Chapter 17

5 2 3
                                    

"Summer!" tawag sa akin ni Katie.

Nang lingunin ko siya ay kita kong hawak na siya ni Kai.

"Kai. Please tama na. Pagusapan natin to. Hindi pa ba sapat sila mommy at papa?" pagmamakaawa ko sa kaniya.

Pero hindi niya ako pinakinggan at hinila paalis si Katie. Hindi ko alam kung saan niya dadalhin si Katie. Kailangan kong humigi ng tulong.

Kinapa ko ang bulsa ni papa at nakuha ko roon ang cellphone niya.

"Hello." Humihikbi kong sabi nan sagutan ng kabilang linya ang telepono.

"Hello ma'am this is the emergency hotline. How may I help you?"

"I need an ambulance please."

"Can you tell me where your location is ma'am?" Shit location? Hindi ko alam kung nasan kami.

"I don't know. Hindi ko alam."

"Okay ma'am. Wag niyo nalang po ibaba ang linya at itetrace namin ang location niyo."

Pagkatapos ng ilang minuto ay nagsalita ulit ang babae sa kanilang linya.

"We got your location ma'am. The ambulance will be there shortly."

Yun lamang at binaba niya na ang tawag.

Si Katie! Kailangan kong hanapin si Katie. Pero saan?

Hindi ko na malaman ang gagawin ko.

Nilapitan ko si mommy at pinakiramdaman kung may pulso pa ba siya.

Nakahinga ako ng maluwag nang maramdaman kong meron pa pero sobrang hina na.

"Nasaan na yung ambulance?" Natataranta na ako.

Kailangan ko pang mahanap si Katie.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang tulong.

"Ma'am naitransfer na po sa ambulance ang mga injured. Kailangan niyo rin pong matignan." Umiling naman ako.

"Hindi kuya. Kailangan ko hanapin ang kapatid ko. Nasa panganib ang buhay niya."

"Pero ma'a—."

"Stop it! I said kailangan kong mahanap ang kapatid ko! Iligtas niyo ang mga magulang ko!" Naubos na ang pasensiya ko kaya nasigawan ko yung nurse.

"Tatawag kami ng pulis ma'am para mahanap ang kapatid niyo." Sabi niya at iniwan ako.

Tinignan ko ang daan na tinahak kanina ni Kai kasama si Katie. Kailangan ko siyang sundan.

Lakad takbo ang ginawa ko. Masyado nang madilim dahil nakalubog na ang araw at tanging liwanag nalang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa daan ko.

"Tangina!" sigaw ko dahil sa frustration na nararamdaman ko.

"Katie!" sigaw ko umaasang sagutin niya ako.

"Summer!" si Katie iyon. Boses ni Katie iyon!

"Summer andito ako tulungan mo ako!"

Sinundan ko naman ang sigaw niya at sa di kalayuan ay nakita ko siyang nakatali sa isang puno.

"Summer! Tulungan mo ako" Umiiyak na sabi niya at tumakbo naman ako palapit sa kaniya at kaagad na tinanggal ang tali sa katawan niya.

Niyakap ko naman kaagad siya.

"Nasaan si Kai?" Tanong ko

Pero umiling lang siya sign na hindi niya rin alam.

"Kailangan na natin umalis. Humingi na ako ng tulong. Dinala na sa ospital sila mommy." paliwanag ko.

"Tara na." hawak kamay kaming naglalakad nang may narinig kaming putok nanaman ng baril.

Nakita ko kung paano bumagsak si Katie sa lupa. Dumudugo ang binti niya.

Agad kong nilingon ang pinanggalingan non. Nakita ko si Kai na nakatayo di kalayuan sa amin.

"Sa tingin niya papaalisin ko kayo ng buhay?"

"Kai tama na please. Walang magagawa yang galit mo sa akin. Hindi na mababago ng galit mo ang nangyari na."

"Tumahimik ka!" sigaw niya at itinapat naman sa akin ang baril.

"Bibigyan ko kayo ng sampung segundo para tumakbo. Kapag naabutan ko kayo papatayin ko kayong dalawa."

Agad ko namang hinila patayo si Katie kahit na alam kong nahihirapan siya dahil sa tama ng bala sa binti niya.

"Tara na Katie. Please. Tiisin mo muna. Hanggang makaalis na tayo."

Tumakbo kami ni Katie pero hindi pa kami nakakalayo ay natumba nanaman si Katie.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Tinanggal ko ang suot kong jacket at pinunit ko ang sleeve non at itinali sa sugat ni Katie para mapatigil ang pagdudugo non.

"Halika na." Saad ko

Nang makatayo kami ay bigla nalang sumakit ang likod ko at naramdaman na parang may tumutulo doon.

"Summer!" rinig kong sigaw ni Katie bago ako bumagsak sa lupa.

Bago ako tuluyang mawalan ng malay may narinig akong magkakasunod na putok ng baril.

Pero hindi ko na nakita kung saan nanggaling iyon dahil tuluyan nang dumilim ang paligid ko.

Stolen MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon