Graduation over... :))
Another update :D
____________________________________________________________________________
KATHRYN's POV
Iniisip ko pa rin yung party ko 5days ago.
Yung announcement ni dad.
Yung company.
Yung engagement.
Yung pagbalik sa Pilipinas.
At yung... kiss ni Young Min sa cheeks ko.
Ugh. Bakit ba kasi ganito? Kapag naaalala ko yun parang bumibilis ang tibok ng puso ko. Naramdaman ko lang naman ito nung kay---
DJ.
Don't tell me...gusto ko na si Young Min? Ano?! Pero--bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? Nakalimutan ko na nga ba ang nararamdaman ko kay Daniel? Wala na ba talaga? Well, I can't blame my heart kung totoo mang may gusto na ako kay Young Min. Sa kanilang anim, siya yung pinakaclose ko. Sa kanya ako komportable at sa kanya ko lang naramdaman yung pagbilis ng tibok ng puso ko. Sheesh.
KNOCK.KNOCK.
"Ms. Kath, Young Min is waiting for you downstairs," sabi ni Linda at nanlaki ang mata ko.
Ano daw? Si Young Min? Si Young Min lang?! Bakit? Asan na yung lima? Ano ba to? Pano ko siya haharapin. Parang--nahihiya ata ako? Nakoo! Kathryn, just go and face him! Baka nagfefeeling ka nanaman.
I took a very very deep breath and went out. Pagtingin ko sa baba, siya agad nakita ko. Sa may sofa. Nakablue polo siya at nanunuod lang ng TV. Pagkababa ko, tumayo siya na para bang natetense siya. Act normal, Kathryn.
"Hey, K-Kath," bati niya sabay ngiti. Bakit nautal to?
I just smiled. Baka kasi mautal din ako eh. Nilapitan ko siya pero bigla niyang hinawakan kamay ko at feeling ko nagblush ako?
"Can we talk outside?" sabi niya and I nodded.
Andito kami ngayon sa pool area. Nakatalikod siya sa akin. Bakit para siyang kinakabahan? Ang tahimik kaya nagsalita na ako.
"Where are the others?" tanong ko. Pero ang tagal niya sumagot. After, like, 30 sec? He faced me with s stern look.
"They didn't go with me because I have to do something and I have to do it alone," sabi niya at unti-unting lumapit sa akin. Heto nanaman ang puso ko, tumitibok nang sobrang bilis. Amp! Ano ba kasing meron!
Nung face-to-face na kami, he held my two hands and I looked at him. We looked at each others eyes. We stayed like that for awhile. Then, he spoke.
"Kathryn, I like you."
Huh? Ano daw sabi?
He chuckled and repeated what he said, "I.LIKE.YOU.KATHRYN." Inemphasize pa talaga niya. I have no words. Tahimik kami, ewan ko lang kung naririnig niya yung lakas ng pagtibok ng puso ko. Kasi ako? naririnig ko eh. Ganito pala feeling ng may nagconfess sayo.
BINABASA MO ANG
Sure Is Tough (KathNiel)
FanficBeing inlove with your bestfriend sure is tough. Pero paano kung mahal ka din pala niya but he's just confused? Then, marerealize niya kung kelan too late na? But---too late na nga ba?