Chapter 5

38 2 1
                                    

Ilang araw ang lumipas pagkatapos kong makita ang litrato namin ni Philip sa facebook niya.

Araw araw ko iyong iniisip. Gusto ko sana siyang tanungin tungkol doon.

Pero sa mga sumunod na araw ay hindi na siya pumapasok. Kaya ngayon ay tatanungin ko si Katie baka alam niya.

"Katie bakit hindi na nga pala pumapasok si  Philip?" tanong ko sa kaniya habang inaayos niya yung mga bagong deliver na damit.

"Part timer lang yon si Phil. Hindi mo ba alam?"

Part timer? Bakit hindi ko alam e ako ang boss niya.

"Ganoon ba? Pwede mo ba akong kwentuhan tungkol sa kaniya?"

Bigla naman siyang ngumiti ng nakakaloko.

Hay nako. Iba nanaman siguro nasa isip niya kaya ko tinatanong.

"Wag mo sabihing may gusto ko na sa kaniya?" pangaasar sa akin ni Katie.

"Magkukwento kaba o hindi? Kasi kung hindi lumabas kana dito sa office ko dahil marami akong tatapusin."

"Eto na nga e magkukwento na po ma'am."

"Si Philip nagpart time lang siya dito. Pero ang sabi niya nung nagapply siya kailangan niya ng extrang pera kasi may sakit ang kapatid niya. Yun lang ang alam ko."

"Taga saan ba talaga siya?"

"Ang nakalagay sa resumé na pinasa niya ay taga Bulacan siya."

"E bakit dito pa siya nagtrabaho? Ang layo naman."

"Aba malay ko Summer Dale Gomez. Ang dami mong tanong. Bakit ba interesadong interesado ka sa kaniya? Nakamove on ka na ba kay Liam? Kung nakamove on kana e proud ako sayo."

Sinamaan ko siya ng tingin dahil walang preno yung bibig niya. Napakadaldal talaga ng babaeng 'to kahit kailan.

"Matagal na akong nakamove on kay Liam, Katie. Kaya pwede ba wag mo na siyang babanggitin. Kasi once na binanggit mo pa siya. Tatanggalan kita ng trabaho."

"Ang sungit mo naman po ma'am. Lalabas na nga po ako dito ang pait ng hangin." pangaasar niya sakin saka lumabas ng office ko habang tumatawa.

Sumasakit ang ulo ko kay Katie. Parang tanga.

Nagtrabaho nalang ako buong araw at pinilit na huwag nang isipin yung litrato namin ni Philip.

Gabi na nang matapos ko ang mga designs na naisip ko para sa Summer Collection ng boutique namin.

Sa wakas ay kumpleto na iyon. At wala na akong ibang iisipin sa ngayon.

Nagcheck naman ako ng Facebook ko.

Bakit kaya hindi ko ichat si Philip dito? Baka sakaling malaman ko yung sagot.

Ichachat ko na sana siya pero naka deactivate ata ang account niya dahil hindi ko iyon mamessage.

Paano na 'to?

"Hoy ma'am tapos kana po ba sa ginagawa mo?" biglang tanong ni Katie na nakasilip yung ulo sa may pinto.

Natawa naman ako sa itsura niya ngayon.

"Oo tapos na ako. Sabay kana ba sakin umuwi?"

"Ah eh. May dadaanan pa kasi ako e." nakakahalata na talaga ako kay Katie. Parang may tinatago siya sakin.

"Hoy babae! Ikaw ba may tinatago sa akin? Lagi ka na lang busy pag ganitong oras. Magsabi ka nga sakin ng totoo. May boyfriend kaba?"

Halatang nagulat siya sa sinabi ko. May boyfriend nga siguro itong babaeng 'to.

"Anong boyfriend pinagsasabi mo diyan? Wala akong boyfriend gaga."

"E bakit pala lagi kang may ginagawa?"

"E kasi nga may part time ako sa convenience store diyan sa kabilang kanto kaya kailangan kong mauna."

Part time? Bakit kailangan pa niyang magpart time? E malaki naman sweldo niya dito?

"Bakit ka pa magpapart time? Di pa ba sapat yung sahod mo dito?"

"Wala pampalipas oras lang siguro?"

"Halika na nga. Ihahatid nalang kita doon"

Pumayag naman siya na ihatid ko siya. Mukhang totoo ngang nagttrabaho siya roon dahil meron siyang uniform.

Nagpaalam na ako kay Katie at nagdrive na pauwi.

Pagkauwi ko ay nakatulog ako kaagad sa sofa ng sala ko.

Naalimpungatan naman ako ng biglang nagring ang cellphone ko.

Nang tinignan ko iyon ay unknown number nanaman. Tinignan ko ang oras at nakita kong alas dos na ng madaling araw.

Hello sino 'to?

Hinintay kong magsalita yung nasa kabilang linya pero ilang segundo na ang lumilipas wala pa ring sumasagot. 

Istorbo naman to sa pagtulog. Ibababa ko na sana ang tawag nang bigla siyang nagsalita.

"Summer. Nahanap rin kita sa wakas."

Boses iyon ng babae.

Nabitawan ko na lang ang cellphone ko dahil sa takot at kabang nararamdaman ko.

Hindi ko kilala kung sino ang taong tumawag sakin. Siya rin ba yung nagtext at tumawag sakin noon?

Sino iyon? Bakit niya ako hinanap?

Stolen MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon