Chapter Twenty-Five

1.1K 17 4
                                    

Sorry mejo natagalan UD.

_______________________________________________________________________________

KATHRYN's POV

I never expected this meeting. Well, oo, inexpect ko na makikita ko siya pero hindi ko sukat akalain na siya ang magttour sa amin dito sa school grounds. I really dont need the tour pero kelangan ako nung anim. Ayaw nilang umalis ako sa tabi nila lalo na si Young Min na sobrang higpit ang pagkakahawak sa kamay ko.

"And this is our Science Lab," sabi ni Daniel at tinuro yung room. 

Well, kung nagtataka kayo kung ano nangyare sa pagkikita namin, pero walang nangyareng unexpected. Gulat lang kami na nakita namin isa't-isa.And now, andito ako sa likod ng mga Kuya ko at katabi kong naglalakad si Young Min at Min Wo.

"You know that guy?" bulong ni Min Wo and I just nodded and smiled. Si Young Min naman tahimik lang na nakatingin sa harap habang hawak ang kamay ko.

"Okay, we'll have a break for 30 minutes," sabi ni DJ at pumunta kami sa cafeteria.

As usual, yung mga girls, tilian nung pumasok kami. Alam ko naman na sila lang pinagkakaguluhan eh.

"Miss! Miss! Ang ganda mo!" may sumigaw na unknown guy at nagwhistle yung ibang kasama niya.

Seriously? Hindi nila ako nakikilala? Psh. Wala naman masyadong nagbago sa akin ah? Yung pananamit ko lang. Ganun na ba ako kapangit noon?

"Kath, what do you want to eat?" tanong ni Young Min na hawak ang isang tray. Magshare na daw kami, holding hands pa kasi eh. Para naman akong batang biglang mawawala.

"Um--Ah, I want ice cream," sabi ko na lang at nginitian ako ni Young Min,

"Okay, what flavor?" tanong niya habang naglalakd kami dun sa ref na may ice cream.

"Eto oh," biglang may humarang na lalaki sa harap namin at naglagay ng cup of ice cream sa tray ni Young Min.

"Vanilla flavor yan, favorite mo," sabi ni DJ at umalis na.

The tour lasted for almost the entire day, buti nalang at 3pm, tapos na. Pinagpahinga na kami ng principal at pinayagang umuwi. Nung pasakay na kami sa car,

"Ingat, Kath," narinig kong sabi ni DJ pero di ko siya tinignan at sumakay na lang.

"Tell me Kath, what's your relation with that guy?" biglang tanong sa akin ni Kuya Dong Hyun pagkapasok na pagkapasok namin sa bahay.

"Yeah, why were you so shocked when you saw him?" tanong din ni Kuya Lee.

"Looks like you knew each other well," sabi ni Kwang Min.

"Yeah! He even knows your favorite ice cream flavor," singit naman ni Kwang Min.

"Okay. Okay, I will tell you," I sighed. Grabe lang. Kung makatanong ang mga to parang wala ng bukas. Pumunta kami sa kwarto ko at dun kinwento ko lahat.

"DJ is--no, was my bestfriend." sabi ko and I felt a twinge in my heart. Masakit pa rin pala isipin na nawala yung friendship namin nung lalaking yun.

 "Was?" tanong ni Kuya Hyun Seong and I nodded.

"He was my bestfriend because I went beyond the boundary," I explained and smiled sadly. Naalala ko lahat. lahat ng memories namin ni Daniel. Binaha ako ng mga oras na magkasama kami. Ewan ko kung bakit ko naalala yun lahat, kung bakit nakakaramdam ulit ako ng sakit. Akala ko ba wala na? Wala naman na talaga eh. Baka namiss ko lang siya kasi matagal din kami naging magbestfriend.

"What do you mean?" tanong ni Kwang Min.

I looked at them and said, "I feel inlove with my bestfriend."

Sure Is Tough (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon