

5 1 1
                                    

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatali at nakaupo rito sa sahig. Nangangalay na ang mga paa ko.

Sobrang sakit ng katawan ko at ng ulo ko. Ano bang kailangan nila sa akin.

"Hoy!" sigaw ko sa isang tauhan na nagbabantay sa akin ngayon. Magisa lang niya dito sa loob at may dalawa atang nakabantay doon sa labas ng pinto.

Napatingin naman siya kaagad sa akin at lumapit sa akin habang hawak pa ang bote ng red horse niya.

"Anong kailangan mo?" tanong niya sa akin.

"Pwede mo bang ayusin ang pagkakatali ng kamay at paa ko? Namamanhid na ang sugat ko e." sabi ko na may konting pagmamakaawa.

Napangiti naman ako ng kaunti nang ilapag niya sa tabi niya ang bote na hawak niya at una niyang tinanggal ang tali ng kamay ko at ibinaba iyon ng konti kaya nasa likod ko na ito at hindi na nakataas ang mga kamay ko.

Sunod niya namang tinanggal ang tali sa paa ko.

Ininda ko ang sakit ng paa ko at sinipa siya sa mukha gamit ang buong lakas ko. Natumba naman siya at tumama ang ulo niya sa maliit na table na nasa gilid ko dahilan ng pagkawala niya ng malay.

Pinilit kong abutin ang bote na binitawan niya kanina gamit ang mga paa ko para mailapit ko iyon sa mga kama ko. Nang magtagumpay ako sa pagkuha ng bote ay hinampas ko iyon sa poste kung saan nakatali ang mga kamay ko.

Gumawa ito ng malakas na ingay at biglang pumasok ang dalawang nakabantay sa pinto. Agad akong kumuha ng basag na piraso ng bote at agad ko iyong itinago.

"Anong nangyari dito?" tanong ng isang bantay.

Nagisip naman ako kaagad ng ipapalusot ko.

"Hindi ko alam bigla nalang siyang natumba at nabasag ang boteng hawak niya tapos tumama ang ulo niya. Lasing na ata." pagpapalusot ko.

Nagpasalamat naman akong naniwala sila sa akin at mas nagpasalamat ako nang hindi nila napansin na nakatanggal na ang tali sa paa ko.

Agad nilang binuhat ang kasamahan nila at inilabas iyon.

Hindi na ako nagsayang ng oras at pinilit kong putulin ang tali sa mga kamay ko gamit ang piraso ng basag na bote na tinago ko.

Nagtagumpay naman ako sa pagtatanggal ng tali at agad akong tumayo para makatakas.

Mayroong bintana doon na pwede kong daanan para tumakas.

Pumatong ako sa upuan at nakita kong medyo may kataasan iyon. Nasa ikalawang palapag pala ako.

Bahala na sabi ko sa sarili ko at bumagsak ako sa lupa.

Ininda ko ang sakit ng katawan ko at tumayo kaagad. Lakad takbo na ang ginawa ko para makalayo ng konti sa gusaling iyon.

Agad kong kinuha ang cellphone kong nakatago sa loob ng jacket ko at dinial si mommy.

Shit walang signal.

Inis akong napatingin sa battery percent ng cellphone ko at nang makita kong 1% nalang iyon ay mas lalo akong nainis.

"Tanginang buhay naman 'to saan ako pupunta?"

Palubog na ang araw at masyadong liblib ang lugar na ito dahil puro puno at damo na lang ang nakikita ko maliban sa gusaling pinagkulungan sa akin kanina.

Naglakad lang ako ng naglakad at nagkaroon naman ako ng maliit na pagasa nang may nakita akong kalsada.

Kahit pagod na ay pinilit kong makapunta sa may kalsada at humingi ng tulong.

May paparating na kotse. Pinara ko ang kotse at tumigil naman ito.

Nang lumabas ang driver ay nawalan ako ng pagasa nang makitang si Kai iyon.

"Saan ka sa tingin mo pupunta?"

"Ano bang kailangan mo sakin Kai?" naiiyak na tanong ko sa kaniya.

"Kung ano man ang kasalanan ko sa iyo pagusapan natin 'yon. Parang awa mo na."

"Tumahimik ka!" sigaw niya sakin sabay tutok ng baril sa akin.

Tangina!

"Pumasok ka sa loob." Utos niya sa akin.

Nang hindi ako gumalaw ay narinig kong kinasa niya ang baril.

Napatingin ako sa kaniya.

Kaya ko naman siguro siyang patumbahin. Sabi ko sa isip ko.

Sinundan niya ako papasok sa kotse niya habang nakatutok pa rin ang baril sa likod ng ulo ko.

"Bilisan mo kung hindi ay papasabugin ko ngayon na ang ulo mo." galit na sabi niya sa akin.

Fuck! Kailangan ko magisip ng gagawin.

Nang makasakay ako sa kotse niya ay hindi na ako nagsayang ng oras at nilock yon. Lumipat ako kaagad sa driver's seat at mabilis na minaneho iyon.

Pero bigla akong may narinig na putok ng baril. Sunod sunod iyon.

Nawalan na ako ng kontrol sa kotse dahil natamaan ata ang gulong nito kaya naman ay bumangga ako sa isang malaking puno.

"Katapusan ko naba 'to?" natatawang sabi ko sa sarili.

"Hindi ko pa nga naaalala ang pagkatao ko mamamatay na ako."

Lumabas ako sa kotse at ininda lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Kailangan kong makatakas.

Iyan lang ang nasa isip ko.

Naglakad ako ulit at nabuhayan ang loob ko ng may makitang paparating na sasakyan.

Pinara ko iyon. Ngunit nawala lahat ng pagasa ko nang makita kong si Philip iyon.

Tinutukan niya rin ako ng baril at hinila pasakay sa kotse niya.

Ibinalik niya ako sa lugar kung nasaan ako kanina.

Putangina naman back to zero nanaman.

Itinali ako ng mga tauhan ni Kai at Philip sa isang upuan.

Wala na akong lakas. Nanghihina na ang buong katawan ko.

Nakaramdam ako ng malakas na sampal sa pisngi ko. Napapikit nalang ako sa sobrang sakit non.

"Subukan mo pang tumakas, Summer. Papatayin ko ang mga magulang mo." nagulat ako nang banggitin niya ang mga magulang ko.

"Huwag mo silang gagalawin. Wala silang kinalaman dito." galit na sabi ko sa kaniya kahit na parang wala na akong boses na mailabas.

May kinuha siya sa bulsa niya at isa iyong cellphone.

Hello ma'am Shane?

Yes hello? Who is this?

Shit si mommy iyon. Bakit kanina ay hindi nila sinasagot ang tawag ko.

"Mommy!" sigaw ko naman

"Summer? Anak?" rinig kong sabi ni mommy sa cellphone pero agad iyon pinatay ni Kai at hinila ako sa buhok.

"Huwag kang magsasalita hanggat hindi ko sinasabi naiintindihan mo?"

Tinawagan ulit ni Kai ang mommy ko. Pero sa pagkakataong 'to ay may baril nang nakatutok sa akin.

Hindi ako pwedeng gumawa ng ikapapahamak ko.

Paano nila to nakakayang gawin sa akin?

Stolen MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon