Chapter 2

54 4 4
                                    


Four years. Four years na ang lumipas mula nang makalabas ako sa ospital. At ngayon ay graduate na ako sa kurso ko para maging Fashion Designer.

Sobra akong nagpapasalamat sa mga magulang ko dahil sa loob ng apat na taon ay hindi nila ako pinabayaan.

Kahit na nakalimutan ko sila.

Hindi nila ako pinilit alalahanin yung mga alaalang nakalimutan ko sa aksidenteng nangyari sakin.

I was just 17 years old that time.

"Summer anak! Halika dito magpicture tayo."

Napakaganda ng ngiti ng mommy ko. Makita ko lang siyang masaya sobrang saya ko na rin. Lalo na ngayon na nakapagtapos ako ng kursong gusto nila para sa akin.

Lumapit ako sa kanila ni Papa para kumuha ng litrato. Niyakap nila ako ng mahigpit. Ang saya saya ng pakiramdam na buo kayo ng pamilya mo. Para bang walang problema.

"Anak may regalo kami sa iyo ng mommy mo." Excited na sabi sa akin ni papa.

Nagtaka naman ako dahil hindi naman ako mahilig sa mga regalo at alam nila iyon. Pero thankful pa rin ako sa kanila dahil binibigay nila ang lahat sakin.

"Oh my gosh! Totoo po ba ito?" Sobra ang excitement na nararamdaman ko.

Niregalo sa akin nila mommy ang isang branch ng boutique namin sa Zambales.

Isa ring fashion designer ang mommy ko at si papa naman ay isang engineer.

Niyakap ko sila ng mahigpit. Ang swerte ko sa pamilya ko. Sana hindi ako nananaginip.

"Ano anak? Kelan mo balak bisitahin yung boutique mo?" Tanong sakin ni papa habang inaalalayan niya kami ni mommy na makasakay sa kotse.

"Siguro po after 2 weeks papa. Saan nga ho pala ako titira doon. Gusto ko po kasi magstay doon ng medyo matagal para naman po mabantayan ko ng maigi."

"Nandoon ang vacation house namin ng mommy mo. Pwede ka doon magstay."

Sobrang saya ko. Sa apat na taon na nakasama ko sila. Walang araw na hindi nila pinaramdam sa akin yung pagmamahal ng isang magulang.

Siguro ako na ang pinaka maswerteng anak sa buong earth.

Mabilis lumipas ang mga araw. Ngayong araw ay uuwi akong zambales para mabisita at mabantayan ko ang boutique na regalo sakin ni mommy at papa.

"Ma! Pa! Aalis na ho ako. Wag niyo po ako masyadong mamiss ha."

Natawa naman ang mommy ko sa sinabi ko dahil lagi niya akong namimiss.

Mayroon pa nga noong nagretreat kami nung 1st year college ako. Dalawang araw lang iyon pero iyak ng iyak si mommy dahil namimiss niya raw ako.

Natawa ako ng bahagya sa ala-alang iyon.

"Sige anak. Magiingat ka sa pagddrive ha."

Humalik ako sa pisngi ni mommy at papa. At niyakap din sila.

Agad akong sumakay sa sasakyan ko at minaneho iyon papuntang Zambales.

Medyo malayo pa ako sa destinasyon ko at medyo nagugutom naman ako. Kaya naman napagdesisyunan kong kumain muna sa madadaaanan kong restaurant.

"Good morning ma'am. May I take your order?"

"Isa nga pong Spaghetti at isang burger. Yung drinks po pineapple juice na lang po pa upgrade to large po."

Stolen MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon