Chapter Thirty Three

843 14 0
                                    

DANIEL’s POV

Nung sumunod na araw, dinischarge na si Kath pero hindi muna siya pinapasok ni tita ng isang araw. Buti na lang at pinakiusapan ako ni tita para kopyahan ng notes si Kath kaya may rason ako para puntahan siya mamaya. Lucky.

Ang dull ng atmosphere dito sa school. Pag wala si Kath nakakatamad pero syempre dapat ako sipagin kasi kokopyahan ko siya at dapat ayusin ko sulat ko. Nakakahiya naman diba kung ang pangit.

“Oi, DJ, kamusta na si Kath?” tanong ni EJ pagkakita sa akin sa class room. Maaga kasi aklong pumasok.

“Nadischarge na siya oero baka bukas pa siya papasok,” malamyang sagot ko.

“Eeeeh, ikaw? Kamusta?” sunod na tanong ni Robi.

“Hindi okay,” sagot ko at pinatong ang ulo ko sa desk.

“Bakit? Masama pakiramdam mo?” tanong naman ni AJ.

“Miss ko na siya,” simpleng sagot ko at pinikit ang mga mata, hinihintay na pumasok ang first teacher.

Maya-maya naramdaman kong may mga kamay na yumakap sa akin. Sa braso, sa leeg, sa mga paa ako, sa likod at gumagawa sila ng tunog na para bang umiiyak sila. Pero syempre, crocodile tears.

“Daniel, baby! Wag ka na sad! Andito naman ako! Replacement niya sandali kung gusto mo!” sabi ni AJ at tinignan ako ng nakakaloko. By this time, dumating na lahat ng classmates naming at pinagtitinginan kami.

“Magugunaw na ang mundo, guys! Kailan ka pa natuto maging ganyan ka-cheesy, DJ!” sigaw naman ni Robi  na pinipigilang tumawa.

“Tinatanong pa ba yan? Edi nung minahal niya yung taong yun,” sabi naman ni Diego.

Mga ulol talaga itong mga to kaya di ko napigilan at tumawa ako.

“Mga adik! Tigilan niya nga ako!” sigaw ko habang tumatawa at tinanggal pagkakahawak nila sa akin tapos sabay-sabay kami nagtawanan.

“Hahaha…oi, DJ, sama ka sa amin, gusto mo? Punta kami Time Zone,” yaya ni AJ at binatukan naman ni Sam.

“Miss na nga niya yung isang tao edi natural uuwi ng maaga yan,” sabi ni Sam at napangiti ako. Alam na alam talaga eh.

“Yeah at isa pa, kokopyahan ko siya ng notes kaya ihahatid ko sa bahay nila,” explain ko.

“Ikaw? Kokopyahan siya? Hindi kaya ibalik siya sa hospital dahil sa sobrang sakit ng ulo kasi hindi niya maintindihan sulat mo?” pagbibiro ni EJ.

“Oo nga! Tutulungan ka na lang namin,” offer ni Diego at nagnod naman sila lima. Ito ang gusto ko sa kanila eh, kapag kailangan ko ng tulong dadating sila.

“Sige sige, paghatian na lang natin yung subjects,” suggest ko.

“Ahmm---sa palagay ko, ako magsusulat sa history at literature,” sabi ni Robi. Sa subjects nay un madami pinapakopya at sa amin lima siya may pinakamaayos na sulat. Sa katunayan, best in penmanship yan sasection namin. Oh, diba? Kalalaking tao natalo pa sa penmanship mga girls namin?

“Ako na lang sa biology at chem.,” sunod na sabi ni Sam.

“Drafting at HE sa akin,” sabi naman ni Diego.

“Computer na lang sa akin,” sabi ni AJ.

“Values at Health na lang sa akin,” sabi naman ni EJ.

“Eh ako?”

“Sa calculus ka na lang,” sabat ni Robi.

“Numbers lang yun, siguro naman maiintindihan yun diba?” pang-aasar ni AJ.

Sure Is Tough (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon