Master of all Master 1

198 10 0
                                    

Isang batang babae ang umiiyak sa isang sulok sa madilim na lugar. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin. Parati nalang nag -aaway ang mga magulang niya.

Kaya isang pasya ang nabuo sa isip ng batang babae, ang umalis sa tahanan na iyon.

Amara: Aalis na lang ako sa bahay na ito. Wala naman silang ginawa kung hindi mag-away. Kapag hindi sila nag-aaway ang lagi lang naman nilang binibigyan ng pagmamahal ay ang mga nakakatanda kong kapatid.

Habang palakad-lakad siya sa lansangan ay ramdam na niya ang init, uhaw at kumakalam niyang sikmura.

Amara: Nasaan na kaya ako? Nagugutom na ako at nauuhaw. Hindi ko na yata kaya pang-maglakad. Nandoon ang namalimos na ako.
"Huhuhu"! Bakit walang mahabag sa akin. Diyos ko ano po ang aking gagawin? Tulungan niyo po ako.

Pagkatapos niyang magdasal ay bigla nalang nagdilim ang paningin ng bata at tuluyan ng nawalan ng malay ang kaawaawang bata. Sa edad na anim na taon ay naranasan na niya ang mga pasakit na ganito.

Ruben: "Huwag kana malungkot mahal ko"

Amelia: "Naman e! Alam mo naman ang tanging pangarap ko ay Ang maging isang ina"

Ruben: "Oo alam ko! mahal kong Amelia may plano ang Diyos sa atin"

Amelia: "Sana nga mahal, Oh tara na at umuwi na tayo"

Ruben: "Oo nga mahal nangangati nako. Makaligo nalang kapag nakauwi na tayo ng matanggal ang mga kumapit sa balat ko galing Ospital"

Amelia: "Tumigil ka nga Ruben sa kaartihan mo!"

Ruben: "Mahal naman nagbibiro lang para ngumiti ka"

Habang nasa biyahe ang mag asawa patungong bahay ay may nakita silang isang bata na naglalakad at ito'y pagewang- gewang maglakad at puno ng dumi ang buong katawan.

Amelia: "Ruben may bata! Bakit kaya nag-iisa sa kahabaan ng kalsada ang bata? Mahal!"

Ruben: "Oo nga teka bubuwal ang bata Amelia" Nawalan na ng malay ang bata. "Teka mahal at itatabi ko lang ang Jeep para mapuntahan natin ang bata"

Amelia: "Oh Diyos kong mahabagin!" Magmadali ka Ruben buhatin mo na
ang bata"

Ruben: "Oo mahal pero saan natin siya dadalhin?"

Amelia: "Sa bahay mahal ito na ang dalangin natin. Natupad na mahal!"

Inuwi nga ng mag asawa ang bata.

Amelia: "Ruben tignan mo ang bata, ang ganda-gandang bata"

Ruben: "Oo nga! Ano kaya Ang pangalan niya? Mukhang lima o anim  na taon palang siya.

Dahil sa lakas ng pag-uusap ng mag-asawa ay unti- unti niyang idinilat ang kaniyang mga mata.

Amara: "Nasaan po ako? Patay na po ba ako?" Tumulo uli ang kaniyang mga luha na parang wala ng tigil.

Margaret: "Nasaan na ba ang bata nayan? Wala nangang silbi palamunin pa"

Nilo: "Oh Margaret bakit kay aga- aga ay high blood kana naman"

Margaret: "Pano ba naman yang magaling mong anak wala nanaman! Bakit hindi pa natin ipaampon yon!?

Ruben: "Oo nga naisip ko narin yan"

Margaret: "Magaling at naisip mo narin yan! Nang tumahimik na ang pamilya natin! Mula ng dumating yan sa atin ay katakot takot ng kamalasan ang sumulpot sa atin!"

Ruben: "Oh heto na pala mga anak natin Margaret, Nakita ninyo ba ang kapatid ninyo?

Madison: "Mom si Cecilia lang ang sister ko okay! She's not my sister!"

Cecilia: "Oo nga po Mommy and Daddy hindi namin kapatid ang malas nayon! Tama si Madison"

Nilo: "Kung hindi ninyo siya nakita ay baka lumayas na yun.

Margaret: "Eh di mainam wala na tayong problema Nilo at dumating narin ang passport natin patungung London"

Nilo: "At hindi rin natin siya maisasama dahil wala siyang pangalan. Hindi rin naman natin siya pinalista sa Munisipyo at wala siyang Birth certificate"

Margaret: "Oo nga ano? Kung ganon tara na at mag-ayos ng gamit"

Madison: "Yes mom! Dali na Cecilia bilisan natin at magiging buhay prinsesa na tayo roon hahaha!!! Wala ng malas!"

Nilo: "O tama nayan! sige na at kumilos na kayo"

Master Of All MastersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon