Chapter 16

6 2 1
                                    

Pakiramdam ko ay gumuho ang buong mundo ko. Wala akong magawa kung hindi umiyak lang ng umiyak habang nakatingin kay mommy.

Hindi ko alam kung buhay pa ba siya. Gusto ko siyang lapitan para mayakap at sabihin sa kaniyang hindi ko siya pababayaan tulad ng ginawa nila sa akin ni papa.

"Buhay ang kinuha mo sa akin Summer. Buhay rin ang kapalit."

"Mommy!" paulit ulit kong sinisigaw. Pero wala akong magawa dahil nakatali ako.

Ganoon din si papa at si Katie.

"Tama na Kai! Huwag mo silang idamay dito. Wala silang alam." namamaos na ang boses ko sa kakasigaw.

"Tama na please." pakiusap iyon ni papa.

"Sabihin mo sa akin ngayon kung anong pakiramdam Summer. Sabihin mo sa akin kung anong pakiramdam na makitang nagaagaw buhay ang taong pinakaimportante sa iyo." nangingilid na ang luha ni Kai pero halatang pinipigilan niya iyon.

"Paano mo nagagawa 'to?" tanong ko sa kaniya.

"Kasalanan mo kung bakit ako nagkaganito Summer. Kasalanan mo kung bakit nawala ang lahat ng meron ako. Hindi ako papayag na ako lang ang maghihirap."

"Nababaliw kana!"

"Hindi ako baliw!"

Agad siyang lumapit sa akin at hinila ang buhok ko.

"Hindi ako baliw Summer! Hindi!" habang sinasabi niya iyan ay tinatanggal niya ang pagkakatali ko sa upuan.

Nang matanggal niya iyon ay hinila niya ako pabagsak sa lupa. Nanghihina na ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung hanggang saan pa ang makakaya ko.

Puro sugat at pasa na ang buong katawan ko. Sumasakit ang ulo ko. Hindi ko kayang tumayo para labanan siya at iligtas ang mga taong mahal ko.

"Tumayo ka Summer. Ipaparanas ko sa iyo ang naranasan ko nang mawala si mama at papa."

Hinila niya ako patayo at may iniabot siyang isa pang baril sa akin.

"Hawakan mo!" sigaw niya nang hindi ko iyon kinuha sa kaniya.

Nanginginig ang kamay ko nang abutin ko iyon.

"Itutok mo iyan sa papa mo." utos niya sakin pero hindi ako kumilos.

"Gawin mo!" sigaw niya nanaman at ngayon ay sa akin na nakatutok ang isa pang baril na hawak niya. Na siya ring ginamit niya para barilin si mommy.

Ginawa ko ang iniuutos niya kahit labag ito sa kalooban ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatutok ang baril kay papa.

"Papa I'm sorry." iyon lamang ang sinabi ko.

"Pagbilang ko ng tatlo Summer ikaw ang papatay sa papa mo. Kuha mo ba iyon?" bulong sa akin ni Kai habang nakatutok pa rin sa akin ang kaniyang baril.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Nang tignan ko si Katie ay umiiyak lang siya at wala ring magawa. Para kaming mga kawawa.

"Isa.." nagsimula nang magbilang si Kai.

Papa I'm sorry.

"Dalawa.."

Hindi ko kaya.

"Tatlo.."

Nanghihina ako.

"Anong ginagawa mo! Barilin mo ang papa mo!" galit na sigaw sa akin ni Kai.

"Hindi ko kaya!" Sigaw ko at buong tapang kong itinutok sa kaniya ang hawak kong baril.

"Tama na Kai! Bakit kailangan pa natin humantong sa ganito?" naiiyak kong sabi

Pero hindi niya ako pinansin.

Sa isang iglap ay may narinig akong tunog ng baril.

Si papa!

Tinignan ko kung saan galing iyon. Si Philip!

Pinatay niya ang papa ko!

"Putangina mo!" sigaw ko kay Philip.

Nang itutok ko sa kaniya ang baril ay hindi na ako nagdalawang isip na iputok iyon. Hindi lang isang beses kung hindi dalawa.

Nakita ko kung paano siya bumagsak sa lupa.

"Philip!" sigaw ni Kai at patakbong pumunta sa kasintahan niya.

Ako naman ay mabilis na pumunta kela mommy at papa.

Nang hawakan ko si mommy ay wala na siyang pulso. Si papa naman ay buhay pa.

Agad kong pinatong ang ulo ni papa sa hita ko kahit na masakit iyon.

"Papa. I'm sorry kasalanan ko 'to."

Hinawakan ni papa ang pisngi ko at may tumulong butil ng luha sa kaniyang mata.

"It's not your fault anak. Kung inilayo ka na sana namin agad dito mula nang malaman naming hinahanap ka ni Kai hindi na mangyayri lahat ng 'to."

"Anong ibig mong sabihin papa?" naguguluhan kong tanong.

"Nakuwento sa amin ni Katie ang tungkol sa tumawag sa iyo. Nang malaman namin iyon pinaimbestigahan namin kaagad kung sino ba si Kai at nang malaman naming siya ang kapatid mo noon at ang nangyari sa mga magulang niyo ay natakot kami ng mommy mo. Kaya nga ay dapat lilipat tayo ng ibang bansa para makalayo. Pero huli na ang lahat."
Unti unti nang pumikit si papa.

"Papa huwag mo akong iiwan!" sigaw ko. Ngunit wala nang magagawa ang pagsigaw ko nang unti unting pinikit ni papa ang mata niya.

Stolen MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon