Chapter 7

16 3 2
                                    


"Bakit ba kasi hindi niyo nalang sabihin kay Summer na ampon siya?"

Nang marinig ko ang usapan nila ay sunod sunod ang pagtulo ng luha ko.

"Deserve niyang malaman yon. At saka bakit ba hindi niyo na lang siya ibalik sa mga magulang niya?"

"Ilang beses ba namin dapat sabihin sayo na patay na ang mga magulang niya?"

Patay na ang mga magulang ko?

Unti unti akong humakbang paatras pero natabig ko ang vase na nasa tabi ko kaya nabasag iyon at lumikha ng ingay kaya nakuha ko ang atensiyon nilang tatlo.

Tumakbo ako palabas ng bahay dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko at kung saan ako pupunta.

Bahala na.

Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nasa tabing dagat. Umiiyak na parang bata.

Ampon ako? Pero bakit? Paano?

Nagising ako sa pagtulog ko. Hinawakan ko ang ulo ko dahil pakiramdam ko ay mabibiyak iyon.

Iyong panaginip ko totoo ba 'yon? Bakit pakiramdam ko ay totoo iyon.

Sobrang sakit ng ulo ko. Pinipilit kong abutin ang cellphone ko na nasa side table ng kama ko pero nabigo akong kunin iyon at hindi ko na alam kung anong sumunod na nangyari sa akin.

"Anak gising ka na. Nagaalala na ng sobra si mommy."

Pinilit kong idilat ang mga mata ko at nakita ko si mommy na nakayuko habang hawak ang kamay ko.

"Mommy?"

Gulat na napatingin sa akin ang mommy ko. Umiiyak siya.

Ayokong nakikitang umiiyak ang mommy ko. Nasasaktan ako.

"Mommy ano pong nangyari?"

"Nakita ka namin ng papa mo na nakahandusay sa sahig. Tinatawagan ka namin pero hindi mo sinasagot ang cellphone mo. We were so worried kasi nung tinawagan namin si Katie ang sabi niya maaga kang umuwi. Isusurprise ka sana namin pero kami ang nasurprise ng papa mo. Anak sobra akong nagalala sa iyo."

"I'm sorry for making you worry mommy. Promise it won't happen again." Sinsero kong sabi kay mommy.

Nagpaalam sakin si mommy na lalabas muna siya para ayusin ang bill ko sa ospital. At para na rin madischarge ako.

Sabi raw ng doctor ay baka side effect ito ng amnesia ko dahil baka daw ay masiyado akong naiistress nitong mga nakaraang araw. Maaari rin daw bumalik ang mga alaala ko.

Pero yung panaginip ko nung araw na iyon hindi pa rin mawala sa isip ko.

"Anak umuwi ka muna kaya sa Manila para mabantayan ka namin ng papa mo?"

Pumayag naman ako sa gusto ni mommy dahil iyon naman talaga ang balak ko. Para na rin makaiwas sa stress. Magpapahinga muna siguro ako.

Sumabay ako ng uwi kay mommy pabalik ng Manila. Si papa naman ay naiwan sa zambales dahil sa trabaho. Iniwan ko ang kotse ko sa Zambales dahil sabi ni papa ay siya na lang muna ang gagamit non at ihahatid nalang daw niya iyon pauwing Manila. 

"Anak magpahinga ka muna. Baka napagod ka sa biyahe." nagaalalang sabi sakin ni mommy.

21 years old na ako pero teenager pa rin akong ituring ni mommy. Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi ko naman siya masisisi. Gusto niya lang kung anong makakabuti para sa akin.

Humiga ako sa kama ko at naghintay na dapuan ako ng antok.

"Sam tara na umuwi na tayo. Anong oras na oh? Papagalitan na tayo"

"Pwede mo naman akong iwan dito. Ayos lang ako. Wala namang mangyayaring masama sakin e. Okay lang ako. Umalis kana."

"Summer hindi nako natutuwa sa ugali mong ganiyan! Kelan ka ba magbabago?

"Bahala ka na sa buhay mo Summer. Ayoko nang mapagalitan nanaman ng dahil lang sayo. Hindi ko na alam kung bakit ba kita pinagtitiisan hindi naman kita tunay na kadugo. Sana mawala ka na lang sa buhay namin."

"Aalis nako Summer. Bahala ka na sa buhay mo."

Napabangon ako bigla sa kama dahil nagising ako dahil sa panaginip ko.

Iyong babae sa panaginip ko. Siya rin yung babaeng nakita ko sa restaurant at yung client ko na nagpagawa ng wedding dress sa akin.

"Anong nangyayari?" naguguluhang tanong ko sa sarili ko. Dahil hindi ko na maintindihan kung ano bang nangyayari sa akin.

Pinilit kong bumalik sa pagtulog pero nabigo ako. Hindi mawala sa isip ko yung panaginip na iyon.

Alam kong panaginip lang iyon at may posibilidad na hindi totoo 'yon pero kailangan ko ng sagot.

Stolen MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon