Chapter 6

37 4 5
                                    

Isang buwan na ang lumipas. Mula nang makatanggap ako ng ganoong tawag.

Pero hindi na iyon naulit kaya naisip ko na baka prank lamang iyon.

Pero iba ang pakiramdam ko sa babaeng iyon. Familiar ang boses niya. Alam ko narinig ko na iyon.

Kung hindi ako nagkakamali. Siya yung babae sa restaurant na kinainan ko bago ako umuwi rito sa Zambales.

Pero paano niya naman nalaman ang private number ko.  At bakit niya ako hinahanap?

Tinanong ko si Katie kinabukasan ng araw na iyon kung may pinagbigyan siya ng number ko. Pero sabi niya ay wala raw. Kaya grabe na lang ang pagtataka ko.

"Summer? Ayos kalang ba? Napansin ko nitong mga nakaraang araw ay madalas kang tulala?"

"Ayos lang ako kay Katie."

"Naiisip mo nanaman ba yung tumawag sa iyo noon? Diba sabi ko huwag mo na iyon masyadong isipin dahil maiistress ka lang. Pag naistress ka papangit ka."

Itong si Katie talaga minsan hindi ko alam kung seryoso ba o nagbibiro. 

"Katie uuwi muna siguro ako sa Manila. Ang tagal na rin kasi ng last naming kita nila mommy. Ikaw na muna ang bahala dito sa boutique. Wala namang masyadong customers."

"Osige Sam. Ay speaking of customer. Meron akong nakausap na client kanina na gusto raw magpagawa ng wedding dress. Baka mamaya ay nandito na iyon."

"Ganoon ba. Sige hihintayin ko para makuhanan ko siya ng sukat."

Lumipas ang ilang minuto at dumating na yung client na sinabi sakin ni Katie.

Pero nagulat ako sa nakita ko.

Siya yung babae na nagsabi sakin na kapatid ko raw siya. Siya yung babaeng pakiramdam ko ay ang tumawag sakin noon.

"Good morning ma'am." Bati iyon ni Katie sa kaniya.

Nanginginig ang mga kamay ko sa hindi malamang kadahilanan habang sinusukatan ko siya.

Mas lalo pa akong kinabahan nang bigla niya akong kausapin.

"Summer. Ikaw pala ang may-ari nito."

Tipid na ngiti lang ang sinagot ko sa kaniya dahil pakiramdam ko ay may nakabara sa lalamunan ko at hindi kayang lumabas ng mga salitang gusto kong banggitin.

"Mukhang maganda na ang buhay mo ngayon Summer."

Sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ko ay may kakaibang takot at kaba akong nararamdaman. Bakit ganito?

Hindi ko na sinagot ang tanong niya dahil tapos na akong kuhanin ang mga sukat niya.

"Thank you ma'am. Tatawagan na lang po namin kayo kapag tapos na ang gown niyo. Huwag po kayong magalala magaling na designer si Miss Summer. Hindi niya kayo bibiguin." masiglang sabi sa kaniya ni Katie.

Medyo gumaan ang pakiramdam ko noong paalis na siya pero napalitan nanaman iyon ng takot nang tignan niya ako sa mga mata ko at nginitian ako.

Kapag nginitian ako ng ibang tao ay ngingitian ko sila pabalik. Pero nung siya ang ngumiti sa akin ay puro takot lang ang naramdaman ko.

Lumipas ang buong araw na hindi ako makapagfocus sa trabaho ko. Kaya sabi ko kay Katie ay maaga na lang akong uuwi para matulog at makapagpahinga.

Stolen MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon