Chapter Thirty

917 13 4
                                    

KATHRYN’s POV

For the past two days I’ve been having the same dream. Naguguluhan na ako kung bakit gabi-gabi na lang yun ang napapaginipan ko at pag gising naman ako, yun din ang palaging laman ng utak ko and because of this, napapatingin ako kay DJ ng walang dahilan. Ang weird lang kasi nung dream eh…lalo na yung sinabi ni DJ sa panaginip ko na, “I love you”

“Kitty, are you blushing?” biglang tanong ni Kuya---sa akin then I came back to reality.

“I am not,” pagdedefend ko sa sarili ko at sabay tago ng aking mukha.

“Haha---yes you are,” tuloy pa rin akong inaasar ni Kuya--- ng lumapit yung taong dahilan kung bakit ako inaasar ngayon.

“Hi,” bati ni DJ sa mga kasama ko. “Kath, practice na daw.”

Tumayo ako, nag-bye at sabay kami pumunta ni DJ sa gym. Well, ever since we agreed to be friends hindi na masyado cold ang atmosphere pag kasama ko siya. Minsan may awkward silence pero lagi naman nawawala yun dahil sa kanya. Aaminin ko, namiss ko yung DJ na ito. Yung bestfriend ko? Pero ngayon haggang magkaibigan lang kami. Siguro naman hindi masama yun diba?

“Buti nalang pala jumoin ako sa PAC,” biglang sabi ni DJ na katabi kong naglalakad.

“Bakit?” tanong ko. Curious.

“Syempre kasi kasa---kasi exempted tayo sa mga quizzes dahil sa practices. Nakakapagod kaya magaral,” sabi niya ng nakatingin sa baba.

Yun lang yun? Psh. Akala ko pa naman dahil sa akin.

WHAT? Ano ba to? Disappointed ba ako dahil yun lang yung reason nya? Nako, Kathryn…

“Tara na. Late na tayo,” sabi niya then grabbed my hand at tumakbo. Wala na akong nagawa kundi tumakbo dahil late na nga kami.

Napansin kong pinagtitinginan kami ng mga tao. For sure dahil hawak ni DJ ang kamay ko. Tuloy pa rin kami sa pagtakbo until marating namin ang entrance ng gym. We stopped and catch our breath. I looked at him and caught him string at me. Ewan ko kung bakit pero tumawa kami. Tumawa ng tumawa.

“Bakit---ba tayo---tuma—tawa?” pilit kong sabi habang tumatawa.

“Ewan…amp! Ang sakit na ng tyan ko!” sigaw ni DJ at lalo kami ulit tumawa.

Siguro after 5 minutes…kumalma na din kami. Grabe…ang tagal kong hindi tumawa ng ganun. Parang baliw lang? Haha. At ang nagkapagpatawa pa ulit sa akin ng ganun ay si DJ. Siya naman palagi ang nagpapatawa sa akin ng todo. Ano bang meron sa kanya at kaya niya akong gawing baliw? Oh well, it’s good to have him as a friend. Pumasok kami ng nakangiti at umupo ng magkatabi. Buti na lang at yung dancers pa lang ang pinapractice nila. Whoo. Haha.

“Uy, Kath, patulong nga,” sabi ni DJ.

“Saan?”

“Yung assignment sa trigo. Asar kasi si Sir Chihuahua eeh,” sabi niya ng mukhang naiinis.

Natawa naman ako. “Ang sama mo. Madali lang nama yung assignment ah?”

“Para sayo…di ko kaya magets. Psh. Kasi naman magtuturo nakaharap sa board. Ano kaya yun? Yung board ba and student niya at yun ang kinakausap niya…” sabi niya.

“Sabagay…” umagree naman ako. Totoo naman eh.

“Told ya…so, tutulungan mo ako?” tanong ulit ni DJ ng nakatingin sa akin with puppy eyes.

“Tigilan mo nga ako sa paawa effect mo,” sabi ko sabay gulo sa buhok niya.

“Oi! Ano ka ba! Not my precious hair!” sigaw niya na kunyare naiiyak at inayos ulit buhok niya.

Sure Is Tough (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon