Chapter 9

15 2 2
                                    

Nang magangat ako ng tingin tama nga ang hinala ko. Si Philip iyon.

"Phil?"

"Sumama ka sa 'kin." pagkasabi niya non ay hinila niya ako patayo at dinala sa dagat.

"Anong ginagawa natin dito?"

"Wala ka ba talagang maalala, Summer? nakatingin siya ngayon sa mga mata ko.

Napayuko ako sa tanong niya.

"I'm sorry. Naaksidente kasi ako at nagkaroon ako ng amnesia."

"Pero bakit sabi ni Kai patay kana? Sino yung nilibing namin noon? Paano nangyari 'yon?"

Halata sa mukha niya na naguguluhan din siya sa mga nangyayari. Pati ako ay gulong gulo na rin. 

"Galit sa akin si Kai. Kanina ay nakausap ko siya. Kanina lang rin nang bumalik ang ilan sa mga alaala ko." naiiyak kong sabi sa kaniya.

"Naaalala mo na ba ako?" bakas sa mga mata niya ang pagbabakasakali na naaalala ko na siya.

Tumango naman ako at nagulat ako sa biglang pagyakap niya sa akin.

Pero agad ko ring tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin dahil naalala ko ang sinabi sakin ni Kai na inagaw ko sa kaniya si Phil.

"Anong ibig sabihin ni Kai nung sinabi niyang inagaw kita sa kaniya?" nagtatakang tanong ko.

Inaya niya akong maupo at nagsimula siyang magkwento.

"Noong bata pa lang tayo magbest friend na tayong tatlo ng ate mo. Yung ate mo ay may gusto sa akin. Pero ikaw ang gusto ko." bumuntong hininga muna siya bago magtuloy sa pagkukwento.

Iyong picture sa facebook niya. Baka kaya kami magkasama dahil childhood friends kami.

"Nalaman iyon ng ate mo at sobra ang galit niya sa akin pati na rin sa iyo. Sabi niya ay nagsinungaling tayo sa kaniya."

"Noong araw na nagaway kayo at huling kita niya sa iyo pumunta siya sa bahay namin. Sabi niya sa akin na siya na lang ang mahalin ko. Gulong gulo ako non. Tinanong ko siya kung anong ibig niyang sabihin. Sinabi niya sa akin na wala kang nararamdaman para sa akin. Pero sabi ko sa kaniya ay wala akong pakialam dahil ikaw talaga ang gusto ko."

"Nalaman ko noong araw rin na iyon na nalaman mo na hindi kayo tunay na magkapatid. Hinanap kita, Summer. Pero hindi kita naabutan."

"Nalaman na lang namin kay Kai na wala ka na. Hindi ko rin alam kung paano siya nakahanap ng ibang tao na ililibing."

"Paniwalang paniwala kami kay Kai na wala ka na. Ang mama niyo ay masyadong naapektuhan sa pagkawala mo kaya tinapos niya ang sarili niyang buhay. Ang papa mo naman nastroke at netong kelan lang ay binawian na siya ng buhay." Pagpapatuloy niya pa.

"Apat na taon, Summer. Apat na taon kang nasa isip at puso ko. Magpapakasal na dapat kami ng ate mo dahil buntis siya. Pero umatras ako sa kasal dahil nakita kita ulit."

Nagulat naman ako sa sinabi ni Philip. Buntis si Kai? Siya ba ang ama?

"Ituloy mo ang kasal niyo ng ate ko, Philip. Kailangan mong panindigan ang bata sa sinapupunan niya."

"Hindi ako ang ama ng dinadala niya, Summer. Kahit siya ay hindi niya rin alam kung sino. Walang nangyari sa amin ng ate mo. Sigurado ako doon. Kaya lang ako pumayag na magpakasal sa kaniya dahil sinasabi niyang magpapakamatay siya."

Nalilito ako. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kaniya. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi niya.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya. Gusto ko nang umuwi at magpahinga.

Hindi na kaya ng utak ko ang mga nalalaman ko ngayon. Kailangan kong umuwi sa Manila.

Kailangan kong kausapin sila mommy tungkol sa pagkatao ko.

"Ihahatid na kita." alok sa akin ni Philip.

Hinayaan ko na lang siyang ihatid ako pauwi. Pagkapasok ko sa bahay ay hindi ko na kayang umakyat pa sa taas para matulog sa kwarto ko. Kaya binagsak ko na lang ang katawan ko sa sofa at doon na nakatulog.

Stolen MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon