Chapter 4

60 6 3
                                    

Isang linggo na ang lumipas mula nung umuwi ako rito sa Zambales.

Wala naman nang masyadong weird na nangyari. Except kay Philip na lagi kong nahuhuling nakatingin sa akin. Para bang may gusto siyang sabihin at itanong.

Ngayong araw ay balak kong umuwi sa Manila para mabisita sila mommy pero sabi nila ay sila nalang ang pupunta rito para hindi na daw ako mapagod. At saka meron ding trabaho dito si papa.

"Mukhang malalim iniisip mo ah?"

Nagulat ako nang biglang magsalita si Katie.

"Si Philip."

"Ha ano? Iniisip mo si Philip? Wag mo sabihing nalove at first sight ka sa kaniya. Nako Summer sinasabi ko sa iyo kapag ikaw nasaktan nanaman ewan ko na lang talaga." tuloy tuloy na sabi niya. Kaya tinawanan ko na lang siya.

"Sira! Lagi ko kasi siyang nahuhuling nakatingin sa akin."

"Don't tell me may gusto sayo si Phil? Pero in fairness gwapo naman."

"Ano bang iniisip mo Katie. Akin na nga yang utak mo para marefresh natin ng konti." Inirapan ko siya at natawa naman siya sa ginawa ko sa kaniya.

Nagring bigla ang cellphone ko at nakita kong uknown number ito. Kaya nagtaka ako dahil private number ko ito at tanging pamilya at mga kaibigan ko lang ang nakakaalam nito.

Hello? Sino po ito?

.....

Hinintay kong sumagot yung nasa linya pero bigla niya akong pinatayan.

Weird...

Hindi ko nalang masyadong inisip yung taong tumawag dahil saktong dumating si mommy at papa.

"Summer! Namiss kita anak." nagmamadaling pumasok si mommy sa shop para yakapin ako.

Buti nalang wala masyadong customers ngayon.

Niyakap ko rin siya at humalik sa pisngi niya.

"Nasaan po si papa?" tanong ko kay mommy dahil napansin kong hindi niya kasama si papa.

"Dumiretso siya sa site na pagttrabahuhan niya anak. Sabi ko sa kaniya na idrop nalang ako rito para makita na kita"

"Hi ma'am Shane." bati sa kaniya ni Katie.

Napasimangot naman si mommy dahil ayaw niyang tinatawag siyang ma'am ni Katie.

"Katie naman e. Sabi ko tita nalang tawag mo sakin. Para namang hindi anak ang turing ko sa iyo." parang batang sabi ni mommy.

Natawa naman ako sa kanila ni Katie. Dahil mukha talaga silang mag-ina.

Si Katie kasi ay wala nang magulang dahil raw namatay sa isang aksidente.

Si mommy naman mahilig siya sa mga bata noon kaya lagi siyang bumibisita sa mga bahay ampunan at doon niya raw nakita si Katie. Pinagaral niya si Katie. Kumbaga sila ang tumayong parents ni Katie sa bahay ampunan.

Tatlong taon ang pagitan ng edad namin ni Katie pero sobrang magaan ang loob namin sa isa't isa.

Sabi nga ng ibang nakakakita sa amin ay para daw kaming kambal dahil malaki ang pagkakahawig namin.

Pero totoo naman iyon. Minsan nga ay naiisip namin ni Katie na baka magkapatid talaga kami.

Pero tinatawanan lang namin iyon dahil sabi niya imposible.

Sabi ko kay mommy ay tatapusin ko lang ang mga dapat kong gawin at lalabas kami para kumain syempre kasama si Katie.

Pagkatapos kong gawin ang mga dapat na gawin ay lumabas ako sa office ko. Nakita ko naman si mommy at Katie na naguusap. At parang seryoso ang usapan nila.

"Hanggang kelan po ba tita?" Seryosong tanong ni Katie kay mommy.

"Ano iyang pinaguusapan niyo ng wala ako?" tanong ko na kunwari ay nagtatampo.

"Ano kaba tinatanong ko lang si tita kung hanggang kelan ka nila balak ipagstay dito sa Zambales."

Tumawa nalang ako at inaya ko na silang lumabas.

Si mommy ang nagdrive ng kotse ko at nasa likod kami ni Katie. Si papa raw ay susunod nalang.

Hindi rin naman kalayuan ang restaurant na kakainan namin. Kaya mabilis kaming nakarating.

"Good evening ma'am. For how many po?" tanong ng isang empleyado sa amin.

"For four po." agad naman kaming ginuide ng waiter sa aming table.

Habang naghihintay kami sa order namin ay dumating din si Papa.

Nagsimula rin kaming magkwentuhan at kumain nang maalala ko yung babaeng kumausap sa akin na kapatid niya raw ako.

"Mommy alam niyo ba nung papunta ako rito may nameet akong isang babae. Sabi niya kapatid ko raw siya."

Medyo nasamid naman si mommy sa sinabi ko kaya inabutan ko siya kaagad ng tubig.

"Ha? Nako anak baka mga budol budol yan. Alam mo naman diba ang daming nauusong ganiyan."

Sa bagay may point naman si mommy. Totoo iyon na baka nga mga budol budol iyon. Yung mga papaniwalain ka pero may iba palang intensyon sa iyo. Nakakatakot.

Kaso paano niya nalaman ang pangalan ko? Weird.

Mabilis na lumipas ang gabi at pauwi na kami nila mommy.

Si Katie naunang umalis dahil raw may gagawin nanaman siya.

Laging may ginagawa si Katie. May boyfriend na siguro siya. Hmmm. Matanong ko nga bukas.

Nakarating na kami sa bahay at nagpaalam na ako kela mommy na didiretso na sa kwarto ko.

Nagshower ako at balak ko na sanang matulog nang biglang tumunog ang cellphone ko.

May text ata.

Binasa ko naman iyon at galing iyon sa isang unknown number.

Unknown Number:
Wala ka ba talagang naaalala?

Hindi ko na nireplyan dahil sayang lang iyon sa load HAHAHA. At baka nga ay prank lang iyon kaya dinelete ko na lang.

Binuksan ko na lang ang laptop ko at nagbrowse sa facebook. May mga nagadd friend sakin. Pero isang tao yung nakaagaw ng pansin ko

Philip James Chua.

Inaccept ko naman agad yon at pinindot ko ang profile niya.

Dumiretso ako sa photos pero tatlong larawan lang ang nandoon. Kaya balak ko na sanang patayin ang laptop ko nang may napansin akong isang litrato.

Ako iyon. Kasama si Philip?

Hindi ako pwedeng magkamali. Ako 'yon noong bata ako.

"Kaya ba tinanong niya sa akin noon kung hindi ko ba ba siya naalala?"

Sumakit bigla ang ulo ko. Para iyong mabibiyak anytime.

Pinatay ko ang laptop ko at sinubukan kong matulog.

Pero hindi mabura sa isip ko ang litratong iyon. Dalawa kami ni Philip. Magmatabi malaki ang mga ngiti. Para bang sobrang saya namin.

Sino ba talaga ako?

Stolen MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon