Chapter 18 (Epilogue)

12 2 4
                                    

Katie's P.O.V

Ilang linggo na rin ang lumipas matapos ang insidenteng nangyari.

"Summer. I miss you." pagkausap ko kay Summer.

Katabi ko ngayon sila Tita Shane at Tito David. Maayos na ang lagay nila dahil sabi ng doctor ay wala namang natamaan organs sa kanila.

"Halina kayo." aya samin ni Tito David.

Pero si Tita ay nakatayo pa rin doon at nakatulala. Alam kong nasasaktan si Tita sa mga nangyari.

Walang may gusto sa mga nangyari.

"Tita tara na po."

Tinignan lang ako ni tita at naglakad na kasunod ni Tito David.

"Babalikan ka namin Summer. Mahal ka ni ate." sabi ko at tumalikod na.

Sumakay naman ako sa kotse nila tito David at nagsimula na siyang magmaneho.

Tahimik lang kami buong byahe hanggang sa makauwi kami.

Wala paring nagsasalita sa amin. Hindi pa rin kami nakakamove on sa nangyari.

"Tita akyat lang ho ako sa kwarto." paalam ko

Mula nang mangyari ang insidenteng iyon ay dito na ako tumira kela Summer.

Pumasok ako sa kwarto.

Inikot ko ang buong tingin ko sa kwarto. Napakalinis. Napakatahimik.

Sana andito ka Summer. Sana naranasan ko kung paano magkaroon ng kapatid.

Lumapit ako sa study table ni Summer at may nakitang parang photo album doon.

Binuksan ko iyon at napangiti naman ako nang makita ang mga litrato namin.

Mula nang makarecover siya sa aksidente four years ago ako ang tumayong bestfriend niya. Hindi man lang namin nalaman na magkapatid pala talaga kami.

"Ang cute natin rito Summer." tukoy ko sa isang picture kung saan nakatayo kami sa isang upuan at magkayakap.

Unti unting tumulo ang luha ko nang maalala ang ilan sa mga alaala naming dalawa.

"I'm sorry Summer. Hindi man lang kita nailigtas." Hindi ko na napigilan ang pagiyak ko.

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog sa kama dahil paggising ko ay nakahiga na ako.

Tumayo ako naligo at nagbihis. Pagkababa ko ay nakita ko sila Tita at Tito na nagaagahan.

"Good morning po." bati ko sa kanila at nginitian lang ako ni Tito.

"Halika Katie magagahan tayo." aya sa akin ni Tita.

Umupo naman ako sa isang bakanteng upuan at sinimulan kumain.

"Tita bibisitahin ko po ulit si Summer." tumango lang si Tita bilang sagot.

Pagkatapos kong kumain ay agad akong lumabas at pumunta kung nasaan si Summer.

"Hi, Summer andito ulit si ate." bati ko at umupo naman ako sa tabi niya.

"Nakita ko yung photo album natin kagabi. Ang saya natin doon." kwento ko habang pinipigilan na umiyak.

"Alam mo ba malungkot pa rin sila Tita. Syempre sino ba namang hindi malulungkot?" natawa pa ako ng konti.

Bumuntong hininga nalang ako at nabalot lang ng katahimikan ang buong paligid.

Tumayo nalang ako matapos ang ilang oras na pagiistay doon.

Nagpaalam na ulit ako kay Summer. At nangakong babalik ulit ako bukas.

"Babalik ako bukas, Summer. Pangako."

Ganon lamang ang ginawa ko buong linggo. Binabalik balikan ko lang si Summer.

"Tito alis na po ako." paalam ko kay Tito.

Pero pinigilan niya ako.

"Katie. Araw araw mo nang binibisita si Summer. Magpahinga ka na muna. Hindi ka ba napapagod?"

Nginitian ko si Tito.

"Hindi po ako mapapagod Tito. Pambawi ko lang po sa mga panahong hindi kami nagkasama ni Summer." pagpapaliwanag ko sa kaniya.

"Pero Katie—."

"Okay lang po ako Tito."

"Sasamahan kita." Sabi niya at nauna nang lumabas ng bahay at hinintay akong makasakay sa kotse.

Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami kung nasaan si Summer.

"Hi anak." bati ni tito sa kaniya at inilapag ang mga bulaklak na binili namin kanina.

"Namimiss ka na namin ng mommy mo." hinayaan ko lang na magsalita si Tito.

"Araw araw umiiyak ang mommy mo. Pero buti nalang andiyan si Katie napapagaan niya ang loob ng mommy mo kahit papaano." tumingin naman sa akin si Tito.

"Alam kong malaki ang kasalanan namin sa iyo ng mommy mo. Dahil hindi man lang namin sinabi sa iyo ang totoo. Hindi man lang namin nagawang sabihin sa iyo ang pagkatao mo. Sorry anak."

Nakita ko kung paano unti unting tumulo ang mga luha ni Tito. Niyakap ko naman siya para aluin.

"Hintayin kita sa kotse magusap muna kayo." sabi ni Tito at iniwan kaming dalawa ni Summer.

"Summer, araw araw kitang pinupuntahan dito. Para lang makabawi sa iyo. Namimiss na kita ng sobra. Ilang linggo na ang lumipas pero hindi ko pa rin matanggap." nagcrack na ang boses ko dahil naiyak nanaman ako.

"Hindi mo na kasi dapat ako niligtas e. Edi sana buhay ka pa ngayon. Ako sana ang nandiyan hindi ikaw."

Naalala ko nanaman kung paano ako iligtas ni Summer sa kamay ni Kai.

"Sana hindi mo nalang nilagyan ng tali yung sugat ko edi sana nakita natin na andoon na pala si Kai."

"Hindi ka sana nakalibing ngayon diyan. Hindi sana nangyari lahat ng ito."

"Hindi mo man lang naibalik lahat ng alaala mong nawala noon."

"Huwag kang magalala, Summer. Aalamin ko ang buong pagkatao mo at ikkwento ko iyon sa iyo kapag bibisitahin kita rito."

Tumayo na ako at nagpaalam na ulit kay Summer at sumakay na sa sasayan ni tito.

Hindi ka man namin kasama ngayon Summer, pero ang mga ala-ala mo kasama kami ay hindi pwedeng manakaw sa amin.

Mahal na mahal kita.
———————
The End.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stolen MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon