Chapter Eleven

1.2K 15 6
                                    

Hi there!

Thanks for reading this story... :)

Here it goes...

______________________________________________________________________________

KATHRYN's POV

Enjoy dito sa Palawan, grabe! For the past four days wala kaming ginawa kundi ang gumala. Natural, alangan na pumunta kami dito para magkulong dun sa house? Common sense naman, Kath. Haha. May dumatng kaming tour guide at pinunta kami kung saan-saan. Kwento ko nalang guys ah? :)

We went sa may crocodile farm wherein sa sobrang takot ko magcross dun sa bridge, piniggy-back ride ako ni DJ at ako naman, no choice kasi takot talaga ako. As in. Kasi naman, ikaw kaya maglakad sa bridge na ang nasa ilalim eh puro grown crocodiles. Diba? Meron pa ngang iba dun nakaopen yung mouth, parang naghihintay na may mahulog na tourist. Nung makacross naman kami, hindi na ako binaba nung mokong hanggang sa malibot namin yung buong farm. Strong niya noh? Kilig naman ako. Kilig na kilig! Haha. Echosera ako.

Tapos nagisland hopping din kami on the second day. Buong araw kami naligo. Buti nalang at walang nasun buen sa amin. Ang favorite island ko dun is the Snake Island, kasi may part dun sa middle ng beach na nawawala yung water paglow tide at ang ganda kasi may lilies. Si DJ naman na mafeeling, nagmodel-model na pangBENCH daw. At ako naman ang kanyang dakilang camera girl. Katuwa lang siya. Cute talaga. Dami din namin pictures together and syempre with my family. Nahihilig na ata ako mahpicture dahil nahahawaan ako ni Albie.

Next thin na exciting is nung nagscubba kami! Ang daming fish and pretty corals! Buti nalang walang crocodile dito. Habang nasa ilalim kami ng water, magkahawak kami ni DJ nun, kasi baka daw maligaw ako sa ilalim ng dagat. Oh, diba? Echosera din itong bestfriend ko? We rented an underwater cam dun sa may shop kaya may remembrance ulit.:)

Sa fourth day namin dito, we went to the underground river na sikat na sikat talaga. Nature really is amazing. Nasa boat kami nun at kami ni DJ yung nasa harapan. He's holding a lamp para may light kasi super dark sa loob. Habang andun kami, itong sutil kong bestfriend, takutin ba naman ako? Binubulong niya na baka mamaya may humila sa akin from the water kaya ako naman na takot din, nakakapit sa braso niya. Iniisip nyo siguro na nakachancing ako? Pero hindi, takot talaga ako. Amp kasi. One more thing na maganda dito is that malayang nakakagala ang mga animals. Natawa ako nung nakaupo si DJ sa may bench nung di pa kami pumapasok sa loob nung cave, magkatapat kami nun. Nakatingin siya sa malayo at ako sakanya nakatingin, then suddenly a monkey sat beside him. Hindi man lang niya napansin. Ang kwela lang kasi kung saan nakatingin si DJ, dun din nakatingin si monkey kaya sa sobrang cute, pinicturan ko sila pero sa katangahan ko, nagflash kaya nagulat yung monkey at umalis. Haha. Si DJ hindi alam na may ganun siyang pic sa akin. Shh...

At ngayon naman, andito ako sa room ko with Daniel. Nuod kami ng kung anu-ano. Rest daw muna kasi mamayang hapon alis ulit kami, punta daw sa may baker's hill. So, were stuck here. Dito kami sa bed at nakadapa. Eating pop corn.

"Akina nga yung remote," sabi ko kasi naman ang pangit nung movie, action.

"Eehh---dun na kasi," sabi ni DJ ng nakanguso.

Hindi ko na siya pinansin at nagscan ng ibang movies, tapos tumigil ako nung mapansin ko na si Gerald at Kim yung bida.

"Dyan na!" sigaw ni DJ.

"Buti pa yan," sagot ko at nanuod na while hugging my pillow.

And the title of the movie is PAANO NA KAYA. One of my favorites. At dahil dun, tutok na tutok ako sa panunuod. Grabe, nakakarelate talaga ako kay Kim dito. Idol ko siya because of her role here. Akalain mo yun? Ginagawa niya lahat ng para sa bestfriend niya? Idol!

Sure Is Tough (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon