Chapter 13

4 2 6
                                    

Nagising ako nang masakit ang ulo ko. Pinakiramdaman ko ang paligid ko. May mga taong naglalakad sa paligid ko. Ngunit hindi ko sila kilala.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Igagalaw ko sana ang mga paa ko nang maramdaman kong masakit iyon at nakatali. Ganon rin naman ang mga kamay ko na nakataas at nakatali sa iang poste.

Nang mapansin ng isang lalaki na gising na ako ay nilapitan niya ako.

"Gising ka na pala." sabi niya nang may ngisi sa labi niya.

Ang baho ng hininga niya amoy sigarilyo na may halong alak. Nakakasuka.

"Alisin mo ang tali ko." sabi ko

Pero tinawanan niya lang ako at tinalikuran.

Naramdaman kong may nagvavibrate sa loob ng jacket na suot ko. Kung tama ang pagkakaalala ko ay yung cellphone ko iyon dahil doon ko madalas tinatago ang cellphone ko.

Hindi ko naman masagot dahil nakatali ang mga kamay ko.

Sino bang may pakana nito.

"Hi dear sister." hindi pa man ako nakakalingon ay alam ko na kung kaninong boses iyon.

"Tangina mo Kai!" galit kong sigaw sa kaniya.

"Oh my God nakakatakot ka naman." sabi niya sa akin na kunwari ay takot at bigla siyang tumawa.

Baliw na tong babaeng to.

"Pakawalan mo ako dito." sabi ko sa kaniya.

"Osige. Pero sa isang kondisyon" hindi niya tinuloy ang sasabihin niya nang may pumasok sa may pinto.

Sabihin niyo sa aking panaginip lang lahat ng ito.

"Oh hi. Andito kana pala." bati sa kaniya ni Kai at hinalikan niya sa pisngi ang bagong dating.

"Sorry. May inasikaso lang." Sabi niya.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.

Si Philip at Kai.

Magkasabwat sila? Pero bakit?

Totoo ba lahat ng sinabi sa akin noon ni Philip? Yung kasal nila na inatrasan niya dahil sa akin.

Diba buntis si Kai? Naguguluhan ako.

Naiiyak ako sa mga nangyayari.

"Philip." tawag ko sa kaniya nang umalis saglit si Kai at ang iba nilang tauhan.

Tanging kaming dalawa lang ang naiwan na dalawa rito.

Malamig ang mga tingin niya sa akin hindi tulad ng una kaming nagkita. Hindi na maamo ang mga mata niya ngayon.

Anong nangyari?

"Anong nangyayari Philip?" naiiyak kong tanong sa kaniya.

Hindi niya ako sinagot sa halip ay lumapit lang siya sa akin at inalis ang mga buhok kong nagkalat sa mukha ko at tinago iyon sa likod ng tenga ko.

Pagtapos non ay tinalikuran niya na lang ako at lumabas sa pinto.

"TANGINA!" sigaw ko dahil sa frustration na nararamdaman ko.

Maya maya pa ay bumalik si Philip na may dalang parang first aid kit ata.

Dahan dahan siyang umupo at ginamot ang sugat ko sa paa na kanina pa pala dumudugo.

Nang matapos niya 'yon gamutin ay tumayo na siya at tinignan ako sa mga mata ko.

Hindi ko mabasa ang mga mata ni Philip masyadong puno ng emosyon. Naguguluhan ako.

Tinalikuran niya na ako ulit at naglakad palayo.

Bakit ba ang hilig niya akong talikuran. Palagi nalang. Tangina netong lalaking to. Sarap batukan.

Makatakas lang talaga ako rito sa pagkakatali ko papasabugin ko mga baga niyo.

Stolen MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon