Chapter 11

8 2 1
                                    

Habang kumakain kami ay namumuno ang katahimikan sa aming tatlo nila mommy.

Walang kumikibo. Para bang may tensiyon sa pagitan naming tatlo. Pero hindi ko iyon pinansin.

Tanging mga tunog lang ng kutsara at tinidor ang naririnig ko.

Napatingin ako kay papa nang bigla siyang tumikhim para kunin siguro ang atensiyon namin.

"Summer, napagdesisyunan namin ng mommy mo na lilipat tayo sa ibang bansa sa next month.  Naiayos na namin lahat ng dapat ayusin."

Nagulat naman ako sa sinabi ni papa. Sa ibang bansa? Bakit kailangan pa namin pumunta sa ibang bansa e ayos naman ang buhay namin dito.

"Bakit papa?" takang tanong ko.

Nagtinginan silang dalawa ni mommy. Bago ako sagutin ni papa.

"Doon na lang natin itutuloy ang business niyo ng mommy mo."

Hindi ko maintindihan sila papa. Maayos naman ang kinikita ng mga boutique namin dito sa pilipinas. Bakit kailangan pang umalis?

"Pero, papa. Ayoko pong umalis dito. Maiiwan na lang po ako."

"Final na iyon, Summer. Wala nang pero pero. Sinabi ko na, iyon ang mangyayari!" may pinalidad sa boses ni papa at natakot ako dahil kahit kailan ay hindi niya pa ako pinagtaasan ng boses. Ngayon lang.

Napayuko ako at pakiramdam ko ay naginit ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay naiiyak ako.

Tumayo nalang ako at nagkulong sa kwarto ko.

Naguguluhan ako sa kanila. Bakit sila nagdedesisyon ng hindi man lang muna ako tinatanong.

Hindi ko namalayan ay nakatulog ako. Pagkagising ko ay magaalas otso na ng gabi.

Wala akong ganang kumain kaya magkukulong na lang ako rito sa kwarto ko.

Nagring naman bigla ang cellphone ko na nasa may study table ko. Hindi ko iyon pinansin dahil tinatamad akong kumilos.

Ilang segundo lang rin ay natigil na ang pagring non. Pero matapos ulit ng ilang segundo ay nagring nanaman iyon.

Kaya naman ay tumayo na ako sa pagkakahiga at kinuha ang cellphone ko at sinagot iyon nang hindi man lang tinitignan kung sino ang tumatawag.

"Summer, pwede ba tayong magusap."

Hindi ako pwedeng magkamali. Si Liam ang kausap ko ngayon.

Binabaan ko siya ng tawag pero tumawag nanaman siya. Hindi ko iyon sinagot at nabasa ko ang text niya.

Liam:
Andito ako sa labas ng bahay niyo Summer. Usap tayo kahit saglit lang. Please.

Sumilip ako sa bintana ng kwarto ko at nakita kong andoon nga siya sa labas ng gate.

Kailangan ko siyang paalisin baka makita pa siya ni papa at baka kung ano pang mangyari.

Tinali ko muna ang buhok ko at lumabas ng bahay.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya.

"I just want to see you. I miss you." lalapitan niya sana ako pero pinigilan ko siya.

"Huwag na huwag kang lalapit sakin. Umalis ka na Liam."

"Summer, yung nangyari noon. Hindi ko sinasadya 'yon. I swear. Lasing ako non."

Natawa naman ako sa sinasabi niya.

"Lasing ka rin ngayon Liam. Kaya pwede ba ay umalis kana."

Akmang lalapit siya sakin pero sa isang iglap ay nakita ko nalang siyang nakahiga sa sahig at putok ang labi.

Nagulat ako nang makita ko si Philip na nandito.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko kay Philip.

Sino ka ba ha?" nakatayo na si Liam.

Akmang susuntukin rin siya ni Liam pero agad niyang nasalag iyon at tinapunan nanaman ng isa pang suntok si Liam.

Madilim ang paligid at hindi ko masyadong maaninag ang mukha ni Philip. Tanging ang lamppost lang ang nagbibigay ng liwanag at ang buwan sa langit.

"Fuck you. Pagbabayaran mo 'tong ginawa mo sakin." Banta sa kaniya ni Liam at tumalikod sa amin at pinaandar ang kotse niya palayo.

Nang lingunin ko si Philip ay naglalakad na siya papalayo sa akin.

"Philip teka lang." Hindi niya ako nilingon kaya hinabol ko siya.

Hinawakan ko ang braso niya kaya naman napatigil siya sa paglalakad.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito?"

"Pumasok ka na sa loob malamig baka magkasakit ka pa." iyon lamang ang sagot niya sa akin at kinalas ang pagkakahawak ko sa kaniya at tinalikuran ako.

Naiwan naman akong tulala habang nakatingin sa kaniya maglakad papalayo.

Ang layo ng sagot niya sa tanong ko.

Binalewala ko na lamang iyon at bumalik na ako sa bahay.

Pagkapasok ko sa sala ay nakita ko si mommy na nakaupo sa sofa.

"Saan ka galing?" seryosong tanong ni mommy.

"Diyan lang ho sa labas ma." sagot ko pero hindi na niya ako sinagot.

"Akyat na po ako. Good night po." hindi nanaman niya ako sinagot kaya naman ay umakyat nalang ako sa taas para makatulog na.

Nang tignan ko ang cellphone ko ay may text iyon. Galing kay Philip.

Philip:
Huwag kang lumalabas ng magisa. Masyadong delikado.

Napakunot ang noo ko sa text niya. Hindi ko nalang siya nireplyan at natulog nalang.

Kinabukasan nang magising ako ay naabutan ko sila mommy na nagbbreakfast na.

"Alis na ho ako." paalam ko sa kanila.

"Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni papa.

"Babalik po akong Zambales may aasikasuhim lang ho akong kliyente." pagpapalusot ko.

Pero ang totoong dahilan ng pagalis ko ay ang pagbisita ko sa puntod ni mama at paguusap namin ni Kai.

Stolen MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon