Update ulit... :D
VOTE! :P
__________________________________________________________________________________
KATHRYN's POV
Alam ko galit si DJ pero hindi ako makalapit sa kanya after kami idismiss kasi andun si Lizette.
Hindi namin classmate si Lizzie. Nasa star section kasi siya kami ni DJ nasa class B pero matalino din kami. Tamad nga lang.
Ayokong umepal sa kanilang dalawa kaya mamaya nalang ako magssorry sa kanya. Inaayos ko yung mga notes ko ng lumapit sa akin si Albie.
"Kath," sabi ni Albie.
"Why Albie?" Tanong ko naman.
"Ahm. Pwede ba sabay na tayo magrecess?" Tanong niya sa akin.
"Oh? Bakit? Wala ba tropa mo?" Sabi ko.
"Parang ganun na nga. Sabihin na lang natin na ako ang pinakaanghel sa kanila?" Mahangin nanaman.
"Sigurado ka? May sakit ka ba?" Biro ko.
Tumawa lang kami at napansin ko na nakatingin sa amin si DJ kaya nginitian ko at nagwave tapos lumabas na ako kasama si Albie.
Siyempre, masakit. Pero, hindi halata kasi nga expert ako sa pagtatago ng feelings ko diba? Kaya acting normal lang ako. Nakikipagkwentuhan kay Albie. Ayoko pumunta sa canteen kasi alam ko na in a few minutes papasok na yung lovebirds dun at lalo lang kikirot tong puso ko kaya niyaya kong kumain sa labas ng canteen si Albie. Okay pala kasama itong si Albie eh. Madaming topic. Madaldal. Haha. Nagffade kahit sandali si DJ sa utak ko.
"May tanong ako," sabi ni Albie.
Napatingin ako sa kanya at hinintay kung ano man yung tatanungin nya.
"Ano maffeel mo kung yung taong mahal mo, may mahal ng iba? And worst, friends pa kayo nung mahal mo?" Tanong niya.
Napatitig ako sa kanya. Ano ibig nya sabihin? Alam ba niya? No way. Ako lang kaya may alam nun. Baka sitwasyon nya yun.
"Hmm...siguro tatahimik nalang ako kung masaya naman yung friend ko diba? Basta happy siya. Ok lang," sagot ko ng nakangiti. "Bakit? Ano meron?" Hirit ko.
Tahimik lang siya. Nakatingin sa mga kamay nya. Hinihintay ko siyang magsalita ulit pero wala. Ano meron?
"Uy, Albie. Ok ka lang ba?" Sabi ko.
Nagnod lang siya tapos ngumiti. Akala ko okay na siya pero nagulat ako sa sinabi niya.
"Mahal mo si DJ." Sabi niya ng nakatingi sa akin.
"Ano ba Albie? Nagjojoke ka ba? Yung unggoy na yun? Mahal ko? No way highway." Deny ko ng tumatawa. Nangttrip ba to? Pero hindi niya sinabi yun ng patanong. Sinabi niya yun na parang nagsstate siya ng fact.
"Mukha ba akong nagjjoke?" Tanong niya ako ng may ngiti sa kanyang mukha pero talagang seryoso mukha niya.
"Wag mo na itago sa akin, Kathryn. Magaling ka nga magtago pero nabuking ka. At ang swerte mo dahil ang nakabuking sayo eh ako. Dont worry. Di ko sasabihin kahit kanino" Sabi nya sabay smile.
Ewan ko kung bakit pero there's something inside me that's telling me to trust Albie. That he can be trusted and he'll never betray me. Ganito pala ang feeling pag may ibang may alam. Parang mejo nabawasan yung weight na dinadala ko kasi may pwede na akong pagkwentohan ng mga nararamdaman ko.
"Basta Kathryn, I'm here. I can be your friend. I'll always be here for you. Kung kailangan mo ng comfort or advice, andito ako palagi. I just want us to be friends." Sabi nya sabay pat sa likod ko. Hindi ko na napigilan. Napaluha na ako. Tears of joy lang naman. Ang sarap pakinggan ng mga words na yun. Hindi ko alam na sa isang Albie Cansino ko pa maririnig ang mga words na gustong gusto kong sabihin sa akin. Hindi ko akalain na makakahanap ako ng bagong friend na mapagsasabihan ko. Ang saya lang. Umiiyak na talaga ako. Two reasons: One, because nagkaroon ako ng bagong friend and Two, kasi nasasaktan ako na napansin ni Albie ang feelings ko for DJ pero yung taong yun hindi. Ang manhid! Lalo lang tuloy ako naiyak dahil parang mas dumoble yung sakit. Buti nalang anjan si Albie.
BINABASA MO ANG
Sure Is Tough (KathNiel)
FanfictionBeing inlove with your bestfriend sure is tough. Pero paano kung mahal ka din pala niya but he's just confused? Then, marerealize niya kung kelan too late na? But---too late na nga ba?