Depress ako ngayon... :((
Amp na thesis...haaay
anyway...read and enjoy...
VOTE!!! :))
________________________________________________________________________________
ALBIE's POV
"You can cry now," sabi ko at dun na nagbreak down si Kath.
She curled into a ball and cried her heart out. Alam ko nasasaktan siya pero mas doble pa yung nararamdaman ko dahil nakikita kong nagdudusa yung taong mahal ko dahil sa ibang tao. Yes, you read it right. Mahal ko si Kathryn. Ever since 2nd year mahal ko na siya. Nalove at first sight ako sa kanya. Ang corny noh? But it's the truth. The other guys just cant see her real beauty. She's beautiful inside and out. Why cant they see it? Lalo na yung DJ na yun. Siya ang dahilan kung bakit ganito si Kath ngayon. Kathryn, sana ako nalang.
Humahagulgol parin si Kath at dahan dahan akong lumapit at umupo sa tabi niya. I wrapped my hand arround her shoulder and patted her back. That's the only way I know on how to comfort her.
"Ang sakit. Ang sakit sakit," sabi niya habang humihikbi.
Pinunasan ko yung luha niya. "Alam ko. Iiyak mo lang muna, andito lang ako, hindi kita iiwan,"sabi ko sakanya.
Sumandal kami sa pader at patuloy siya sa pagiyak.
"Al--Albie," bulong ni Kath.
"Hmm?" sagot ko lang. Still patting her back.
"Ang ta--tanga ko--noh?" sabi niya while crying.
"You're not. Mali ka lang ng minahal and everybody makes mistake," sabi ko.
"A--ayoko na ng gani--to," sabi niya ulit.
"Shh. Tahan na, Kath. Pagusapan natin to pagkalmado kana."
"Albie. Pasok ka na. I--Iwan mo na lang ako di--to."
Inaalis na niya yung kamay ko sa balikat niya pero mas hinila ko siya papalapit sa akin hanggang sa nakapatong na yung ulo niya sa dibdib ko. Ano ba to. Ang lakas ng tibok ng puso ko! Sigurado ako naririnig niya. Nakakahiya!!!
"A--ayoko." ano ba yan. Nautal pa ako! "Dito lang ako. Diba sabi ko hindi kita iiwan. Friends tayo kaya dito lang ako hanggang sa maging okay ka na." tuloy ko.
Tumahimik siya. Parang ang awkward tuloy. May mali ba akong nasabi.
Mamaya-maya narinig ko siyang tumawa ng mahina.
"Oh? Bakit?" tanong ko.
"Wala. Natutuwa lang ako at naging friends tayo," sabi niya at umupo na siya ng maayos at tumingin sa mga mata ko.
Ang ganda talaga niya. Ngayon na nakatitig kami sa isa't-isa mas lalo kong nakikita na tama ako at siya ang mahal ko. Na hindi ako nagsisisi kahit na mahal siyang iba. Grabe. Tinamaan talaga ako ni cupido.
Nagngitiian lang kami ng bigla niya akong niyakap. Nanlaki mga mata ko at hindi ako makagalaw sa pwesto ko.
"Sorry ah. Pero kasi pag umiiyak ako sa kwarto ko, lagi kong yakap yakap yung human-size bear ko. Pero wala yun dito kaya ikaw muna. Okay lang ba? Sabihin mo sa akin kung ayaw ma ah." sabi niya sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang saabihin ko. Ewan ko kung ano ang pumasok sa utak ko but I wrapped my hands around her too and rested my head on top of hers.
BINABASA MO ANG
Sure Is Tough (KathNiel)
FanficBeing inlove with your bestfriend sure is tough. Pero paano kung mahal ka din pala niya but he's just confused? Then, marerealize niya kung kelan too late na? But---too late na nga ba?