Chapter 3

51 4 6
                                    


Kinabukasan ay maaga akong nagising. Magluluto sana ako ng breakfast pero nakita kong walang laman ang ref pati na rin ang mga cabinet.

"Wala nga palang mga pagkain dito. Dapat naggrocery ako bago pumunta dito."

Naligo na lang ako para makalabas ako at mabisita ang boutique namin dito.

Sumakay ako sa kotse at pinaharurot yon papuntang boutique.

"Good morning ma—."

Gulat na napatingin sa akin si Katie. Siya raw ang childhood friend ko sabi sa akin nila mommy.

"Saaaaaaam!" Sigaw niya at tumakbo papalapit sa akin para yakapin ako.

Niyakap ko rin siya pabalik. Grabe namiss ko tong babaeng to. Ilang buwan rin kaming hindi nagkita dahil naging busy ako sa school dahil nga graduating ako.

Pero ngayon ay kasama ko na ulit siya.

"Bakit hindi mo ako sinabihan na pupunta ka dito?"

"Edi hindi na surprise kung sinabi ko sayo." Natawa naman kaming dalawa sa sinabi ko.

"Busy ba masyado dito? Marami bang customers?" tanong ko kay Katie.

"Depende kasi e. Minsan madami minsan konti. Pero minsan ay wala pag close ang shop."

Humagalpak kami sa kakatawa dahil sa joke niya. Ewan ko ba ang babaw ng kaligayahan naming dalawa.

"Anong oras ka matatapos?"

"Actually hindi ko duty ngayon. Hinihintay ko lang yung nakaduty ngayon kasi sabi niya ay medyo malelate siya."

Saktong pagkasabi niya non ay may pumasok na lalaki sa pintuan.

Parang familiar siya sa akin. Pero hindi ko maalala.

"Oh andito na pala siya."

"Sorry Katie. Late ako. Ang dami ko kasing inasikaso. Bawi ako sayo."

"Nako okay lang yon Phil. Siya nga pala. Ito si Ma'am Summer. Siya na ang may ari ng boutique na ito. Anak siya nila ma'am Shane. Sam si Philip pero pwede namang Phil nalang." pagpapakilala sa amin ni Katie.

Gulat naman siyang napatingin sa akin. Pero mabilis iyon napalitan ng pagiging seryoso.

"Nice to meet you po ma'am." Saka niya inabot ang mga kamay niya sakin para makipagshake hands. At ngumiti siya ng bahagya.

Yung ngiti niya. Nakita ko na yon noon. Pero hindi ko pa rin maalala.

Tinanggap ko ang kamay niya. At ngumiti sa kaniya pabalik. Ngunit mabilis niya ring binawi ang kamay niya.

"Magttrabaho na po ako ma'am." Seryoso niyang sabi saka kami tinalikuran ni Katie.

"Nako Sam. Ganon talaga iyon. Medyo weird. Hahaha. Ano saan lakad mo ngayon?"

"Balak ko sanang maggrocery e. Pwede mo ba akong samahan?"

"Oo naman syempre. Malakas ka sakin e."

Hinila naman ako palabas ni Katie.

"Bago tong sasakyan mo ah."

"Bagong linis." sabi ko at nagtawanan nanaman kami.

Mabilis naman akong nagdrive papuntang grocery store.

"So hanggang kelan ka rito Summer?"

"Depende pa e. Pero baka matagal rin ako magstay dito."

Mabilis kaming natapos maggrocery ni Katie.

"Alam mo ba Katie. Kahapon may babaeng lumapit sa akin. Sabi niya sakin na kapatid ko raw siya. E ako lang naman anak nila mommy diba? Unless.... di nila sinasabi sakin yon." pagbibiro ko

"Ano kaba naman? Sa tagal nating magkaibigan wala pa akong nakikitang kapatid mo."

I just shrugged my shoulders at lumabas na sa grocery.

Niyaya ko naman si Katie na magstay na lang muna sa bahay at syempre pumayag siya.

Mabilis na lumipas ang oras at kailangan nang umuwi ni Katie.

Grabe nakakamiss yung mga daldalan namin. Gusto ko pa sanang ihatid si Katie. Pero hindi na siya pumayag dahil raw gabi na rin at may dadaanan pa siya.

Hindi ko na siya pinilit dahil baka magaway kami.

Niligpit ko ang mga pinagkainan namin ni Katie at hinugasan iyon.

Bukas ay magsstay ako sa boutique dahil kailangan ko din gumawa ng mga panibagong designs ng mga damit para sa Summer Collection namin.

Kinabukasan ay maaga nanaman akong gumising. Naligo at kumain ng breakfast.

10:00 pa magbubukas ang boutique pero dahil maaga ako. Ako na lang ang magbubukas non. 1 hour early lang naman.

Naks early bird.

Pagkapasok ko sa shop ay dumiretso ako sa office ko. At sinimulan ang mga dapat kong gawin.

After ilang minutes ay may pumasok sa pinto ng shop. Baka empleyado yon kaya lumabas ako sa office ko.

Gulat na napatingin sa akin yung lalaking pinakilala sakin ni Katie kahapon.

"Good morning po ma'am." seryosong bati niya sa akin.

Nginitian ko lang siya at papasok na sana ako sa office ko nang bigla siyang magsalita.

"Dale" nagulat ako sa tinawag niya sakin. Yun ang second name ko.

Agad ko siyang nilingon at nagtatakang tumingin sa kaniya.

Lumapit siya sa akin. Habang tinititigan niya ako parang bumibilis ang tibok ng puso ko. Para bang kinukuha niya ang kaluluwa ko sa mga tingin niya.

"Ahhh. Ayos ka lang?" tanong ko sa kaniya. Dahil hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin.

"Hindi mo ba ako naaalala?" puno ng emosyon ang mga mata niya.

Hindi ko alam kung lungkot o galit iyon.

"Anong ibig mong sabihin?"

"GOOD MORNING EVERYONE!"

Sabay kaming napatingin kay Katie na kadarating lang.

"Oh anong nangyari? Bakit parang nakakita kayo ng multo?"

Hindi ko nalang sinagot si Katie dahil sumasakit ang ulo ko.

Ang weird ng mga tao sa paligid ko. Ganon ba talaga kadami ang nakalimutan ko simula noong maaksidente ako?

Hindi ako makapagfocus sa ginagawa ko. Dahil gumugulo pa rin sa isip ko yung babae noong isang araw. Pati na rin si Philip.

Ano bang dapat kong malaman? Ano bang dapat kong maalala?

Stolen MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon